THIRTY ONE: Marry Me

29.1K 600 48
                                    

ANDREW CYRUS VILLAFUERTE

I NEVER thought that I will be this happy by having someone cheering me on. Eunice made me happy yesterday during our first match. The way he cheered me using an endearment that I was not expecting made me want to win the game.

Honey Baby Babe.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na pagsamahin ang tatlo na 'yan para makabuo ng isang endearment. I really find it cute. Napaka-unique lang kasi. Kapag pinaghiwalay-hiwalay mo kasi ang tatlong iyan, napaka-common na. Gasgas na masyado. Kaya naman okay sa akin na magkakasama sila!

Masakit nga lang ang katawan ko ngayon. Kahapon nalang kasi ulit ako naglaro kaya naman nabigla ang katawan ko. Kaya ito, puro salonpas ang likod at balikat ko.

I was stretching my arm when Eunice saw me.

"Masakit katawan mo?" She asked while descending from the stairs. She's gorgeous as always. I smiled at her.

"A bit." I stood up and waited her at the last step of their wooden stairs.

I pulled her closer to me and smelled her hair after kissing her forehead. Niyakap niya din ako at inisubsob ang mukha sa dibdib ko. I really lover her smell. Kahit mag-hapon ko siyang amuyin hindi ako nagsasawa.

"Let's go?" Tanong niya habang nakatingala para tignan ako. Matangkad si Eunice pero mas matandkad pa rin ako sakanya.

Kung tutuusin nga pwedeng pang-model ang height niya. Hindi naman siya mataba kaya naman tingin ko ay bagay talaga siya bilang model. I would love to see her walk on the run way.

BUSY ANG lahat sa school pag dating namin. Maraming tao sa mga booth and it's not a surprise anymore. Taon-taon naman kasi dinudumog talaga ang mga booth dahil magaganda ang mga ito. Kahit ako isa-isa ko ring pinuntahan 'yan last foundation week.

But I wonder what's new?

"Want to check the booths?" I asked her. Magkahawak ang mga kamay namin. Habang yung kabilang kamay namin ay parehong okupado ng inumin.

"Wala ka bang game?"

"Wa-" hindi natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may humatak sa akin papalayo kay Eunice. I was caught off guard kaya naman hindi ko nahawakan ng mabuti ang kamay niya dahilan para mabitawan ko ito.

What the hell?!

"Mr. Villafuerte, you are under arrest. You have the right to remain silent. Anything that you will say might be used against you." Tuloy-tuloy na paluwanag nung lalaki na humila sa akin.

"Teka ano ba 'to?" Sinubukan kong pumiglas pero hawak nilang dalawa ang magkabilang braso ko.

Is this some kind of joke? Ano ba 'tong ginagawa nila?

"Your friend, Mr. Amonte, ordered us to put you in jail. You will only be freed once your partner completed the task which will serve as your bail."

Ipinasok nila ako sa isang tent na may mga rehas-rehas pero gawa sa kahoy. So isa ito sa mga booth ngayon? Damn that Jett! Talagang ako pa ang naisipan nila na biktimahin. Gago talaga kahit kailan.

Umupo ako sa bench na nasa loob ng kunyaring kulungan. Buti nalang may ganito! Tangina di ako uupo sa sahig! I'll make sure to get revenge on Jett. Gago 'yun ah!

Bumukas ang tent at pumasok ang taong nagpakulong sa akin. He got a big smile plastered on his face.

"Fuck you dude." Casual na bungad ko sakanya. Tangina ang lakas talaga ng trip ng isang 'to! Talagang ako pa ang pinakulong eh ilan kaming magka-kaibigan!

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now