THIRTY TWO: Stolen

27.4K 555 43
                                    

ANDREW CYRUS VILLAFUERTE

KUNG KULUNGAN lang ang katawan ko at preso ang puso ko, malamang sa malamang kanina pa nakawala ang puso ko. Kanina pa kasi ito nagwawala. Simula pa nung makita ko si Eunice na nakatayo doon sa dulo at naka bridal gown.

But now she's beside me.

Tapos na ang wedding ceremony at ito sila, nagsasaboy ng mga petals. Now I know why it took her almost two hours. Inayusan pa pala siya at nag-set pa sila nitong lugar habang nasa loob ako ng kulungan.

So this isn't a jail booth but rather a wedding booth? Pakulo lang nila na kunyari ikukulong at may gagawin yung isa para mapalabas yung nakakulong. Then inaayusan na nila yung babae.

I should thank Jett for this. But still, I lost to him so I need to do the consequence.

"And for your honeymoon..."

"What?!" Agad naputol ni Eunice ang sinasabi nung bakla na estudyante dahil sa reaksyon niya. Pati ako nagulat sa bigang pagtaas ng boses ni Eunice.

"Yes honeymoon. After the wedding honeymoon 'di ba? So here's your ticket in a fine dining restaurant." He explained then handed us two tickets.

Ako na ang tumanggap dahil naka-nganga pa rin ang bride ko. Seems like she was shocked about the honeymoon thingy. It's not like we're really doing that part.

"Thank you. But may I know who's behind all of this?"

I want to know who put us into this place. I'm thinking that it was Jett but I want to know it from the organizers. Para sigurado ako. And if I'm right, then I should really thank Jett.

"Sorry but we can't disclose it to you. Anyways, best wishes! And of course, enjoy your honeymoon!" Nagsaboy siya ng mga petals at pumalakpak.

I thanked him after doing that.

AT DAHIL hindi pa kami kumakain ni Eunice, tamang-tama ang reservation tickets na ito. I must say that they have a budget. Fine dining restaurant ang pinagpa-reserve-an nila eh. I've been here before.

Nakasandal ako sa pader sa labas ng room kung saan nagpapalit si Eunice. Ako naman kasi pinasuot lang nila ng coat so hindi hassle hubarin. Unlike her, she changed her clothes to that gown which I admit that it suited her.

She was stunning.

I can't help but to imagine about a real wedding and she's still my bride. Damn it! I feel excited by just thinking about it. Pano pa kaya kung totoo talaga! Napangiti ako dahil sa naiisip ko.

"So here's the groom." Agad nawala ang ngiti ko nung marinig ko ang boses niya. Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

Jasmine.

Isang pares ng paa na naka heels ang rumehistro sa mga mata ko. Nanatili lang akong nakayuko dahil ayaw ko siyang tignan. At bakit ba siya nandito? Anong kailangan niya?

"Hi Andrew." Bulong niya sa tenga ko. Napaayos ako ng tayo at doon nag-tama ang mga mata naming dalawa pero agad ko ring kinalas ang tingin ko.

She's wearing a deep v-neck dress. Daring as always. But her cleavage doesn't affect me anymore.

Nakita ko na hahawakan niya ako kaya naman pinigilan ko na siya agad. "Touch me and I'll break your arm." I said in cold tone. I haven't used this tone for quite long.

She stopped halfway. Alam kong alam niya na seryoso ako sa binitawan kong salita. I won't hesitate to break her arm. Alam niya iyon.

"Ohh. I like you in that tone. Cold." She said seductively. Then she placed her hand in her cleavage, tracing the line between her breasts.

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now