✿SEASON THREE✿

13.4K 1.5K 1.4K
                                    


"Love is the flower you've got to let grow."
– John Lennon


IKATLO


"Hello, Mingming. Siguro kung pinakikinggan mo 'to ngayon, for sure wala na 'ko—ay mali, ang ibig kong sabihin, umalis na naman ako ng walang paalam. Huwag kang mag-alala, hindi ako namatay, haha! Uhm... Ano nga ulit 'yung sasabihin ko. Ang dami kong gustong sabihin sa'yo pero ngayong naka-play na 'yung recorder parang nablangko bigla 'yung isip ko. Old school ba? Sorry, alam mo naman ito ang forte ko. Naalala mo pa ba 'yung pramis ko sa'yo? Ah... Mukhang marami 'ata akong naipramis sa'yo na walang natupad. Sorry. Nagmamadali kasi kami kaya pagkatapos ng prom umalis na kami 'agad. Pumayag na kasi si nanay na ibigay ako sa hukluban kong lolo. Kaya 'ayun hindi na ako nakapagpaalam ng matino. Sa susunod nating pagkikita baka matanda na tayo, sana huwag n'yo pa rin ako kalimutan ni Miggy, at sana mapasaya ka ng canteen boy na 'yon. Ito na nga ang kantang alay ko para sa'yo..."

Biglang nagloko ang tunog ng cassette kaya wala akong ibang nagawa kundi tanggalin ang tape sa player. Hindi ko alam kung ilang beses ko na 'yong sinalang noon kaya nasira ang dulong bahagi.

"Hmm? What's wrong?" tanong niya sa'kin. Nakita ko ang mukha niya nang lumapit siya sa'kin.

"Sira na 'yung tape."

Bumangon ako at nilapag sa lamesita ang cassette tape at player. Sunod siyang lumapit sa mga bintana para isara 'yon dahil kanina pa nagliliparan ang mga papel na nagkalat sa paligid. Pagkatapos ay bumalik siya sa pwesto ko at nagsimulang pulutin ang mga papel. Pagkalikom niya nito'y nilapag niya 'yon sa lamesita.

"That was the last tape he sent you?" tanong niya at tumango ako. "What was the last part?"

Bahagya akong ngumiti sabay naramdaman ang bahagyang tusok sa aking puso. "He sang, as usual."

"What did he sang?"

"A lullaby..."

Iniwanan niya ako saglit at pagdating niya'y may dala-dala siyang gitara, inabot niya 'yon sa'kin.

"Can you?"

Kusang tinanggap ng mga kamay ko ang gitara mula sa kanya at nagsimula 'yong tugtugin. Hindi pa rin ako sigurado sa mga bagay-bagay pero natatandaan ko na siya ang naging dahilan kung bakit ko pinilit mag-aral ng gitara.

"Ngumiti kahit na napipilitan... Kahit pa sinasadya...mo akong masaktan paminsan-minsan..."

Umupo siya kaharap ko at taimtim na nakinig sa aking pag-awit. Hindi ko man sukat akalain noon na matatagpuan ko ang aking sariling tinig sa pamamagitan ng pag-awit, para lang sa kanya.

"At aalis magbabalik... At uuliting sabihin...mamahalin ka't sambitin kahit muling masaktan... Sa pag-alis ako'y magbabalik... At sana naman..."

Pero kung kailan umabot na sa sukdulan ang aking emosyon ay saka ko hindi kinaya. Tinigil ko ang pag-awit at pagtugtog nang maramdaman ko ang daloy ng luha sa aking pisngi.

"Gusto ko nang umuwi... Gusto kong makita si Mamang."

"Remi," tumayo siya at tumabi sa akin, hinawakan nang mahigpit ang aking kamay. "Trust me, this is helping you. You need to keep going..."

Noong una'y hindi ako napanatag sa mga komportableng salita niya pero kalaunan ay nahimasmasan din ako. Naalala ko si Mamang at ang kanyang pagiging istrikto, kung nandito siya'y sigurado akong ganito rin ang sasabihin niya sa'kin. Ming, magpakatatag ka... Ituloy mo lang...

Namalayan ko na lamang na inabot niya sa'kin ang panulat at mga bagong blangkong papel, kailangan kong ituloy ang kwento kung saan ito naudlot. Dahan-dahan, unti-unti... Para makalabas na ako sa kulungang ginawa ko sa aking isipan.

"What happened after you received the tape from him?" malumanay niyang tanong, ginagabayan ako kung paano itutuloy ang kwento. "What happened after high school?"

Pinilit kong alalahanin pero nahirapan ako noong una.

"Remi, take it slowly."

Kung alam ko lang noon na magbabago sa isang iglap ang lahat, sana pala ginawa ko na lahat ng pwede kong gawin para maging masaya. Kung alam ko lang na mas maraming pagdurusa ang naghihintay, sana pala pinigilan kong umalis si Poknat. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Dalaga na si RemisonWhere stories live. Discover now