THIRTEEN: Cut

38.5K 702 18
                                    

EUNICE GRACE TAN

Maling-mali ang desisyon ko na yayain si Andrew na sumama sa aming dalawa ni Thunder. Dahil hanggang ngayon, nagtititigan pa rin silang dalawa at nagtatapunan ng mga nakamamatay na tingin.

"You sure that the foods here are clean?" Andrew asked me in a low voice while the crew was placing our order at the top of the table.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Nakakahiya dahil baka marinig siya nung nag se-serve ng pagkain!

Nandito kasi kami sa isang karinderya di kalayuan sa university. Si Thunder ang nag dala sa akin dito at simula noon ay madalas na kaming kumain dito. Oo, at first nag hesitate akong kumain dito. Never pa kasi akong nakakain sa karinderya noon. Kaya naiintindihan ko si Andrew ngayon.

"Oo malinis dito! But if you don't want to eat here, you can leave us. Sa iba ka nalang kumain." Pagtataboy ko sakanya. Hindi ko siya pinilit na sumama dito. Oo ininvite ko siya pero di ko pinilit.

"No. I will not leave you with that man." Sagot niya na may diin. I tried to stop my self from smiling. Kahit na parang kinikiliti ang bituka ko dahil sa sinabi niya.

"Eunice oh." Saad ni Thunder sabay lapag ng dalawang stick ng isaw sa plato ko. Siya rin ang nagturo kumain sa akin ng isaw at nagustuhan ko naman ang lasa nito.

"Thanks!" I smiled at him.

Pero nawala ang ngiti sa mga labi ko ng bigla nanamang lumapit sa akin si Andrew at bumulong.

"What the fuck is that thing?" He asked while pointing at my plate. I looked at his face and disgust was written on it.

"Isaw yan! Chicken intestine." Paliwanag ko sakanya at inangat ang stick na may nakatusok na isaw. Inilapit ko ito sa mukha niya pero agad siyang lumayo sa'kin.

"What the fuck?! Kakainin mo yan?!" Gulat na gulat na tanong niya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mabu-bwisit dahil sa reaction ni Andrew eh. I should have not invited him kung alam ko na dito kami kakain ni Thunder. Kasi alam ko naman na hindi kumakain sa ganitong lugar si Andrew.

I just rolled my eyes at him.

Niyaya ko na kumain si Thunder at di ko na pinansin si Andrew dahil baka mawalan lang ako ng gana kumain. Maya-maya ay kumain na din siya. Pero ang mga inorder niya lang ay yung mga kilala niyang pagkain gaya ng adobo at sinigang na baboy.

Kumakain kami ng biglang maubo si Thunder kaya naman dali-dali akong nagsalin ng tubig sa baso at inabot sakanya iyon. Hinagod ko din ang likod niya.

"Okay lang lang?" Tanong ko habang umiinom siya.

"Yeah. Thanks." He smiled at me.

Pinagmasdan ko siya pero halatang hindi siya okay. He's even wearing a jacket kahit hindi naman sobrang lamig ngayon. Malamang sa malamang, may sakit tong isang 'to.

Pinatong ko ang kamay ko sa noo niya para tignan kung mainit ba siya o hindi. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Pero confirmed! May sakit nga siya. Mainit siya.

Binukasan ko ang bag ko para kuhain ang wallet at tsaka tumayo ako. They both looked at me.

"San ka?"

"Aalis ka?"

They both asked almost at the same time.

"Bantayan niyo yung bag ko." Utos ko sakanilang dalawa tapos umalis na ako.

Thunder needs to drink medicine. Hindi ko alam kung gaano na katagal siyang nilalagnat pero di na yun pwedeng lumala. Mahirap magkasakit. I don't know why he even came to school although he's not feeling well.

Sana nagpahinga nalang siya.

I went to the nearest drug store to buy medicine for Thunder. Sesermonan ko talaga siya mamaya pagbalik namin sa school!

Nang dumating ako sa karinderya ay pareho na silang nakatayo at inaantay ako. Bitbit ni Andrew ang shoulder bag ko gamit ang isang kamay niya. Samantalang sa gilid niya ay nakatayo si Thunder na nakalagay ang parehong kamay sa bulsa ng hoodie niya.

Nilapitan ko agad si Thunder. Kinuha ko ang gamot sa plastic at inabot sa kanya pati na rin yung bottled water na binili ko.

"Inumin mo yan." Utos ko sakanya. Pinanood ko siyang gawin ang inutos ko.

But I froze when he suddenly bent a little bit lower and looked at me. Magkatapat ang mga mukha namin na halos magkadikit na. I can even feel his breathe.

"Thanks." He said and winked at me.

Pero sa isang iglap, nakita ko nalang si Thunder na nakaupo sa kalsada at hawak-hawak ang labi niya na dumudugo na. Nanlaki ang mga mata ko at nagulat sa nangyari.

Susugurin pa sana siya ni Andrew pero nabalik na ako sa huwisyo kaya pumagitna agad ako sa galit na galit na si Andrew at ang naka upo sa kalsada na si Thunder.

"Andrew!" I stopped him.

Natakot ako ng makita ko ang itsura ni Andrew. I thought his favorite expression -- the dark look and piercing eyes was scary enough for me, but it was not.

Mas nakakatakot ang itsura niya ngayon.

Nakakuyom ang mga kamao at kitang kita ang galit sa mukha niya na para bang handang-handa na siya na pumatay. Galit na ang mga mata niya ganun din ang panga niya.

He's like a raging bull! Furiously mad!

"One more step and you'll regret it!" Banta ko sakanya ng humakbang pa siya na animo ay susugod pa ulit.

He looked at me. His dark expression lit up a bit. His jaw calmed and opened his hand. My words worked!

Agad kong dinaluhan si Thunder at tinignan ang labi niya. There's a small cut in his lower lips no wonder why it kept on bleeding.

"Okay ka lang? Let's go to the hospital." I am panicking. I don't want to see blood because I can't handle it. Takot ako sa dugo!

Dinukot ko ang panyo sa bulsa ng pantalon ko at pinahid ang dugo sa labi ni Thunder. Nanginginig pa ang mga kamay ko! Gosh! Pumutok yung labi niya!

"No need. Malayo sa bituka 'to!" Nginitian niya ako. Pero walang talab ang ngiti niya dahil mas nangingibabaw ang takot ko dahil may dugo.

Hinawakan niya ang kamay ko na nanginginig.

"You're trembling. Takot ka sa dugo?" Tanong niya. Napansin niya pala ang panginginig ng kamay ko. Tumango nalang ako bilang tugon.

Nagulat ako ng bigla nalang may humila sa braso ko dahilan para tumayo ako. It was Andrew and back was his dark expression. He clenched his jaw.

"Let's go." He said in a very authoritative tone. Bumalik na naman siya sa pagiging bossy!

"I won't. Dadalhin ko si Thunder sa hospital." Sagot ko sakanya at binawi ko ang braso ko mula sa kamay niya.

"That was just a cut! Damn it!" He shouted and pointed Thunder.

That triggered me to burst out.

"That cut was done by you! That's your doing! Kung hindi mo siya sinuntok hindi puputok yung labi niya! So wala akong paki if that's just a cut!" I yelled at him.

Tinalikuran ko siya para harapin si Thunder. Naabutan ko siyang tumatayo kaya naman inalalayan ko na siya.

Binawi ko mula sa kamay ni Andrew ang bag ko at iniwan siya doon.

"Fuck it!" Rinig ko pa ang malakas niyang mura bago ko parahin ang taxi na saktong dumaan.

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt