SIX: Sorry

47.3K 849 18
                                    

EUNICE GRACE TAN

"Come on, sasama na ako." Pagpupumilit ni Andrew.

"Hindi nga pwede. Sige na bumili ka na dun. It's getting late already!" Tinulak ko siya papunta sa meat section. Siya ang may tulak-tulak ng push cart.

Inutusan ko kasi siya na pumunta sa meat section tapos susunod nalang ako. Bibili kasi ako ng mga personal hygiene products at nahihiya ako na makita ni Andrew yung mga iyon. Too personal.

Ang bigat ng unggoy na 'to!

"Okay-okay! Ang lakas mo honey ha!" He teased me. Kanina ko pa napapansin na honey ang tawag niya sa akin. Nasasarapan na 'tong mokong na 'to!

"Honey mo mukha mo! Tsupi!" I watched him push the cart towards the meat section. Finally!

Tumalikod ako at mabilis na pumunta sa hygiene section. I need to make it fast! And I think I was done within five minutes. Whooh! Sa tingin ko naman okay na lahat. Wala na akong nakalimutan.

"I think you forgot to get a sanitary napkin."

"Palakang bakla!" I swear I think my spirit left my body because of shock. Bigla nalang sumulpot si Andrew!

"May bakla bang palaka?" He asked curiously, looking puzzled.

Napasapo ako ng noo dahil sa tanong niya. Seriously? Patola pala to? Syempre di ko alam kungay baklang palaka. Pero malamang sa malamang, wala siyempre!

I rolled my eyes at him.

"So I was saying, I think you forgot to get a napkin." He repeated pointing the hand carry basket I was holding.

Tinignan ko at oo nga, wala akong napkin na nakuha. Wait, napkin! Did he just looked at my things and noticed that there was no napkin on it? Oh my!

Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko iyon. Fail! Kaya ko nga siya pinapunta sa meat section para di niya makita yung mga bibilhin ko eh. Tapos nandito naman siya. At siya pa talaga ang nakapansin na wala akong napkin na kinuha ha?!

"Which one?" He asked then raised both of his hands. That made my eyes open wider. He's holding a pack of napkin. Both of his hands!

"This one says, it's with wings." Paliwanag niya habang tinitignan ang pack na nasa kanang kamay niya. "Then this one is the cottony something." He added while looking at his left hand.

I feel like I'm about to explode any moment right now. Sobrang init na ng mukha ko! Nakakahiya! Siya pa talaga ang kumuha. Take note, dalawa pa!

Andrew moved aside and that exposed the woman standing where the napkins were displayed. She's looking at us.

"I'll get that one!" Tinuro ko ang nasa kanang kamay niya.

"Okie dokie! Wait here. I'll just put this one back." Bago pa siya makakilos ay kinuha ko na sakanya yung isang pack at nilagay na iyon sa basket.

"I-I'll just take both. Tara na." I left him.

Di ba siya nahiya? O sadyang wala lang siyang pakialam sa sasabihin o iisipin ng ibang tao? Pero pwede rin namang parehas. I secretly smiled.

I find him sweet.

"Nandito yung keys sa bulsa ko." Sambit ni Andrew. Tumagilid siya ng konti para ipakita ang bulsa ng maong niyang pantalon.

"And?" Oh ano naman ngayon kung nasa bulsa niya yung susi ng kotse? Anong kinalaman ng susi sa'kin?

"Get it. I can't." He explained then raised both of his hands that were occupied of the things we bought.

"I won't do that. Ibaba mo nalang yang mga yan." Tinuro ko yung mga hawak niya. Hindi ko ipapasok sa bulsa niya ang kamay ko.

Ginawa niya nga ang sinabi ko.

"Marunong ka ba talaga magluto?" Huminto ako sa paghihiwa ng patatas at tinitigan siya ng masama.

Naka-upo sya sa stool at pinanonood ako sa ginagawa ko. Pangalawang tanong niya na sakin 'yan. Sinabi ko na na oo marunong ako magluto pero hindi pa rin ata naniniwala ang unggoy na tinitignan ko ngayon.

"Alam mo kung nag dududa ka, eh di umorder ka nalang ng pagkain mo. Ako nalang kakain nito!" Takot siguro siya na malason. As if naman lalasunin ko siya no!

Marunong ako magluto ng mga basic Filipino foods like adobo and sinigang. And tonight, I decided to cook adobo for our dinner. Pero mukhang nagdududa naman ata siya sa kakayahan kong magluto so much better kung umorder nalang siya!

"Okay okay! Do you need help?" He asked.

Nakapag saing naman na ako sa rice cooker and all I have to do is to cook this. But I'm almost done. Ilalagay ko nalang naman tong mga patatas na hiniwa ko. Oh! Yung lamesa pala!

"Just prepare the table. I'm almost done here." He went to the sink and opened the cup board where the utensils were placed.

He helped me put the food on the table and everything was set. I was trying to remove my apron but I can't untie it. Then he came to help me. I stiffened when his hand touched mine. I felt something.

"Thank you." He just smiled at me and went to the dining table.

Papalapit palang ako ay inurong niya na ang upuan. So chivalry is not really dead after all? I smiled as I glide and sat on the chair.

When he sat in front of me, I felt cold. We're going to eat dinner together-- all by ourselves. Ito ang unang pagkakataon na kakain kami ng sabay na kaming dalawa lang. Madalas kasi kung magsasama man kami sa iisang lamesa, laging may ibang tao. It could be either our parents or my best friend, Trisha.

"I never thought this will happen." Basag niya sa katahimikan na bumalot sa buong kusina. Kahit ako naman. Hindi ko akalain na darating ang panahon na ito.

"Me too." Tipid na sagot ko at nahihiyang ngumiti.

"Let's enjoy the food and the night, Eunice."

Nilagyan niya muna ng pagkain ang plato ko bago niya nilagyan ang kanya. He's really sweet. Kanina ko pa napapansin. May pagka-gentleman naman pala siyang tinatago sa katawan niya.

The dinner was full of laughter. I didn't know that he knew a lot of jokes. But I admit, some of them were corny. Still he was able to make me laugh.

"Eunice, about what I said earlier at school..." Nabalik ako sa huwisyo sa bigla niyang pagsasalita. Noon ko lang napansin na nakatingin na pala siya sa akin at huminto sa paghuhugas ng plato.

"I mean it. I want us to try working our relationship out." Seryosong dugtong niya.

Buo na ang desisyon ko kanina. Buong-buo na. Pero bakit ngayon, hindi ko masabi iyon. Something inside me is stopping me from saying yes. At hindi ko alam kung ano iyon.

Maybe...maybe I'm just afraid. Afraid that I might get hurt. Yes, I'm afraid. Ayaw kong masaktan. I've never been in a relationship before this. Kaya naman hindi ko alam kung paano maghandle ng relasyon.

Wala akong alam. Wala akong experience. So how am I suppose to let him work us out kung siya lang ang may alam kung paano? Di ba?

It takes two to tango.

"Eunice?" He called my attention. I looked at him, trying to read his expression. Nagbabakasakaling nakasulat doon ang dahilan kung bakit gusto niyang subukang ayusin ang bagay na namamagitan sa amin.

Our marriage.

"I'm so sorry. I can't." I stormed out of the kitchen rushed to my room.

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now