DALAGA 55❀

9.5K 1.1K 5.2K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


MATAGAL din kaming nagkayakap ni Quentin, parang ayaw pa nga niyang bumitaw. Kaagad niyang pinalis ang luha sa pisngi. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito, nasasaktan din ako na makita siyang nasasaktan.

"A-are you mad at me?" nag-aalangang tanong niya. Umiling ako, pero hindi pa rin napawi ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Paanong nangyari 'yon?" Hindi ko nga alam kung tama bang itanong ko pa 'yon pero siguro naman kahit papaano'y pwede kong malaman 'yon gayong ipinakita niya sa'kin 'yung larawan sa phone niya.

Hindi siya kaagad nakasagot at halatang napaisip. "I... I was drunk. I wasn't myself."

Pagkatapos ay walang nagsalita sa'min. Napayuko ako dahil mukhang hindi ko na muna masasabi sa kanya 'yung gusto kong sabihin. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko sa kanya ngayon, parang kailangan niya ng masasandalan.

"Alam ba... Alam ba ng daddy mo?" tumingin siya sa'kin bigla nang sabihin ko 'yon. Nagsalubong ang kilay niya pero hindi napawi ang pangamba.

"No, he didn't know," mahinang sagot niya. "But Kennedy's threatening me that he'll send it to him." Ako naman ang napakunot nang marinig 'yon. "I'm actually... scared, Remi."

"Q..." malambot kong tawag sa kanya. "Bakit hindi mo sabihin kay Kennedy na tigilan ka niya? Ano bang gusto niya? Bakit niya ginagawa 'yon sa'yo? Hindi ba magkaibigan kayo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"He wants me to... He wants me... to..." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin kaya hinawakan na lang niya ako sa dalawang kamay, namuo muli ang luha sa kanyang mga mata. "I need you to stay with me."

Wala na akong ibang nagawa pa kundi tumango at muling tanggapin ang yakap niya. Damang-dama ko ang pangamba ni Quentin at gusto ko siyang tulungan. Gusto ko man lang makabawi sa mga tinulong niya sa'kin noon. Hindi niya ako iniwanan noon kaya dapat ay samahan ko siya.

Kahit na kailangan niya pa ring malaman ang totoo.. Hindi lang talaga muna ngayon.

Latang-lata akong pumasok sa loob ng bahay matapos akong ihatid ni Quentin. Pilit niya pa ring binalik ang sigla at ngiti pero alam kong dinadala lang niya ang lahat, kailan pa ba niya sinasarili ang problemang 'yon?

Kaya pala... Kaya pala gano'n siya kasaya noong malaman niyang dito ako sa Baguio nag-aaral. Kasi kailangan niya ako.

Pumunta ako sa may kusina at doon ko natagpuan si Manang, binati namin ang isa't isa.

"Manang, si Miggy po?" tanong ko.

"Ah, hindi pa umuuwi si senyorito," sagot nito. "Baka gabi na 'yon umuwi kaya mauna ka na lang maghapunan."

"Sige po."

Pagkatapos ay umakayat ako sa itaas. Pagkapasok ko sa kwarto ko'y kaagad akong sumalampak sa kama. Saka ko naramdaman ang pagod. Parang napakadaming nangyari ngayong araw, gusto ko na lang matulog kaagad pero may mga kailangan pa kong gawin para sa school.

Dalaga na si RemisonWhere stories live. Discover now