TWENTY FOUR: Friend

32.2K 717 29
                                    

EUNICE GRACE TAN

ISANG bouquet ng red roses ang agad kong napansin habang pababa ako ng hadgan. Napangiti ako. Bakit di pa dinala ni Andrew sa kwarto ko? Pwede niya naman akong katukin doon eh. Or surprise to?

Dinpot ko ang bouquet na nasa center table at inamoy ito. Last time ang binigay niya ay yung human size na teddy bear. Ngayon naman may pa bulaklak ang siya. Nako, baka ma-spoil ako.

Last night he texted me saying that he might not be free today, Sunday. May lakad daw sila ng parents niya at hindi pwede na hindi siya sumama. Dahil family day ang Linggo at kailangan na kumpleto sila. Naintindihan ko naman ang bagay na iyon.

"You're dad used to give bouquet too." Agad akong napalingon sa likod ko para tignan si mommy na biglang nag salita.

I found her walking towards me with her apron still on. Mukhang galing siya sa kusina at naghahanda ng almusal. Mom loves to cook kaya naman siya ang laging nagluluto dito sa bahay. Pero yung ibang household chores, yung mga helper na ang gumagawa.

"Good morning mom." Humalik ako sa pisngi niya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

"As I was saying, your dad used to give me flowers too. Pero ngayon, nako! Kahit dahon ng rose wala!" Reklamo niya.

Yes, I can still remember dad bringing home flowers almost everyday when I was a kid. Then she will give it to mom and they will dance in the middle of the living room although there was no music playing. It's only the two of them who can hear the music. I'll just sit somewhere and watch them dance.

Pero ngayon, parang hindi ko na nga nakikita na nag uuwi si dad ng flowers para kay mommy? Hmm... I wonder why? I'll talk to him later. Nagtatampo na si mommy.

"But he still loves you mom. And he will always love you. You know that, right?" I asked her. Dad never failed to show his love for mom. He always hug her, kiss her and I know they still dance.

"Of course honey. Pero tipid na ha! Wala ng pa-bulaklak ang daddy mo!" She rolled her eyes. Natawa nalang ako sa inasta ni mommy. Ang cute!

BIGLANG bumukas ang main door ng bahay namin at pumasok si daddy na may dala-dalang bouquet ng white roses. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin kay mommy na nasa tabi ko lang. Malaki ang mga mata niya at nakatakip ang kamay sa bibig.

"White roses for the one and only love of my life." He handed the bouquet to mom who's still in surprise.

Sino bang hindi ma su-surprise di ba? Pinag-uusapan lang namin si dad at ang hindi na niya pag bibigay ng bulaklak kay mommy. Tapos biglang pasok niya na may dalang mga bulaklak! Timing na timing ang pasok di dad! Haha!

"I love you." Mom kissed dad's lips in front of me. I can't help but to smile. Kahit na matagal na silang kasal, hindi pa rin nawawala ang sweetness at chemistry nila. Kahit ako kinikilig!

"I love you too." Sagot ni daddy.

I wonder how they were able to stay in love for a long time? Not to mention that it's still counting. Maybe I should ask them one of these days? I should ask them on how to keep the flame of love burning.

NANUNOOD ako ng kdrama sa laptop ko sa may sala ng biglang bumukas ang wooden door ng bahay namin. Pumasok si ate Daisy pero nagulat ako nang makita ko si Andrew na pumasok din. May dala-dala siyang bouquet ng red rose.

Napatayo ako at sinalubong siya.

"Hi! For you." He gave me the bouquet after kissing my cheek.

"Thank you. Pero bakit may roses ulit? Nagpadala ka na kanina di ba?" Tanong ko sakanya habang nakaturo sa isang bouquet na nasa center table pa rin.

"Ha? I didn't send those flowers." He said while giving me a puzzled look. Now with what he said, I became confused.

Kung hindi siya ang nagpadala nung mga bulaklak na iyon? Eh sino?

Bumalil ako sa pwesto ko at inilapag ang dala ni Andrew na bouquet sa couch. Tapos kinuha ko yung nasa center table. Doon ko lang napansin na may card pala na naka ipit sa pagitan ng mga rose. Kinuha ko ito at binabasa ang naka sulat.

Beautiful roses for a gorgeous woman like you. - Thunder

Oh my! The flowers came from Thunder! Hindi man lang sumagi sa isip ko na maaring galing sa ibang tao 'to. Ang una kasing pumasok sa isip ko ay si Andrew. Dahil siya lang naman ang nanliligaw sa'kin. Plus I never thought that Thunder will send me flowers.

"Kanino galing?" Tanong ni Andrew. Oo nga pala, nandito nga pala siya. Nawala sa isip ko dahil nagulat ako na malaman na galing kay Thunder yung naunang mga bulaklak.

"Kay Thunder." Casual na sagot ko sakanya.

Pero parang dapat ata hindi ko sinagot ang tanong niya. Pagkarinig na pagkarinig niya sa pangalan ni Thunder, dumilim ang tinging niya at nag tiim ang bagang niya. Ngayon ko nalang ulit siyang nakita na ganito ang itsura. Na para bang papatay anytime.

"That bastard." Ramdam na ramdam ko ang inis niya sa lalim ng boses niya.

My gosh! I should not have told him that it was from Thunder! Ang tanga ko naman! Of course hindi niya yun magugustuhan na may ibang lalaki na nag bigay sa akin ng bulaklak. Pero teka, wala namang masama doon ah. Thunder and I are friends. And I don't think na may malisya naman ang pagbibigay niya sa akin ng bulaklak.

"Easy. Okay? He's my friend." Sabi ko sakanya. Kailangan niyang kumalma. Pakiramdam ko sasabog siya anytime eh.

"Friend ang tingin mo sakanya. Pero siya? Friend ba ang tingin niya sayo?" Nagulat ako sa tanong niya. Pero oo naman! Friends kami ni Thunder kaya malamang friend din ang tingin niya sa akin!

"Of course!" Mabilis kong sagot sa tanong niya. Kampante ako at sure ako na kaibigan din ang tingin niya sa akin.

"I doubt that." He clenched his jaw. And that's not a sign of him calming down. He's furious about the fact that I received flower from Thunder.

Kailangan pakalmahin ang isang 'to. Mamaya sugurin niya si Thunder kapag nakasalubong niya si Thunder aa campus. Nagawa na niya iyon dati kaya malamang magawa niya din iyon ulit. I am well aware that right from the start they saw each other, he don't like him already. And no matter how hard I tried to explain to him that there's nothing more between Thunder and I, aside from being friends, he can't believe it.

"Umupo ka nga muna. Magpapatimpla lang ako ng juice kay ate Daisy." Hinila ko siya at ini-upo sa couch tsaka ako pumunta sa kusina para magpatimpla kay ate Daisy ng juice.

Kailangan niyang malamigan!

Hindi ko na hinintay ang juice at bumalik na ako sa kusina. Ihahatid nalang sa sala yung juice. Pero nang makalapit ako kay Andrew ay agad binalot ng kaba ang buong katawan ko at natigilan ako sa paglapit sakanya.

Naka-bukas ang laptop ko at kitang-kita ko ang mukha ni Thunder. Magkausap sila! Video call pa!

"Oh, hi Eunice!" Rinig na rinig ko ang bati ni Thunder. Kumaway pa siya sa harap ng webcam. Nilingon ako ni Andrew at ang sama ng tingin niya. Nanlilisik ang mga mata niya at naninigas ang panga.





"Hi daw sabi ng friend mo." He said emphasizing the word 'friend'.

***
Thank you for reading this story! Don't forget to vote! Thank you!

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now