FOUR: Peace

52.1K 982 28
                                    


EUNICE GRACE TAN

"W-Where are you?" He asked hesitatingly. Kung makapag tanong akala mo talaga may pakialam. At talagang sinabi niya pa sa mga magulang ko na wala ako sa bahay!

"It's none of your business." Malamig na tugon ko sa tanong niya. Sana ma sense niya na hindi pa rin kami okay. Na galit pa rin ako!

"It's my business because you're my responsibility." He said firmly. Ha! Looks who's talking about responsibility! Such a big word coming from someone like him!

"Since when did u become responsible? Ha! I don't even know that you knew that word!" I said sarcastically. Well sorry not sorry. I mean it!

Bago pa siya makapagsalita ay tinapos ko na ang tawag. Sorry dad kung pinatay ko na ang tawag mo. Pero hindi naman ikaw ang kausap ko kaya naman okay lang.

Napansin ko ang paper bag na nakapatong din sa night stand nang ibalik ko ang phone ko. Ooops! I forgot that I bought a new book! Might as well read it now to spend the night.

"Hoy babaita! San ka galing at may pa missing effect ka pang nalalaman kagabi?!" Matinis na boses ng bestfriend ko ang sumalubong sa akin pagpasok na pagpasok ko sa loob ng room.

Di na ako nagulat sa tanong niya. Kasi nakarating nga sa parents ko, sakanya pa kaya? Of course she will be the first one na kokontakin ni Andrew para tanungin kung nasaan ako.

"Nanlalaki." Pabirong sagot ko sakanya sabagy lapag ng bag ko sa upuan na katabi ng kanya.

At ang ate mo naman mukhang naniwala sa sinabi ko dahil nanlaki ang mga mata niya na para bang hindi makapaniwala sa sagot ko. Like duh? Biro lang yun syempre! Hindi ko kayang gawin yun.

I gave her a what-happened-to-you look dahil hindi na maipinta ang mukha niya. Parang nakakita ng multo na ewan eh. I raised an eyebrow nang bigla niyang pahabain ang nguso niya na para bang may itinuturo. Kaya tumalikod ako para tignan ang tinuturo ng nguso niya.

Agad akong napaatras ng isang galit na Andrew ang sumalubong sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya. His jaw was even clenched. Oh my! Don't tell me narinig niya yung sinabi ko kay Trisha!

Tumalikod ulit ako para harapin si Trisha.

"Narinig niya?" I asked her without a voice. I know she can read my lips. Tumango siya bilang tugon. Patay!

Wait! Anong patay? Walang patay! Ano naman ngayon kung narinig niya? Pakialam niya ba? Sabi niya kahapon lumalandi ako diba? Oh edi panindigan natin!

Umupo na ako at hindi na siya pinansin. I can still see him through my peripheral vision. He's still standing in the same spot. Mangalay ka dyan!

"We'll talk later." He said in his usual tone -- authoritative. Sure na sure siya na makikipag usap ako sakanya ah! Ha! Hell no!

I rolled my eyes and took my notebook and pen from my bag. Trisha was chanting "away! away!" in a low tone voice. Kahit kailan talaga 'tong babae na 'to!

Umalis din siya makalipas ang isang minuto. Doon ako nakahinga ng maluwag. I can't stand his presence! Nararamdaman ko kanina yung mga titig niya. Kunyari na nga lang nagsusulat ako sa notebook eh!

"Marami kang iku-kwento sakin mamaya." Sabi ni Trisha habang nakatalikod ang prof namin na nagsusulat sa white board.

"Gaga wala! Biro lang yung sinabi ko kanina." Paliwanag ko sakanya na hindi inaalis ang paningin ko sa harapan. Mahirap na baka mahuli kami na nagdadaldalan. Masungit pa naman 'tong prof na to.

"No! I smell something fishy. Kakaliskisan kita mamaya." Napatingin ako sakanya at pinanlakihan niya lang ako ng mga mata exposing her brown eyes.

"Di ako isda gaga!" Baliw 'tong babae na ito. Isda pa ata ang tingin sa akin ngayon!

True to her words, kung tanungin nga ako ni Trisha ay para bang isda ako na kinakaliskisan. Hinatak niya agad ako papunta sa isang fast food restaurant di kalayuan sa University.

"Speak and I shall spare your life!" Nagulat ako sa klase ng pananalita niya. Ano ito? Medieval times? Old english ang gamit?

Hinatak ko ang dulo ng buhok niya na nahawakan ko.

"Aray naman!" Daing niya. Puro kalokohan ang alam ng babaeng ito kaya hanggang ngayon wala pa ring boyfriend eh!

"I stayed at the hotel overnight. Feel ko lang mag-isa kagabi. That's all!" Paliwanag ko sabay subo ng fries matapos ko itong isawsaw sa gravy. The best talaga 'to kesa sa ketchup.

"Yun lang? Walang boylet?" She raised her right eyebrow -- giving me a questioning look.

"You know the answer to that question." I lazily answered and took a handful of fries and ate it.

"Excuse me ladies. May I join you?" Napatingin kami ni Trisha sa lalaking nagsalit at agad akong nagsisi.

It was Andrew, holding a tray with the foods he ordered. I wanted to say no to his question but Trisha was fast enough to say yes.

"Doon ka nalang umupo sa tabi ni Eunice. Nakaupo kasi yung bag ko dito eh." Anunsyo niya sabay turo sa upuan sa tabi niya kung saan nakalagay ang signature bag na dala niya.

"Ikaw pumayag na maki-share siya ng table diba? Eh di dyan mo paupuin sa tabi mo!" Maktol ko kay Trisha na wagas kung makangiti sa akin. I know she did it on purpose.

"Tsaka nakaupo din yung bag ko dito." Habol ko pa sabay turo sa bag ko.

Biglang tumayo si Trisha at kinuha ang bag ko sabay lapag noon sa upuan kung saan nakalagay ang bag niya. What the!

"Ayan na. Pwede ka ng umupo!" Sambit niya kay Andrew sabay kindat. At talaga namang! Kung makakindat siya parang wala ako dito ah!

"Thanks!" Andrew said while flashing a wide smile showing his perfect set of white teeth and fangs. Yes, he has fangs.

I did not protest anymore. As if naman may magagawa pa ako dahil umupo na siya at nailapag na ang tray sa lamesa. Noon ko lang napansin na madami siyang inorder. Kaya niya bang ubusin yung mga inorder niya? Parang hindi pang isang tao eh.

Then suddenly he placed the spaghetti and burger in front of me. Wait. Ano 'to? Para sa akin yung mga inorder niya?

Napatingin ako sakanya at ngumiti siya sa akin.

"I don't know if you were able to eat well last night and even this morning. So go ahead and eat." He said and flashed a smile again. His usually tone was gone. Mas gentle ang tono ng boses niya ngayon kahit may kalakihan ito.

Naramdaman ko ang biglang pag init ng pisngi ko. Wait! Don't tell me nagba-blush ako?! No! Hindi pwede! Hindi pwede na makita niya ako na nagba-blush dahil sakanya!

"Namumula ka. Okay ka lang ba?" Napatingin ako sakanya ulit. Yung mukha niya mas malapit na ngayon. Oh my!

"O-okay lang ako!" Lumayo ako sakanya. My gosh! Bakit nabubulol ako? Di naman ako bulol ah!

"Are you sure?" Tanong niya at akmang lalapit sa akin. I stopped him.

"Stop!" I shouted while I half raised my hand, giving him a stop signal. The whole place suddenly became silent. All I can hear was the music from the speakers of the fast food restaurant.

Andrew got his eyes wide open. I shifted my gaze to Trisha even her was looking at me with widely opened eyes and mouth half opened with fries on it.

Oh no! Don't tell me napalakas yung sigaw ko. I slowly scanned the place and everyone got their eyes on me. Oh my gosh!

I smiled shyly and made a peace sign.

"Sana bumuka yung lupa at lamunin ako. Ngayon na!" I wished inside my head. Nakakahiya!

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now