03 | Journey to the Principal's Office

105 1 4
                                    

I've researched a lot about Montague Academy pero wala akong makuhang matinong information. All I know is dito pinag-aaral ng mga sikat at successful na mga businessman ang kanilang mga anak. Hindi ba sila aware na may namatay dito? I tried finding any recent news or updates about the school pero walang namention na may namatay recently. Weird.
Imposible namang made up 'yon. Who would be heartless to give an old woman that kind of fatal news... unless tinatago nga nila. With the academy's prominent reputation, hindi malabong gumawa sila ng paraan para hindi mapaalam sa iba 'yung nangyari.

Nandito na ako sa harap ng gate ng Montague
Academy. Hinatid ako ni uncle.

"This is as far as I can go," sabi ni uncle.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "You're not accompanying me inside this creepy school?"

Umiling lang siya.

"Why?"

"Parents and guardians are not allowed to go inside school premises except if the school councilors said so," sagot ni uncle sa tanong ko.

I groaned. "Fine."

"Mag-iingat ka Nathalie ah. If you have a problem, tawagan mo lang kami. Naka-save naman number namin ng auntie mo sa phone mo, diba?"

"Yes, uncle. Bye!" pamamaalam ko then I kissed his cheeks.

"Bye, Nathalie. Mag-ingat ka ah," paalala ni uncle bago ako lumabas ng sasakyan.

This is it. I'm really here. Hinintay ko muna na mawala sa paningin ko 'yung sasakyan ni uncle bago ako humarap sa gate ng school.

Montague Academy

Infairness, gate pa lang halatang pangsosyal na.
And mukhang super protected ang school na ito dahil sa nagtataasang brick wall. Hindi ko tuloy makita kung ano 'yung itsura ng school. Hay, nevermind.

Lumapit ako sa gate at may nadatnan akong dalawang guard. Paano kayang may namatay dito e mukhang bantay sarado ang school na ito for 24/7?

"Name," sabi nung isang guard habang yung isa namang guard ay pinigilan ako sa paglalakad sa pamamagitan ng pagharang ng kamay niya sa harapan ko.

"Nathalie Vernice Montgomery po," magalang na sabi ko.

Sinenyasan ni kuya guard 1 si kuya guard 2 na alisin yung pagkakaharang ng kamay ni kuya guard 2.
Pumunta sila sa magkabilang gilid at may pinindot.
Biglang bumukas 'yung gate ng academy. Cool!

"Welcome to Montague Academy, Ms. Montgomery," sigaw nung dalawang kuya guard.

Naglakad ako papasok. Nang makapasok na ako ay napansin kong unti-unting nagsara yung gate. Hi-tech school. Now I know kung bakit dito pinag-aaral ng mga sikat at successful na businessman ang kanilang mga anak. Sobrang ganda ng facilities.

But it wouldn't change the fact na may namatay dito. Napailing na lang ako sa iniisip ko.

Mukhang lunch time na ng mga students dahil napakaraming nakakalat sa corridor. Matagal na start ng pasukan nila dito and 'diba nga late ako nag-enroll dahil sa biglaang pagtransfer sakin ni uncle dito. Now all I need to do is to find the principal's office para makuha ko ng ang schedule ko at room number. Isa kasing boarding school ang Montague Academy.

Cool school pero... may namatay na talaga dito kaya creepy pa rin.

Ang problema lang ay hindi ko naman alam kung nasaan 'yung principal's office. Anong klaseng school ba ito? Wala man lang school map. Paano kapag naligaw 'yung mga new students, diba?

Naglakad-lakad na lang ako. Lumapit ako sa mga babaeng may makakapal na make-up. Kinalabit ko
'yung nasa gina.

Humarap siya sakin at tinaasan ako ng kilay.
Napatingin na rin 'yung mga kasama niya.

Montague Academy: DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon