THIRTY EIGHT: Better

23.5K 511 56
                                    

EUNICE GRACE TAN

I WAS not surprised anymore when the reflection of the setting sun in the sea registered in my eyes. Kasi sa tagal ng byahe namin ni Thunder, hindi naman ako nakatulog at pinagmamasdan ko lang ang mga sasakyan na nalalampasan namin at maging ang mga tao sa kalsada. It was a long drive but I was not able to close my eyes.

Natatakot kasi ako. Natatakot ako na pag-pinikit ko ang mga mata ko ay yung video ni Andrew at ni Jasmine ang bumalik sa isipan ko.

Kanina pa kami naka-park pero wala pang lumalabas sa aming dalawa. We're not even talking to each other. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Thunder. Pero mas natatakot ako na ano mang oras o segundo ay umiyak ulit ako.

Pinanood ko lang ang mga naglalakad sa sa dalampasigan. There were lovers holding each other's hand, children playing, a dog with his owner and one thing's common in all of them. They're all happy.

The last time Thunder brought me here, I remember that I was in this state too. But not this wrecked. And yet, Thunder was able to make me happy that day.

Hindi naman ako mahirap pasayahin eh. I can be happy with just simple things because I am a shallow person. Mababa lang ang kaligayahan ko. Pero iyon din ata ang dahilan kung bakit mabilis akong masaktan. Dahil mababaw ako.

"You need to breathe. Let's go out and have a walk." Thunder said, breaking the silence that filled the inside of his car.

I need to breathe? How am I suppose to breathe when I already feel dead?

May karapatan pa ba akong sumaya? Baka kasi bigla nanamang bawiin ng mundo ang kasiyahan ko. Nakakatakot ng maging masaya kasi baka utang na loob ko pa iyon sa mundo.

"Iiwan muna kita. Alam mo naman kung saan ako pupuntahan. I know that you need space. Just...just don't go too far." He tapped my shoulder then I heard the door closed.

LUMABAS din ako ilang minuto lang pagkatapos niyang lumabas ng sasakyan. The cold wind greeted me and my hair danced to it. Niyakap ko ang sarili ko.

Saan nga ba ako nagkamali? Sinasabi ko that love isn't a thing for one person only. Pangdalawahan ito. And maybe, I have my mistakes too that's why we ended up this way.

Pero saan ako nagkamali? I did my best to make him happy. Sinigurado ko na palagi akong may oras sakanya at sinunuportahan ko ang mga bagay na gusto niya. I even made efforts. So saan doon ako nagkamali para gaguhin ako ni Andrew?

Dahil ba walang nangyari sa amin? Dahil ba wala pang nangyayari sa amin? Kasi kung ayon...kung ayon ang mali ko, then I can't do anything about it.

I am not like his previous women. I won't spread my legs jut to make him happy, just to make him stay.

Hindi ako pangkama at parausan. I will not be that kind of girl!

Kung ayon ang dahilan kung bakit kami naging ganito, well that's not my fault! It was his! Kung mahal niya talaga ako, iintindihin niya iyon. He will respect me and my decision.

Oo pala, simula nung gabi na natulog kami sa kwarto niya at walang nangyari sa amin, nagsimula na siyang magbago.

Pinahid ko ang luha na nakawala sa mga mata ko. Damn these eyes! Hindi ba 'to mauubusan ng luha?! Punyeta pagod na ako! Pagod na pagod na ako!

I covered my face with both of my hands and started crying. Ang sakit lang kasi. Sobrang sakit dito sa dibdib ko. Girlfriend niya ako pero paano niya nagawa yung bagay na iyon?! Hindi niya ba naisip na masasaktan ako? O sadyang wala siyang pakialam kung masaktan man ako?!

The cold wind that was brushing my skin was no longer there when something covered my skin. Napatingin ako sa balikat ko at may tabon na ito na jacket. Biglang tumabi si Thunder sa gilid ko at umupo din sa hood ng kotse niya.

"Thank you." I said.

Buti pa si Thunder, hindi nararanasan tong sakit na 'to. He's single kaya naman di sya magiging broken hearted. Tsaka lalaki siya kaya malabong iwan siya ng babae.

He's too handsome for girls to leave him.

May kinuha siya sa gilid niya. Isang beer na nasa lata. Binuksan niya ito at pinanood ko na umapaw ang bula mula sa butas. Mukhang nakalog yung lata.

"Don't look at the beer. Hindi kita bibigayan." Napatingin ako sakanya. His lips curved.

Hindi naman ako iinom. I don't drink. Pero natutuwa ako na malaman na hindi niya ako hahayaan na uminom.

"It's funny how the people that brings us happiness will be the same person that will cause our sadness. Nakakagago kung paanong tumatakbo ang mga bagay-bagay." Nakuha niya ang atensyon ko.

I was surprised with what he said. Seryosong-seryoso siya habang nakatingin sa dagat at hawak-hawak ang lata na may beer. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito.

Matangos ang ilong ni Thunder. Tapos mapula ang labi niya na mukhang malambot pa. Idagdag mo ang mahabang mga pilik-mata niya and he's already a complete package. Gwapo na, mabait pa. Not to mention that he's brainy and rich too.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayo na naramdaman ko na yung nararamdaman mo ngayon?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Believe it or not but I've been in your situation before. I was once broken and wrecked too." Tiningnan niya ako saka ngumiti. Pero yung ngiti niya, hindi umabot sa mga mata niya.

Tinungga niya yung beer in can and I watched his adam's apple went up and down. I suddenly feel that it was damn sexy. What the hell?! What am I thinking?!

"What the reason behind?" I found the courage to ask him that.

I was curious about his story. What made him broken? O mas tama na sino kesa sa ano?

"It was who." He corrected me. Pinagmamasdan niya ang lata na hawak-hawak ng pareho niyang kamay.

The orange sky reflecting it's color in his face that gave me a clearer look at his eyes and stubbles that are starting to grow.

Huminga siya ng malalim bago siya nagpatuloy sa pagkukwento. "My ex had a video too. We was fucking my best friend." He continued.

My jaw dropped with what I've heard from him. Oh my! Totoo ba?

"Alam mo kung anong mas malala?" Tanong niya na hindi man lang tumitingin sa akin. Mukhang alam niya naman na ang itsura ko ngayon dahil sa sinabi niya.

"She did that twice." That was a stronger bomb he dropped.

Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat. I never thought that Thunder had this kind of past! Hindi halata sakanya na na-experience niya ang nae-experience ko ngayon. Pero mas worse yung kanya! Kasi dalawang beses.

That girl was insane! Paano niya iyon nagawa kay Thunder?! Thunder was too good to be betrayed in such a way!

"Kaya Eunice, alam ko ang nararamdaman mo. When I saw Jasmine and Andrew's video, gusto ko siyang sugurin at suntukin hanggang sa mawasak yung mukha niya. You don't deserve that kind of man. He doesn't deserve you." Bulalas niya na may diin ang huling dalawang pangungusap na binitawan niya.

Hindi siya sumigaw pero rinig na rinig ko ang galit at inis sa boses niya. Nagulat ako nung makita ko na pipi na yung lata na hawak-hawak niya.

"You deserve someone better..." Nilaro ko ang mga daliri ko habang nagsasalita siya. Tinatamaan ako sa mga sinabi niya. He paused and I heard him inhale.

"...like me." I looked at him. He gazed intently into my eyes.

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now