THIRTY THREE: Come Here

27.1K 467 20
                                    

EUNICE GRACE TAN

"Happy second monthsary. I love you." Napangiti ako nung i-bulong yon sa akin ni Andrew.

I cupped his face that was resting on my shoulder while his arms wrapping my waist. We're swaying slowly to the tune of sweet mellow music that's playing. This feeling is a piece of heaven.

"I love you too. Happy two months."

Sa isang swabe na galaw ay pinaikot ako ni Andrew kaya naman magkaharap na kaming dalawa ngayon. Nilagay niya mga kamay ko sa magkabilang balikat niya habang ang kanya naman ay nasa bewang ko.

I stared at his face.

Dalawang buwan na pero parang nasa ulap pa rin ako. Almost everyday magkasama kami and he never failed making me feel that he loves me and that I am special to him. There were random surprises which I liked.

Ganito pala yung pakiramdam na ma-in love. Halos hindi na mawala yung ngiti sa mga labi mo. Yung tipo na halos buong araw na kayong magkasama pero pag naghiwalay kayo wala 5 minutes pero hinahanap mo na agad siya. I never felt this way before that's why I am new to this kind of feeling. And I can say that I am loving it!

Andrew now was far different from the old Andrew. Pero of course, nandoon pa rin ang mga times na kasama niya ang mga kaibigan niya pero nagpapaalam naman siya sa akin. Isang bagay na okay lang sa'kin. I mean before me, he has already have his own life. May mga bagay na nauna pa sa akin kagaya nalang ng mga kaibigan niya. So I am still giving him his freedom. I am still letting him live his life.

Hindi yung puro ako nalang. That's unfair.

"I will never get tired of saying and showing to you how much I love you, bibi." Ngumiti siya na nagpakinang sa mga mata niya. Sapat na ang butil-butil na ilaw na nakapalibot sa amin para makita ko ang saya sa mga mata niya.

The sincerity is there.

"And I will never get tired of telling you and showing you that I am feeling the same. Na mahal din kita." I rested my head on his chest. I want to feel the beat of his heart.

Palagi ko itong ginagawa. Idinidikit ko ang ulo ko sa dibdib niya para pakiramdaman ang bawat pagtibok ng puso niya.

Andrew set-upped their garden. Pinalibutan niya ng mga maliliit na ilaw yung mga halaman. Meron pa siyang ginawa na heart shape gamit din ang mga ilaw na iyon at nasa gita ng heart yung lamesa at upuan naming dalawa.

He made an effort doing this for our second month. His efforts made this day more special to me. Because I prefer this kind of set up that having dinner in a fancy restaurant. Masyado ng mainstream ang ganun.

AFTER having our dinner, we settled in a tent he built. Dito daw kami matutulog sa garden nila kay siya nag set ng tent. Na-excite ako nung sinabi niya iyon sa akin.

"Do you like stars?" Tanong niya habang nakahiga kami at pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin.

Do I like stars? Yes. Oo gusto ko na nakatingin sa langit tuwing gabi at pinagmamasdan yung mga bituin. Nare-relax ako kapag pinapanood ko sila. Ang bawat pagkislap nila kahit hindi naman talaga totoo na kumikislap sila.

"Yeah. I like staring at them." Sagot ko ng hindi inaalis ang tingin ko sa mga ito. Eh siya kaya?

How about him? Gusto niya rin ba ang mga stars?

"Ikaw?" Nilingon ko siya. Nakatingin din siya sa mga ito at seryoso ang mata niya.

Kahit hindi ko nakikita ang kabilang mata niya, sapat na ang isa para malaman ko na seryoso siya ngayon. Pero bakit? I rarely see him looking so serious.

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now