DALAGA 80❀

7.4K 833 1.2K
                                    

Note: This is the last chapter for Season 3

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Note: This is the last chapter for Season 3



TATLONG katok ang narinig ko sa pintuan bago 'yon bumukas nang bahagya. Nakita ko ang nakasungaw na mukha ni Auntie, tumango ako at saka siya pumasok sa loob ng kwarto.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya sa'kin. Umupo ako sa kama, at tumabi naman siya sa'kin.

Napangiti ako nang bahagya, saka ko nasulyapan ang orasan, pasado ala una na ng madaling araw. "Mukhang namamahay po yata ako sa mismong bahay natin."

Sumimangot si Auntie. "Namimiss mo siguro ang mala-aircon na klima at malambot mong kama ro'n sa Baguio."

"Ikaw, Auntie? Bakit gising ka pa? At saka bakit sa sala ka naglatag ng mahihigaan?" tanong ko.

"Gusto lang kitang bigyan ng private space, alam kong marami kang iniisip kahit na napakabata mo pa para mamroblema," sagot niya. "Pero sa tingin ko ito na rin ang mas makabubuti sa'yo, Ming."

"Kahit na... Kahit na malaki ang utang na babayaran natin?" nang sabihin ko 'yon ay hindi nakasagot agad si Auntie. "Mukhang hindi rin gano'n kasaya si Mamang sa naging desisyon ko."

"Hay nako, huwag mong isipin si mother dear, siyempre nag-aalala lang din 'yon kaya huwag sumama ang loob mo kung parang pakiramdam mo ay hindi siya masaya na umuwi ka rito."

Hindi pa rin naibsan ang kalungkutan sa puso ko kahit si Auntie na mismo ang nagsabi no'n. Nagulat sila parehas ni Mamang kanina nang bigla na lang kaming sumulpot ni Poknat sa pintuan ng bahay. Wala rin silang naging violent reaction nang sabihin ko ang nangyari, pati ang tungkol sa relasyon namin ni Poknat.

Pagkahatid sa'kin ni Poknat ay kinailangan din niyang bumalik sa Baguio. Inaasahan ko na nga ang mga tanong o sermon mula sa kanila, lalo na kay Mamang, pero wala akong narinig. Marahil siguro sa kabiglaan nila parehas ay hindi rin nila alam kung ano mga sasabihin.

"Auntie... Hindi naman siguro mali ang desisyon ko na... Na magmahal, hindi ba?" hindi ko na rin mapigilang itanong sa kanya 'yon. Ilang segundo akong tinitigan ni Auntie bago siya umusod at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

"Mas mainam nang nagpakatotoo ka kaysa matali ka ng habambuhay sa isang kasunduan at hindi ka magiging tapat sa sarili mong puso," sabi niya at saka hinawakan ang isa kong kamay. "Mahirap lang sa ngayon pero balang araw marerealize mor in na tama ang naging desisyon mo kahit anong mangyari."

"Auntie..." Sinunggaban ko siya ng yakap at kaagad din naman niya akong niyakap pabalik. Kumawala na rin ang mga luhang kanina ko pa gustong ilabas.

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas bago ako tumahan. Pagkatapos no'n ay saka lang ako dinalaw ng antok.

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Auntie at ang bahagya niyang pagtapik sa'kin. Pilit akong dumilat at mukha nga niya ang tumambad sa'kin. Pumikit ulit ako dahil parang isang pitik lang 'yung tulog ko.

Dalaga na si RemisonWhere stories live. Discover now