FORTY NINE: The One and Only

20.5K 408 28
                                    

***
Yes! Yes! Yes!
We're number 1 in Teen Fiction!
Thank you guys! You made me happy!
Love yah! (Wink)

This one's for all of you!

EUNICE GRACE TAN

"Pero bakit dad?!" Napatayo ako at tumaas ang boses dahil sa sinabi ni daddy.

"You don't need to leave just to be okay. Kahit kailan hindi solusyon ang pag-takas sa problema." Nanatili lang siya na nakaupo sa swivel chair niya habang tinitignan ako.

I don't get it!

"I'm not running away from the problem dad! Gusto ko lang lumayo," I paused. I don't know how to say this to him. Huminga ako nang malalim, "Gusto kong lumayo sakanila." Dugtong ko.

Seryoso ako dito. Hindi ako tumatakas sa problema dahil wala naman talagang problema in the first place. I want to transfer because I want to start all over again. And I can't do that if I'm going to see him everyday! To think na may possibility na maging magka-klase ulit kami this coming semester.

"Enlighten me Eunice. Bakit gusto mong lumayo sakanila? Sakanila ba talaga o sakanya lang?" And that hit me at the right point.

Oo, siya lang ang gusto kong iwasan. Siya lang ang gusto kong layuan dahil siya naman ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. And I know, I'm hurting him too. I can feel it!

Gusto kong magsalita kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Feeling ko umurong yung dila ko at nakalimutan ko na kung paano magsalita.

Why is it so hard for me to explain whenever it's about him?

Napabuntong hininga nalang ako. Explaining will not guarantee that dad will still let me transfer. Umpisa palang naman alam ko na na malabo silang pumayag ni mommy eh, lalo na siya. But at least I've tried, I guess?

"Anak, I know you're still hurting. But you should trust the process. Masakit 'yan ngayon, especially that you're seeing each other from time to time. Believe me, ngayon lang 'yan." Dad stood up from his chair and went beside me.

He started caressing my hair, and suddenly I felt my tears started to cloud up. Alam ko, anytime maiiyak na ako.

"It hurts, but it won't last that way. Soon, you will wake up and then it will be gone already. Mapapansin mo nalang na wala yung sakit, kahit pa titigan mo siya." That was the cue for my tears.

Niyakap ko si daddy at umiyak. Ilang linggo na ang nakalipas, buwan na nga ata eh pero sobrang nasasaktan pa rin ako. May mga gabi na napapanaginipan ko yung paglayo sa akin ni Andrew, pati rin yung video niya at ni Jasmine. Tapos magigising nalang ako na basa na yung pisngi ko.

And then I'll just cry overnight, until I fell asleep.

I just wanted to love and to be love too! I never wanted to be hurt this bad. Sobrang sakit lang kasi! Hindi ko naman hiniling ang masaktan nang ganito!

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakayakap kay daddy at nakasubsob sa tyan niya. Pero nung naramdaman ko na okay okay na ako, kumalas na ako sakanya.

He lifted up my chin and he smiled at me.

"Eunice, masasaktan at masasaktan tayo. Part na yan ng buhay ng tao. What we need to do is to make sure that we'll get better, and learn our lessons." Pinahid niya ang luha sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

I nodded at him.

"Tignan mo, basa na yung damit ko. Eew!"

"Dy naman eh! Luha lang 'yan. Walang sipon!" Pinalo ko siya pero nakaiwas agad siya.

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ