DALAGA 68 ❀

10.9K 1.1K 1.7K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SABI nila nakatutulong daw ang paglalakad para magkaroon ng klaro ang isip mo. Kaya naman nang pumatak ang unang liwanag kanina'y kaagad akong bumangon at lumabas ng bahay. Nilabanan ko ang lamig nang maglakad-lakad ako sa loob ng subdivision.

Tunog lang ng huni ng mga ibon ang maririnig dahil sa katahimikan ng paligid. Umikot lang ako sa subdivision at ngayon ay pabalik na ako sa bahay. Nakatulong naman ang paglalakad na humupa ang tila ulap sa isip ko.

Bago ako pumasok sa loob ng gate ay huminga muna ako nang malalim. Panibagong araw na naman.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naamoy ko kaagad ang aroma ng nilulutong almusal ni Manang sa may kusina. Nang masilip ko ang kumedor ay nakita kong wala pang ibang tao ro'n kaya pumanhik na ako sa itaas.

Natigilan ako sa harapan ng kwarto ko nang makita kong nakaawang ng bahagya ang pinto. Pagkabukas ko no'n ay huling-huli ko siya sa aktong may nilapag sa study table ko.

"Anong ginagawa mo?" naniningkit kong tanong.

Sumilay ang pilyong ngiti niya at napakamot pa sa batok. Halatang kakabangon lang niya rin dahil nakapantulog pa siya't gulo-gulo ang buhok.

"Sorry na. Para ka naman kasing pusa, hindi kita naramdaman, nahuli mo tuloy ako." Kinuha niya 'yung bagay na nilagay niya sa mesa at saka siya lumapit sa'kin. "Ang korni nakita mo na ako kaya heto ibibigay ko na sa'yo." Inabot sa'kin ni Poknat ang isang teddy bear na kulay pink.

Imbis na tanggapin ay tinitigan ko lang 'yon. Nang mapansin niya na natulala lang ako ay binaba niya ang kamay niya.

"Ming?"

Parang naglaho bigla 'yung kalinawan na nakuha ko kanina mula sa paglalakad, parang biglang nagkandabuhol-buhol na naman ang tali sa utak ko.

"Poknat... Nanliligaw ka ba?" Alam ko na dapat noon ko pa tinanong sa kanya 'yan. Ano ka ba naman, Remison? Hindi ko na nga dapat pa tinanong 'yon pero sa huli'y lumabas pa rin sa bibig ko ang tanong.

Nanatiling nakangiti si Poknat at humakbang pa ng isa palapit sa'kin. "Hindi pa ba obvious lahat ng mga pinaggagawa ko?" Pakiramdam ko nga'y kulang na lang sabihin niya sa'kin na napakamanhid mo naman pala.

"Para ano? Para... sagutin kita?" isang ewan na tanong ulit.

Sa pagkakataong 'yon ay naglaho ang pilyo niyang ngiti. Mukhang nakutuban na niya kung saan papunta ang usapan na 'to.

"Ming, okay ka lang? Mukhang kulang ka pa ata sa tulog dahil parang ang sabaw ng utak mo," sagot niya sa'kin. Nagbibiro na hindi mo mawari dahil seryoso siya. "Ang ibig kong sabihin, hindi naman siguro obvious kung bakit?"

"Pero paano kung sabihin ko sa'yo na tumigil ka na, titigil ka ba?" pagkasabi ko no'n ay natikom siya. Nagtitigan lang kami ng halos sampung segundo bago siya ulit magsalita.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon