FORTY FOUR: Thunder

19.7K 300 6
                                    

EUNICE GRACE TAN


It has been two weeks already. Two weeks that's supposed to a happy week for me because I'm free from him, but it went the other way around. It didn't go exactly the way I was expecting it to be.

Empty. I felt empty for the past weeks. May kumikirot dito sa dibdib ko na para bang may malaking parte sa akin ang nawala. There's this void inside me that prevents me from being happy nor sad. It's just...hay, ang hirap ipaliwanag.

Basta hindi ako masaya pero hindi rin ako malungkot at the same time. Kulang, tama, iyon ang tamang salita para ilarawan ko ang naramdaman ko sa mga nag-daang araw at hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin.

At ang tanging dahilan na naiisip ko ay walang iba kundi siya. Si Andrew.

I hate to admit it but I miss him already. Masyado kasi akong napalapit sakanya kaya naman nung tinapos ko ang namamagitan sa amin, nanibago ako. There were no text messages greeting me good morning, the random calls that kept us awake until midnight.

Hinahanap ko ang mga iyon. Ang mga bagay na ginagawa niya nung kami pa, na nagpapasaya sa akin. At mukhang ito na nga ang pinakamahirap pagdating sa relationship. When you need to move on, you can't, easily. You just can't.

The memories and the things that you did when you're still together, will surely haunt you.

Kagaya ngayon, dapat nag-aaral ako para sa exam pero hanggang tingin lang ako sa notes ko. I don't know where to start. And I don't have the will to study. Sa ilang buwan kasi, nasanay ako na sabay kaming mag-aaral, while holding hands. Pero ngayon, wala na. Ika nga nila 'finish na.'

Sinampal ko ang sarili ko, "Wake up Eunice! Wake up!" Sigaw ko sa sarili ko.

Kailangan kong masanay na wala na siya at ang mga acts niya. That I'm alone again. Well, kung kaya ng iba, malamang kaya ko din!



Nasa gitna ako ng pagbabasa nang biglang mag-vibrate ang phone ko at lumiwanag ang screen nito.

Kidlat ayan ang nabasa ko sa screen. I've got a text message from Thunder. Hmm, what made him text me? Dinampot ko ang phone at binasa ang text niya.

I know u r still awake. Silip ka sa bintana mo.

What the! Napabalikwas ako sa kama at mabilis na pumunta sa bintana ng kwarto ko para sumilip, gaya nang sabi niya. Namilog ang mga mata ko nung nagtama ang mga tingin namin.

Nasa labas siya ng bahay namin! Kumaway pa siya sa akin. Anong ginagawa niya dito?

Lumipad ang tingin ko sa orasan at mag-aalas siete palang ng gabi. Bakit ba siya nandito? Wala man lang pasabi na pupunta siya.

I went downstairs para puntahan siya sa labas. Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit. Okay naman ang suot ko na malaking t-shirt at cotton short shorts. This is what I usually wear when I'm home.

Nakasalubong ko si mommy sa hagdan.

"Tamang-tama, I was about to call you. Dinner's ready." Saad niya. Pero nilampasan ko lang siya.

"Sunod ako my! Puntahan ko lang si Thunder, nasa labas eh." Sagot ko habang mabilis kong akong bumababa ng hagdan.

Para akong tanga. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali akong bumaba para makalabas at maharap si Thunder. Basta nakita ko nalang ang sarili ko na nagmamadali. What the hell?!

"Who's Thunder?" Biglang tanong ni dad nung bubuksan ko na ang main door ng bahay namin. Nasa pinto siya ng kusina, at nakatingin sa akin.

"A friend. Be right back dad." Tuluyan ko na itong binuksan at lumabas.

Saglit ko lang pinutol ang distansya ng main door ng bahay namin at ng gate, dahil lakad-takbo ang ginawa ko para makalabas agad. And there he is, looking cool in his black shirt and jeans, while leaning his back against the driver seat's door of his car.

Ngiti ang sinalubong niya sa akin.

"H-Hi." Did he just stammered? Bahagyang kumunot ang noo ko. Siguro na misheard ko lang.

"Hi! You're here." Tugon ko. Yes, he's here, and I wonder why? What could be his reason for this sudden appearance in front of our house?

"Yeah I'm here. I just want to see you, so I came." Natameme ako sa dahilan niya. Hindi ko inaasan iyon, kahit alam ko namang straight forward siyang tao.

He just made me speechless.

"I hope I didn't cause any disturbance?" he sounded so unsure.

"Of course not!" Mabilis na sagot ko. Teka nga? Bakit ang bilis kong sumagot? Kanina naman tameme ako.

"Mabuti naman. Actually, I was planning to surprise you so I didn't tell that I was coming," he paused and scanned me from head to foot. "Kaso ako yung nasurpresa." Dugtong niya matapos akong tignan.

Tama ba ang nakikita ko? Namumula siya? Nagba-blush ba siya?

"So he's Thunder?" nagulat kaming parehas nang biglang may magsalita mula sa likod ko.

I turned around and saw dad walking his way towards us, with mom trailing behind him. Hala! Bakit sila lumabas? Sabi ko naman susunod ako ah!

"Good evening sir, ma'am. Yes I'm Thunder, Thunder Sameñano po." He offered his hand to dad, but dad just stared at it.

Kinabahan ako sa tingin ni daddy. Masyado siyang seryoso at talagang hindi niya tinaggap ang nakalahad na kamay ni Thunder. Nilipat niya ang tingin niya sa mukha ni Thunder and for a moment, there was silence between all of us. But after a while he took Thunder's hand and smiled at him.

"Tito will fine. You don't have to be formal." Saad ni daddy at tinapik ang balikat ni Thunder.

Wow! Ano 'to? Nag-shake hands lang close na agad sila? Agad-agad?!

"Nice meeting you hijo." Mom smiled at him.

"It's pleasure meeting the parent's of this gorgeous lady beside me." Tinignan niya ako tapos binalik ulit niya yung tingin kela mommy.

At muli, natameme ako. He just praised me in front of my parents. And take note, he did that in a cool way. At ang mga magulang ko naman, ngiting-ngiti na para bang kinikilig na ewan. Si dad nga ngiting aso pa habang naka tingin sa akin.

Oh come on, I know that kind of smile. He's teasing me! Sana lang hindi mapansin ni Thunder iyon! Nakakahiya.

"Nandito ka nalang din naman, pumasok ka na. Tamang-tama dahil nakahain na ang hapunan. Join us, Thunder." Yaya ni dad.

Wow talaga! Kung maka-Thunder si dad akala mo higit isang taon na silang magkakilala at close na sila. Feeling close to si dad eh!

But I agree with him. Since nandito naman na siya, might as well he join us for dinner.

Ngumiti siya. Pangalawang beses ko pa lang siya na nakikitang ngumiti na nahihiya. And I find him cute wearing that shy smile.

"Tara na. Dito ka na mag-dinner." I held his hand and pulled him with me, going inside.




My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now