DALAGA 16❀

19.4K 2.2K 3.8K
                                    

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.


"MINGMING!"

Uwian. Naglalakad ako kasama sila Burma palabas ng gate nang marinig ko na naman ang boses na 'yon.

"Mingming my labsss! Wait for meee!"

Humarap ako sa mga kasama ko. "Uy, guys, una na 'ko ha!" sabi ko. Hindi na sila nakaangal dahil kumaripas ako ng takbo.

Habang tumatakbo ako ay naririnig ko pa rin 'yung pagtawag niya sa likuran ko.

Halos mabunggo ko 'yung mga estudyante na naglalakad. Pakiramdam ko hinahabol ako ng multo. Pero bakit? Bakit nga ba 'ko tumatakbo?!

Malapit na 'ko sa may tawiran papuntang sakayan ng jeep nang bigla akong matisod at madapa. Aray ko po...

"Ano ba naman 'yan, lampa-lampa ka pa rin?" bigla akong kinabahan nang marinig ko 'yung boses na 'yon na sobrang lapit na sa'kin.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang nakalahad na kamay niya. Hindi ko alam kung bakit naiilang akong tumingin sa mukha niya.

Nakita ko na siya noon, siya 'yung bumunggo sa'kin noong umaga.

Hinila niya ako patayo at ngayon ay magkalapit na kaming dalawa. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko napansin na bahagyang nakaawang ang bibig ko.

Iniisip ko kung bakit hindi ko 'agad siya nakilala noong nakita ko siya. Gano'n pa rin naman 'yung itsura niya pero may nagbago, ah ewan ang gulo. Hindi na siya mukhang gusgusin pero mukha pa rin siyang pilyo at maharot. 'Yung ngiti niya... 'yon 'yung hindi ko nakalimutan.

"Huy!" bigla siyang pumitik sa harapan ng mukha ko. "Wala ka man lang bang sasabihin? Hindi mo ba namiss ang kapogian ko?"

Hays. Gano'n pa rin pala siya. Mahangin.

Si Poknat nga talaga ang nasa harapan ko.

Bakit para siyang kabute na bigla na lang ulit sumulpot? Hindi ko magets. Halu-halo 'yung nararamdaman ko.

Pakiramdam ko naalala ko ang lahat, naalala ko 'yung araw na iniwan kami ni Detdet, ni Miggy, tapos 'yung pangako niya na babalik siya tapos hindi siya bumalik. Tapos ngayon bigla na lang siyang babalik na parang wala lang.

"Bwisit ka," iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Ming?" nag-aalalang tawag niya.

Sunud-sunod na pumatak 'yung luha ko. Nakakainis, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.

Walang anu-ano'y bigla niya kong niyakap.

"Sorry na... kung ngayon lang ako," sabi niya. Para lang akong tuod na nakatayo at umiiyak.

Ilang segundo rin ang lumipas nang mapagtanto ko na nasa daanan kami at maraming taong naglalakad sa paligid tapos kung makayakap siya sa'kin ay para kaming nasa pelikula?

Dalaga na si RemisonWhere stories live. Discover now