DALAGA 88❀

5.5K 769 3.3K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


HINDI kumukarap habang nakapako lang aking paningin sa maliit na entablado kung saan solo na nagtatanghal si Quentin. Kanina ko pa kinukurot 'yung braso ko para siguraduhing hindi 'to panaginip o ilusyon.

Sumagi nga rin sa isip ko, baka kamukha lang niya si Quentin at coincidence lang ito. Coincidence? Naalala mo pa ba, Remison, noong maliit ka'y nagkita kayo ni Quentin sa tabing-dagat sa probinsiya. Maraming taon ang lumipas ay muli kayong nagkita ni Quentin sa isang eskwelahan. Coincidence?

Pasimple akong umiling sa sarili ko. Alam ko sa sarili ko na totoo ang tadhanang pagkikita dahil napatunayan na ito noon. At lahat ng mga pangyayari'y may dahilan—hindi lang nangyari nang dahil wala lang. Katulad na lang ngayon.

Tumagal ng mahigit isang oras ang palabas, pero ni hindi ko man lang inintindi kung tungkol saan ang performance ni Quentin. Basta nakatitig lang ako sa mukha niya, sa pagbuka ng bibig niya, at pagsalubong ng mga kilay. Siya nga... Siya nga talaga si Q...

Nang matapos siyang magtanghal ay nagbow siya sa madlang hindi pa lalagpas ang bilang sa sampu. Sa kabila no'n ay nagawa pa rin niyang magbigay ng ngiti, 'yung ngiti niyang kay ganda ng kislap, hindi pa rin pala 'yon nawala sa kanya.

Pagkatapos ay bumalik si Quentin sa backstage, narinig ko si Ms. Adel na nagyayang umakyat para kumain na kami ng dinner. Wala naman akong ibang nagawa kundi sumunod.

"Remi, are you okay? Namumutla ka," dinig kong puna ni Ms. Adel matapos umalis ang waiter na kumuha ng order namin. "If you're not feeling well pwede nating i-take out na lang 'yung food."

"O-Okay lang po ako," sagot ko sabay matipid na ngumiti.

Nagkwento si Ms. Adel tungkol sa lugar, kung paano niya ito nadiskubre at naging patron. Walang bayad ang palabas sa basement theater pero nagbibigay siya palagi ng tip sa counter bago umalis. Nawala ang atensyon ko sa kanya nang makita ng sulok ng mata ko na may kaaakyat mula sa baba—si Quentin.

Pinigilan kong tumitig sa kanya dahil baka mahalata ni Ms. Adel. Pasimple akong sumusulyap at nakitang nakasuot na ito ngayon ng jacket at cap, umupo ito sa bar counter. Maya-maya'y may babae at lalaking lumapit kay Quentin at sinamahan ito sa pag-inom.

Natigil lang sa pagkukwento si Ms. Adel nang dumating na 'yung mga inorder naming pagkain. Muling nagkwento si Ms. Adel tungkol naman sa mga pagkain at iba pang mga kainan na dinadayo niya. Patango-tango lang ako pero tumitingin-tingin pa rin ako sa direksyon ni Quentin, masaya itong nakikipag-usap sa mga kakilala.

Natapos na kaming kumain at nakapagbayad na 'yung kasama ko pero hindi pa rin umaalis sina Quentin at mga kasama niya. Nang madaanan namin 'yung bar counter ay naghulog ng papel nap era si Ms. Adel sa tip jar para sa mga aktor. Ni hindi man lang ako nasulyapan ni Quentin. At kung makita man niya ako... tiyak kong hindi niya ako makikilala.

Bigla na namang bumigat 'yung pakiramdam ko. Bawat hakbang palabas ng gusali ay para akong sinasaksak. Humihiyaw sa isip ko 'yung dapat kong gawin, lapitan mo siya! Nagkita kayo rito sa laki ng mundo at hindi 'yon coincidence! May dahilan kung bakit kayo ulit nagkita ni Quentin!

Dalaga na si RemisonWhere stories live. Discover now