THIRTY SEVEN: Devil in Black

23.8K 462 45
                                    

EUNICE GRACE TAN

NAGISING ako dahil sa gutom na nararamdaman ko. It was already 2 am. Tsaka ko lang na-realize na hindi nga pala ako nagha-hapunan. Nakatulog ako sa kakaiyak kagabi.

I am still wearing the white long gown. Tumayo ako kahit na nanghihina na ako. Naubos ata ang lakas ko sa kakaiyak.

Napangiti ako nung makita ko ang itsura ko sa salamin. It was a bitter smile. I looked like a mess! Sira ang make up ko. Kumalat na ang eyeliner at pababa sa pisngi ko, pruweba na umiyak ako.

Namamaga rin angga mata ko.

Andrew made me so beautiful and now he made me look this way. A real mess.

I turned the shower and let the cold water soak my body. I let it cold. Baka sakaling magising ako mula sa katotohanan. Pwede rin naman na masanay nalang ako sa lamig para di na ako tatablan. Yeah that could be possible.

So that even his coldness wouldn't affect me that much.

THERE'S no doubt that being in love with someone can send you to cloud 9. Sangayon ako doon dahil pinaramdam sa akin ni Andrew ang mapunta doon. Yung ang sarap lang sa pakiramdam. Yung tipo ba na lumulutang ka at nakahiga sa mga ulap.

Pero kapag nasaktan ka, puputok ang mga ulap. At kung gaano kataas ang nilipad mo, malamang ganoon din kasakit kapag bumagsak ka.

Love isn't a thing for one person only. Palagi dapat na dalawa kayo. Kasi kapag mag-isa ka lang, masasaktan ka.

LUMABAS AKO ng kwarto na tanging bathrobe ang suot-suot. Sa loob ng halos tatlong buwan, nakalimutan ko na kung pano mabuhay mag-isa.

I already forgot how it feels living alone. Because for almost three months, Andrew was always beside me. Palaging may nag-aasikaso sa akin. Palaging may kausap at kakulitan.

Mahirap pala masanay.

Itinaktak ko ang cereal sa bowl at nilagyan din ito ng gatas. I am too drained to cook dinner so I'll just have cereals. Besides, umaga naman na. So almusal ko na ito.

May pasok pa ako mamaya. Pwede bang hindi nalang ako pumasok? Kasi nandoon si Andrew. Pakiramdam ko hindi ko pa siya kayang harapin eh. Ang sakit pa rin kasi.

Nakita ko ang phone ko sa kama. Gusto kong buksan pero baka tumawag nanaman siya. Hindi ko kayang sagutin ang tawag niya.

I DON'T KNOW what's wrong pero lahat ng tao nakatingin sa akin pag-pasok ko ng campus. Titignan nila ako tapos bigla silang magbu-bulungan. Anong nangyayari?

Ayaw kong masira ang araw ko kaya naman hindi ko sila pinansin. Masyado na ako stressed dahil sa pag-ibig at hindi ko na kaya na ma-stress pa dahil sa ibang bagay.

Sumipsip ako sa sa dala-dala kong iced coffee habang papunta ako sa room. Pero pagpasok ko sa room, parang nakakita sila ng multo. Bigla silang tumahimik at nakatingin sa akin.

Yung itsura nila para bang naaawa na ewan. Teka, ano bang nangyayari? May dumi ba ako sa mukha? Kukuha sana ako ng salamin sa bag para i-check ang mukha ko kaso biglang pumasok si Trisha.

Her eyes grew bigger when she saw me. Pati ba naman siya?

"May dumi ba ako sa mukha? Bakit pinagti-tinginan ako ng tao? Pati ikaw!" Tanong ko sakanya paglapit niya sa upuan namin.

"Eu-Eunice." Teka, bakit siya nabu-bulol?

"Huy babae. Okay ka lang?" Umupo siya sa tabi ko.

Ano bang mali sa mga tao ngayon? Hindi na ako naka-gown at nakaayos kagaya kagabi pero bakit nasa akin pa rin ang atensyon nila? Pero ngayon pati si Trisha!

Teka magang-maga pa rin ba ang mga mata ko? This time kumuha na talaga ako ng salamin para tignan ang mukha ko. And nothing's wrong! Hindi naman namamaga ang mga mata ko at wala namang dumi sa mukha ko.

So why?

I need to chill and relax. Baka mabaliw lang ako sakanila. I took my phone and put my earphones on.

But before I could even play the first song on my playlist, Trisha put his phone on my table. I raised an eyebrow on her. Tinuro niya lang yung phone niya. Tiningnan ko ito pero nakapatay naman iyon.

Kinuha ko yung phone niya at itinapat ito sa mukha niya para i-unlock.

Nanginig ang buong katawan ko ng makita ko ang picture ni Andrew. Pero hindi siya nag-iisa, kaharap niya si Jasmine. Video ito pero parang wala akong lakas na pindutin ang play button.

Nanginginig ang mga kamay ko! I took a big gulp to have a courage to tap the play button. But courage was nowhere to be found! And Trisha noticed that so she tap the button instead.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at lumabas na sila habang pinapanood konang video. Nung nakita ko na tanggalin ni Andrew ang damit ni Jasmine at itinulak niya ito pahiga sa kama, hindi ko na kinaya.

I threw the phone to its owner and stormed out of the room.

But I bumped into someone at the doorway. Mas lalong nanginig ang kalamnan ko nung makita ko na si Andrew iyon. At sa likod niya ay ang babae na nasa video. Kahit siya ay nagulat na makita ako.

Gusto ko siyang sampalin! Pero...pero wala akong karapatan. Girlfriend lang ako. Girlfriend pa ba ako?

I ran far from them. Far from him!

I don't think that I can handle this pain anymore. That video was too much! I never thought that he can even do that to me! Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao. Dahil pala doon!

I bet they pity me. O baka naman nakakatawa ako para sakanila. Nakakatawa dahil naniwala ako kay Andrew at naging biktima niya.

He's a jerk! And will always be!

Wala akong pakialam kung pagtinginan nila ako ngayon dahil sa itsura ko na basang-basa ng luha ang mukha. I don't give a damb!

Nag-antay ako ng taxi pero walang dumadaan. Bakit ngayon pa?!

Biglang may pumarada na sasakyan sa harapan ko. The passenger seat's window rolled down and I saw Thunder sitting on the driver's seat.

"Hop in." He said. And I did what he said.

Thunder. Tuwing miserable ako siya ang nakakakita sa akin. Hindi ko na alam kung gaano karami na ang utang ko sakanya. He's always there, ready to save me.

BUONG BYAHE umiiyak lang ako. And Thunder? He just kept on driving. Hinayaan niya lang ako na umiyak sa tabi habang nagda-drive siya.

I am in so much pain. This is unbearable anymore!

Kung kagabi may natitira pang part ng puso ko ang buo, ngayon wasak na wasak na! He wrecked me, completely. I am devastated!

I hate him! I hate Andrew for making me feel this way! Gago siya! Gago siya!

Isinandal ko ang ulo sa ko bintana nung halos wala ng luha na tumutulo mula sa mga mata ko. I am drained. Phisically, mentally and emotionally! I never felt this way before.

"Gago siya." Bulalas ni Thunder. Mahina lang iyon pero alam ko na may kasamang galit yung pagkakasabi niya.

I looked at him but he's just seriously looking at the road. I saw him clenched his jaw.

"He's a devil! Only devil can do that! " I exclaimed with anger pertaining to the video.

Nagsimula ulit na tumulo ang mga luha ko nung maalala ko ang video. Walang duda kagabi lang iyon nangyari. Tandang-tanda ko pa yung suot niya kagabi at iyon ang suot niya sa video!

He's devil in black last night!

**
Follow me on my social media accounts!
Thank you guys! Hope you enjoyed this chapter.

Twitter: kuyangmaliit_wp
Instagram: jmslzd

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now