DALAGA 44❀

14.7K 1.5K 1.6K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



NAKARATING na lang sa'kin isang ang araw ang balita na sa Pilipinas mag-aaral si Miggy ng kolehiyo, pero sa malayong lugar, hindi sa Maynila. Ang dinig ko sa kapitbahay namin ay pangmayamang eskwelahan daw 'yon.

Hindi ko na tinangkang kausapin pa si Miggy dahil tinablan na ako ng hiya, kahit hindi ko naman alam kung bakit dapat akong mahiya. Gustuhin ko man siyang i-add sa napaka-private niyang account sa Facebook ay hindi ko magawa.

Tinanggap ko na lang din talaga ang katotohanan na sa bawat paglipas ng taon ay hindi maiiwasan ang mga malaking pagbabago. Wala nga talagang permanente kahit nararamdaman ng isang tao.

Nabaling din naman ang atensyon ko sa pagsapit ng pasukan nitong June. Ito ang kauna-unahan kong taon sa kolehiyo at kung inakala ko noon na pasakit na ang first day sa unang taon sa hayskul, sobrang sisiw lang pala 'yon kumpara ngayon.

Marami sa mga kapitbahay namin ang natutuwa sa'kin dahil magiging Manilenya na raw ako o Manila girl. Hindi maiwasang tuksuhin ako na mag-iiba raw ako sa katagalan na siyang lihim kong kinaiinis, pinangako ko sa sarili ko na magiging ako pa rin si Mingming kahit sa Maynila pa ako mag-aral.

Pero tila isang kakaibang mundo ang pinasok ko.

Akala ko noon ay nakita ko na ang Maynila noong enrolment. Pero iba pa pala ang daloy ng mundo nito sa normal nitong gawi, kapag nagsabay-sabay na ang pasok ng mga estudyante at mga empleyado. Lahat ng mga tiga-norte ay papuntang timog. Punuan ang jeep at siksikan ang LRT.

Kakaiba 'yung pagod kapag papasok ka palang, parang pagdating mo sa school ay gugustuhin mo nang umuwi dahil haggard ka na. Lalo na pag pauwi, doble ang pasakit ng commute kapag rush hour pasado ala singko ng hapon, hanggang labas ang pila ng LRT at wala kang masasakyang jeep.

Parang dati ay isang sakay lang ng jeep ang biyahe ko na wala pang sampung minuto. Na-culture shock ako ng sobra sa biyahe kong umaabot ng isa't kalahati hanggang dalawang oras, isang sakay ng jeep at tren. Ginusto mo 'to, Remison, kaya magdusa ka.

Sa loob ng isang linggo ay isang araw lang akong walang klase, tuwing Miyerkules. May pasok ako ng Sabado at Linggo naman para sa NSTP (National Service Training Program). Natural daw na hectic ang schedule ng mga first year dahil sa dami ng units.

Kung nakaka-culture shock ang commute ko sa pagpasok, mas nakaka-culture shock din siguro 'yung mga bagong taong nakakasalamuha ko. Ibang-iba sila kumpara sa mga naging kaklase ko noon, siguro factor din 'yung galing sila sa iba't ibang lugar. Hindi naman kasi lahat ng mga kaklase ko ay tiga-Maynila, marami ring mga tiga-probinsya katulad ko.

Nakakapanibago lang na may mga kaklase akong yayamanin o rich kid, may mga englisero, maarte, mukhang mayabang, may mga simple lang din naman katulad ko, may mga tahimik, may iba na sobrang ingay at bida-bida. At sa totoo lang ay nahirapan akong magkaroon ng mga kaibigan. Kaya noong unang linggo ay palagi lang akong mag-isa tuwing vacant, hindi ako lumalabas ng school kapag tanghalian dahil may baon akong pagkain para mas makatipid dahil nuknukan ng mahal 'yung mga pagkain dito.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon