FORTY SEVEN: Where To Start

22.4K 434 33
                                    

ANDREW CYRUS VILLAFUERTE

I dialled Eunice's cellphone number for the nth time, but still it was the operator who answered saying that it was out of coverage area. Nafu-frustrate na ako dahil nakapatay ang phone niya, kahapon pa!

Nagising ako kahapon na si mommy ang nasa tabi ko, at natutulog. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta dito sa ospital at kung sino ang nagdala sa akin dito. The last thing I remembered was Eunice's face, aside from that, wala na.

Dad told me that Eunice and their driver, kuya Frank, brought me here. Nawalan daw ako ng malay nung nasa bahay ako nila Eunice kahapon. Tsaka ko lang natandaan na oo, pumunta nga pala ako sa bahay nila kahit pa alam kong sobrang masa na ang pakiramdam ko.

I wanted to see her and talk to her. That's why I went there, even if I could barely stand up and walk. Ako mismo, hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay nila.

But I badly want to see her, so I managed somehow.

Living without Eunice by my side was hell in Earth. It was an everyday torture for me, waking up and knowing that she's no longer mine. And that she hates me so bad. Sobrang sakit na araw-araw nawawasak ang puso ko na makikita siyang kasama ang lalaki  'yon! At kahit isang segundo man lang, hindi nagtatama ang mga mata namin.

I'm a stranger to her, and that killed me everyday.

Believe me, I am innocent. But no matter how badly I want to explain my side to her, I can't. Hindi ko magawa dahil iniiwasan niya ako. Hindi ako makalapit sakanya.

And for the past weeks, I suffered. Hinayaan ko siya na isipin kung ano ang gusto niyang isipin. I avoided her. Ako na ang dumistansya kahit pa sobra akong nasasaktan.

Gago ako eh, kaya deserve ko 'to. Siya na mismo ang nagsabi, isa akong malaking gago, fucker. Hearing her calling me names, broke me. Ganun pala ang tingin niya sa akin. At sobrang sakit lang na isa lang pala akong malaking gago para sakanya.

"Dude." Nakuha ni Jett ang atensyon ko. Iniaabot niya sa akin ang isang platito na may mga hiniwang mansanas.

"Thanks." I gave him a weak smile.

Napabayaan ko ang sarili ko. No, pinabayaan ko ang sarili ko. Kaya ito ako ngayon, nasa ospital at may dextrose. Buti nalang at tapos na ang finals namin. But I wonder what will be the result of my exams? I never studied before taking the exams.

I was drowned with the pain.

"You know what, you should just forget her. Maraming babae sa mundo, hindi lang siya." I eyed him but Jett doesn't seem to care. He stared back at me, not showing any signs that he'll take back what he said.

What he said was a total shit! Of all people, sakanya ko pa talaga narinig ang ganung suggestion!

Alam niya na mahal na mahal ko si Eunice! He knew it better than anyone else. That's why I can't believe what came out from his mouth.

"I won't take it back. But look at yourself! Wasak na wasak na ka na pare! 'Wag mo nang ipilit pa kasi yang sarili mo sakanya. Wake up dude. Wala na kayo!" Sigaw niya.

Isang malakas na suntok para sa akin ang sinabi ni Jett. Para niya akong inuntog sa pader at may kung anong tumunog sa utak ko. He's right. Tama naman siya na wala na kami ni Eunice at alam ko iyon.

Kaya nga ako nasasaktan ngayon eh! Kaya ako naging ganito dahil doon! And I can't let it be this way. I want us, back.

Mahal ko si Eunice. Siya lang ang babaeng minahal ko ng totoo, at siya lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako.

"I love her. I love her more than I love myself." I mumbled under my breath.

May pumatak na tubig sa hawak kong platito. No, it was a tear. Am I crying? Again?

Nakakatawa. Hindi ako iyaking tao, pero pagdating sa kanya, bakit ako naiiyak? Bakit ang hina ko kapag si Eunice na ang pinag-uusapan?

Ah, kasi nga gago ako. Ang isang gago na katulad ko ay wala namang kwenta. And these tears, they weren't enough to make her come back to me.

"Where do I start?" I asked Jett.

Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula. I've never been in this kind of situation before. This pain, these tears, I never saw them nor felt in the past years of my life. Not until Eunice came into my life.

"Start by getting a haircut dude. Mukha kang gago sa istura mo. Tsk!" Napatingin ako sakanya at umiiling iling pa siya habang nakating sa akin.

Dinampot ko ang isang slice ng mansanas at binato siya.

"Gago!" I cursed.

Jett laughed hard, and eventually, I found myself laughing with him.

When things doesn't go the way we want them to be, what's the right thing to do? I think we should just accept it.

Moving on starts with acceptance.

I stayed two more days at the hospital before my doctor allowed me to go home. Gusto pa nga sana akong sunduin nila mommy pero hindi na ako pumayag. Instead, I asked the my ugly business partner to pick me up.

"Daan tayo ng café tapos diretso tayo sa Suave." Utos ko sakanya matapos kong pumasok sa passenger seat.

"Hoy gago, 'di ko ako driver! Baba!" Singhal niya. Talagang minura pa ako!

Pero ayun, sinunod din naman ako. We ordered some drinks tapos dumiretso na kami sa suki naming barber shop. At oo, tama nga siya, mukha akong gago sa itsura ko ngayon.

Pano ko ba natiis na ganito ang itsura ko? Tang ina mukha akong ermitanyo na ewan eh! Putcha! May balbas pa ako at bigote!

"Hoy gago, bagay ba sakin may side burns?" Pakiramdam ko kasi bagay sa akin eh, kaso iba pa rin yung galing sa opinyon ng iba.

Jett raised his middle finger and showed it to me. Ginugupitan na kasi siya kaya medyo nakatungo siya at hindi makaharap sa 'kin.

"Wala ka talagang kwentang kaibigan!" Napailing nalang ako tsaka umupo na.

"Fuck boy na fuck boy datingan mo gago. Yung gupit, yung porma tapos wheels, nako halatang tirador ng mga senior high school. Tsk!"

Sinuntok ko yung braso niya dahil sa sinabi niya. Kinilabutan ako dun sa huli niyang sinabi. Tirador ng senior high school? Puta di ko kaya 'yon!

"Wag mo ibintang sa 'kin ang gawain mo Jett. I saw you last week, kissing some senior high school student in white and blue uniform." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

Seryoso ako, nakita ko siya na may kahalikan na senior high school student doon sa bistro namin. Pasalamat lang talaga siya at alak ang ipinunta ko doon, kung hindi inupakan ko na siya! Tang ina, senior high and binabanatan niya!

"Pano mo-" pinutol ko na siya. "Sumbong kita kay tita Ann. Gago ka ha! Pedo amputa!"  Lumayo ako sakanya dahil alam kong susuntukin niya ako.

Halos maiyak ako sa kakatawa dahil sa pulang-pula na mukha niya. Isa lang ang ibig sabihin, tama nga ako at totoo ang ibinibintang ko sakanya. Jett gets red whenever something about him is true. Parang sasabog na siya sa sobrang pula.

That's why he can't lie to me.

Moving on starts from acceptance. But acceptance starts with being happy.

**
Vote. Comment. Recommend.
Thanks!

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now