THIRTY SIX: Love and Hurt

23.2K 432 26
                                    

Dedicated to all the girls.
Always have the courage to speak your minds.
Thank you for making this world wonderful!

EUNICE GRACE TAN

I SHOULD be happy that finally, Andrew was able to look at me, eye to eye...but I am not. Hindi ko kayang maging masaya dahil mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko.

Ako ang unang kumalas sa tinginan naming dalawa. Kailangan ko ng umalis dito at lumayo sakanya bago pa tuluyang lumabas ang mga luha na kanina ko pa pinpigilan. I've tried hard to jail these tears in my eyes so I can't let them escape now!

Lumakad ako palayo sakanya, praying na sana hindi niya ako pigilan. Pero hindi dininig ang panalangin ko dahil hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sakanya, ay naramdaman ko na ang kamay niya sa pulsuhan ko.

"We are you going?" His authoritative voice was not that loud but it echoed in my head.

Kanina, bumalik na yung klase ng tingin niya na para bang isa siyang leon na handang sakmalin ang biktima niya. Ngayon naman, gamit-gamit na niya ang authoritative voice niya. Those two things about him, ngayon ko nalang ulit nakita siya na ipakita ang mga iyon!

"I-I'm going home." Buong lakas ko na sagot sakanya.

Hawak niya pa rin ang pulsuhan ko at nasa likod ko siya. I will not dare to look back and face him. I am too scared to do that. Scared that any moment right now, I might burst into tears.

"The party just started. And you're going home already? Bakit? Sapat na ba ang paghalik ni Grey sa kamay mo para umuwi ka?" His question hit a nerve.

Ayaw ko man siyang harapin ay wala akong magagawa. Hindi ko gusto ang tanong niya! Isang naka-ngisi na Andrew ang sumalubong sa mga mata ko.

Bakit parang ako ang masama dito? Bakit parang ang dating sa akin e ako ang mali? Why? Kasi nakita niya ako na hawak ng ibang lalaki ang kamay ko at hinahalikan ito? Dahil ba doon?

Gusto kong sumagot pero parang umurong ang dila ko. Wala akong mahanap na salita at para bang nakatakas silang lahat.

"How was the kiss? Ganun ba kasarap na kahit sa kamay ka lang hinalikan eh parang naka-jackpot ka na at pwede ng umuwi? Ha? Tell me Eunice!"

Now his voice really echoed. Hindi lang sa utak ko kundi sa lugar na kinatatayuan namin. But I doubt na may nakarinig ng pagsigaw niya dahil maingay sa labas.

So tama nga ako? Ako nga mali dito dahil sa halik na iyon?

I don't want to argue with him, here. Nakakahiya kung may makakakita pa sa amin. Hindi ko ito bahay para gumawa ng eksena. Isa pa, I don't think that he'll accept an explanation right now.

I turned around and started to walk away from him. Wala akong ginagawang masama. Yung halik sa kamay ba? I don't think na mali ang bagay na iyon.

"One more step and you'll never see me again." It was a low voice but I heard it loud. Loud enough to make me stop from walking away from him.

At ngayon tinatakot niya ako? How dare him!

Muli akong tumalikod para harapin siya. Bakit siya nagkakaganito? Ano bang nangyayari sakanya? Hindi na siya yung Andrew na nakilala ko! Siya na ulit yung gago na Andrew na nagpaiyak sa akin ng maraming beses noon!

"Matagal...matagal ko ng hindi nakikita si Andrew. He's gone! And I don't think that he's coming back." Nagkarera ang mga luha ko pababa sa pisngi ko dahil sa huling linyo na nanggaling sa akin.

It fucking hurts! It hurts me that the Andrew I love was gone!

Tumakbo ako papalayo sakanya kahit pa naka 5 inch heels ako. I don't fucking care! Ang gusto ko lang ngayon ay makaalis sa lugar na ito! Far from everyone else. Far from him!

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha. At hindi ko napansin na may tao pala kaya naman nabunggo ko siya. I literally lose my balance pero hindi ako bumagsak sa marble floor dahil may sumalo sa akin.

"Eunice?"

Kahit malabo ang mga mata ko ngayon, alam ko kung sino ang nabunggo ko at nakasalo sa akin. Si Thunder.

Inayos niya ang tayo ko. Ngayon ko nalang ulit kami nagkita tapos sa ganitong sitwasyon pa. Nakakahiya. But I don't have time to chit chat with him I am hurting because of the man I love.

Nung inalis na niya ang mga braso niya sa bewang ko ay tumakbo na ulit ako papunta sa main door ng masyon. Buti nalang sinabihan ko si Kuya Frank na maghintay.

Pinahid ko ang mga luha sa mata ko oara makita ko ang sasakyan namin. Good thing na nakatayo si Kuya Frank sa labas ng kotse.

"Eunice?" Gulat na tanong niya.

Sinong hindi magugulat? Malamang sa malamang, sira na ang make up ko ngayon dahil sa mga luha. But I don't care!

"Umalis na tayo dito. Bilis!"

BUONG BYAHE umiiyak ako. Sobrang sakit lang talaga na ganoong klase ng mga tanong ang ibinato niya sa akin. Na para bang gumawa ako ng mali. That I cheated on him! But I didn't.

Hindi ba ako pa nga ang dapat magalit? Dahil sa mga pinaggagagawa niya. He became distant! He's changed! Pero ano? Nilalawakan ko lang yung pang-unawa ko para intindihin siya.

Tapos ngayon nakita niya lang na may humalik sa kamay ko, masama na agad ang tingin niya sa akin? That's unfair! He's fucking unfair!

Hindi ako yung nagbago. Siya! At wala akong ginagawang masama. Wala!

"Wag mong sasabihin kung nasaan ako. Kahit kela mommy at daddy. Please kuya." I begged while crying.

"Okay ka lang ba? Ano bang nangyari sa loob?" Kuya Frank sounds worried.

Gusto ko mang sabihin sakanya pero hindi pwede. It's too personal. Hindi ko kayang i-kwento sa iba ang nangyari. Lalo na sakanya dahil baka madulas siya sa mga magulang ko.

I begged him not to say my whereabouts. Dito kasi ako sa condo ko nagpahatid at hindi sa bahay. Dahil alam ni Andrew ang bagay at baka masundan niya ako. Kahit naman alam ko na hindi niya iyon gagawin.

Ako lang ang nakakaalam ng condo ko. Pero ngayon alam na ni kuya. I need him to remain silent and keep this as a secret.

ITINAPON ko ang sarili ko sa kama at doon lalo pang umiyak.

Bakit ganoon? Bakit kung sino pa yung tao na nagpapasaya sa atin, siya rin ang magiging dahilan kung bakit tayo nalulungkot at nasasaktan? That's ironic! At hindi dapat ganoon!

Sa libro ko lang nababasa ang mga ganitong scenarios. And I never thought that it would be this hard!

Nagmamahal tayo para sumaya. Pero bakit nagiging malungkot tayo? Bakit tayo nasasaktan? Why the fuck this things are made this way?!

"I hate you Andrew! I hate you!" I shouted at the top of my lungs.

Wala akong pakialam kung marinig ng mga taga ibang unit iyon! Wala akong pakialam! Nasasaktan ako ngayon! Nasasaktan ako dahil sakanya.

Bakit kasi ang bilis ng pangyayari? Nung nakaraan masaya lang kami. Pero tawa lang at kulitan. It was only love. Then with just a snap, everything was gone.

Ito ba yung sinasabi nila na wag daw maging sobrang saya? Dahil baka sa huli, may kapalit yung saya na iyon? Kung ito ngayon, then I should have believed. Dapat naniwala nalang ako.

Nag-vibrate ang signature pouch na nasa kama ko. Agad kong kinuha ito para tignan kung sino ang tumatawag. It was Andrew. I declined his call and turned off my phone.

I don't want to hear his voice! Not even see or hear his name!

I never thought that Andrew will hurt me again. Pero akala ko lang pala iyon. At maraming namamatay sa maling akala. Kung nakamamatay ang sakit na ito, malamang unti-unti na rin akong namamatay ngayon.

I love him. I love him so much that's why I am hurting this much too.

**
Follow me on my social media accounts!
jmslzd (ig)
kuyangmaliit_wp (twitter)
Thank you!

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now