DALAGA 21❀

15.4K 1.8K 2.9K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"BAKIT naman sa dinami-rami ng pwedeng ipangalan sa anak ni Judy ay talagang pinagsamang pangalan n'yo pa ni tatay? Remison? Seryoso? Hindi na kayo naawa sa bata."

Napangiwi ako nang marinig kong sinabi 'yon ni Auntie Emily kay Mamang. Wala silang kamalay-malay na pinakikinggan ko 'yung pag-uusap nila mula rito sa kwarto ko.

"Hay nako, Emiliana, huwag mong ibahin ang usapan! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko! Anong masamang hangin ang nagpabalik dito sa pamamahay ko?" kakaiba ang galit sa tono ni Mamang, hindi ko pa nakita 'yong gano'ng itsura niya—parang maiiyak na galit na ewan.

Hindi ko na kasi mapigilan 'yung sarili ko na sumilip sa maliit na singaw ng pinto. Nakikita ko sila sa sala, prenteng nakaupo si Auntie Emily sa upuan habang si Mamang ay nakatayo at nakapamewang.

"Mother dear, kahit baligtarin mo pa rin ang mundo, ikaw pa rin ang nanay mo at ako ang anak mo kaya walang masama na umuwi ako—

"Huwag mo akong banatan ng mga pangtelenobelang salitaan, Emiliana!"

"Emily, mother, it's Emily. Nakakashonda ang Emiliana. Gad, nai-stress ang bangs ko sa'yo kahit wala akong bangs," sagot sa kanya ni Auntie na napahilot sa sentido.

Pinagmasdan ko nang maigi si Auntie Emily. Ang kapal ng makeup niya, iyon talaga ang una kong napansin. 'Yung eye shadow niya kasi kulay itim at gray, ang kapal din ng kilay niya. Maalun-alon na parang kinulot 'yung buhok niyang kulay blonde na unti-unting kumukupas. At base naman sa pananamit niya... simple lang naman pero mukha siyang rakistang fashionista.

Ang hirap i-explain ng pakiramdam ko sa kanya, parang ewan na hindi maganda. Kanina nga halos tumingala ako sa tangkad niya. Nakakatakot, iyon 'yung 'agad kong naisip.

Biglang tumingin sa direksyon ko si Auntie Emily at nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya napalakas tuloy 'yung bagsak ko sa pinto.

Pagkatapos no'n ay hindi ko na narinig 'yung malakas nilang boses. At dahil nilalamon pa rin ako ng kuryosidad ay muli kong binuksan nang maingat 'yung pinto para sumilip.

Wala na sila sa sala. Mukhang ayaw na nilang iparinig sa'kin 'yung usapan nila.

Hanggang sa sumapit ang ala sais ng gabi ay nasa loob lang ako ng kwarto. Winawari ang bagay na...

Bakit hindi man lang sinabi sa akin nila Mamang at Papang na mayroon akong auntie? Na may kapatid ang nanay ko? Bakit parang galit pa si Mamang kay Auntie Emily? Bakit naman umuwi si Auntie Emily?

Sumulyap ako sa journal na bigay ni Mr. E kung saan nakaipit 'yung picture... Idagdag pa ang tanong na 'yon...

Bigla akong nabuhayan ng loob, pakiramdam ko malalaman ko na ang totoo dahil sa pagdating ni Auntie Emily. Pakiramdam ko isa 'yong sign!

Kaso...

"Ming?" narinig ko ang boses ni Mamang sa labas at pagkatok nito ng tatlong beses. "Kakain na tayo, tulungan mo akong maghain." Kalmado na 'yung boses ni Mamang.

Dalaga na si RemisonWhere stories live. Discover now