FIFTY ONE: Dua

20.5K 418 14
                                    

**
I have 3k plus followers!
Thank you guys for following me here!
This one's for all my followers!

EUNICE GRACE TAN

When Andrew was courting me, all my attention was focused to him. Then when we finally became a couple, my time was mostly spent with him too. And that, made me forget myself.

Nakalimutan ko na bigyan ng pansin ang sarili ko. Ngayon na mag-isa nalang ulit ako, marami na akong oras. Siguro naman deserve ko na na bigyan ng pansin ang sarili ko. It's about time to make up for those times I spent with him, instead of spending it to myself.

Sa madaling salita, oras na para magpaganda! I will pamper myself and I'll start that by having a make over.

"Cut it. Bob cut." Utos ko sa hairstylist.

"Are you sure honey? Sayang naman, ang ganda ng buhok mo oh!" Tanong niya habang hawak ang itim at hanggang likod kong buhok.

I am 101 percent sure about it. Gusto ko nga magsimula ulit di ba? At ito ang tamang gawin, ang magpagupit.

"Absolutely!" I exclaimed and I smiled at him through the mirror in front of me.

"Okay! Go na!"

Pigil hininga ako nung ipasok niya yung buhok ko sa pagitan ng gunting na hawak niya. Bigla akong nagduda sa desisyon ko, at gusto kong bawiin. Parang dun sa 101%, one percent lang talaga ang sure ko na magpapagupit ako!

Slow motion yung pagputol niya sa buhok ko. Wala akong nagawa kundi ang pumikit para hindi ko makita kung paanong nagpapaalam yung bawat strands ng buhok ko!

Kailangan ko maging firm sa desisyon ko. Kaya naman unti-untin kong binuksan ang mga mata ko para panoorin siya sa ginagawa niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal niya akong ginugupitan, pero I totally like the outcome!

"Ay taray! Mas maganda ka ngayon!" Hindi ko na kailangan purihin ang sarili ko, dahil ginagawa na iyon nung hair stylist.

We're both looking at my reflection in the mirror. And indeed, bagay nga sa akin ang ganitong gupit. No regrets! Pero parang may kulang pa eh. I want some more change. How about...color! Yes, hair color!

"Pwedeng makita yung shade ng colors niyo?" I asked him.

"Sure! Pero alam mo, may alam akong bagay na kulay sayo," saad niya habang lumalapit dun sa display stand kung san nakalagay yung samples nila.

Then he showed me the color he thinks that will suit me well. It was Ash blonde color.

Biruin mo nga naman oh. This is what I'm actually looking for! May nakita kasi ako nito sa facebook, at sabi ko kapag malakas na ang loob ko, magpapakulay ako ng ganito. And now the time has come!

"Go!" I signalled him. Natuwa siya dahil game na game ako at talagang napapalakpak pa siya sa tuwa.

**

"Oh my gosh! Anak anong nangyari sayo?!"

At yan ang bungad sa akin ng nanay ko. Talagang napatayo pa siya ha! Shocking ba? Ako din na shock sa kinalabasan ng pagbabago na gusto ko eh. It turned out really well!

"Guess, it's time for a change?" I shrugged my shoulders.

"You look stunning!" And that was a big word. Hindi ko alam kung may halong bola ba iyon dahil anak niya ako. Haha!

Nilapitan ko si mommy at humalik sa pisngi niya. Pero, wala sa akin ang atensyon niya kundi sa umikli at nag-ibang kulay na buhok ko. She ran her fingers to it.

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now