DALAGA 53❀

10.5K 1.2K 3.6K
                                    

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.


"HI, Poknat." Isa-isang nagpakilala si Poknat sa mga kasama ko nang magbreak ang banda nila mula sa pagtugtog.

"Miggy!" masiglang bati ni Poknat kay Miggy nang makita ito. "Aba, aba, may girlfriend na si Miggy!" Tumayo pa si Miggy para yakapin si Poknat, saka pinakilala rito.

Nang magtama ang paningin namin ni Poknat ay ngumiti siya sa'kin. "Ming! At... Canteen! Nandito ka rin pala?!" medyo natawa ako sa tinawag niya sa katabi ko, hindi ko nga alam kung sinasadya niya ba 'yon o ano.

Natawa lang si Quentin at inabot ang kamay kay Poknat, nagshake hands silang dalawa.

"Kamusta na si Aling Eme?" tanong sa'kin ni Poknat, ako 'yung nahihirapan sa kanya kasi kanina pa siya nakatayo, wala naman na kasing bakanteng upuan sa pwesto namin.

"Okay naman na si Mamang, nagpapagaling na lang," sagot ko.

"Mabuti kung gano'n," sabi niya. "Oh siya, roon lang muna ako sa mga kasama ko." Muli siyang nagpaalam sa mga kasama ko at saka lumipat sa kabilang table.

Medyo nadismaya ako kasi akala ko magkakaroon kaming tatlo nila Miggy ng pagkakataon para makapag-usap-usap. Kaso...

Hindi pa rin ako sanay tingnan si Miggy at Deanna na kaharap lang namin. Tumingin ako sa direksyon nila Poknat at nakitang abala at masaya siyang nakikipag-usap sa mga kabanda niya.

Lumipas ang ilang oras at nang makakain kami'y nagpasya kaming umuwi. Magkasabay sina Azami at Viggo, si Deanna naman ay sumabay kay Olly dahil magkalapit lang 'yung bahay nila.

"Q, kahit hindi mo na ako ihatid, sabay na kami ni Miggy," sabi ko sa kanya na nakahawak pa rin sa kamay ko. Hindi naman sa ayaw ko, ayaw ko lang na maabala siya at tutal magkasama naman kami sa iisang bahay ni Miggy.

"Alright," sabi niya at humakbang palapit sa'kin para halikan ako sa pisngi. "Good night. I'll see you at school."

"G-good night," sagot ko. Umalis na rin si Quentin at sumakay na sa kotse niya, kumaway pa ito sa'min bago umalis. Naiwan kaming dalawa ni Miggy.

"Let's go," sabi ni Miggy na akmang papasok sa loob ng kotse nang magsalita ako.

"Miggy, bakit mo sinabing magpinsan tayo kay Deanna?" Natigilan si Miggy at hinarap naman ako.

"Obviously, she's my girlfriend," bored niyang sagot sa'kin. "Is there something wrong with that?"

"Miggy, may balak na akong makipagbreak kay Quentin, ayokong maging unfair sa kanya kaya sasabihin ko sana ang totoo sa kanya," sagot ko. Naningkit ang mga mata niya sabay humalukipkip.

"Why are you breaking up with him? Don't tell me dahil sa engagement nating dalawa?"

"Bukod pa ro'n ang dahilan, Miggy," sagot ko. "Narealize ko lang na ayokong pagsamantalahan 'yung nararamdaman niya para sa'kin."

Dalaga na si RemisonWhere stories live. Discover now