35 - Inseparable

439 20 21
                                    

And now we're down to five...

Are you ready?

Follow me @zedxxxofwp for more random updates! :)

35 - Inseparable

“Hi.” I heard him say, kasabay ng pagpalupot ng mga braso niya sa bewang ko. He’s hugging me from behind habang nakatayo kami dito sa balcony ng Corpuz’s manor - their very huge place here in Maria Luisa, Cebu.

Kahit medyo matagal ang drive from the airport ay sobrang sulit naman pagkarating dito sa manor nila Presbi. Presko ang hangin at sobrang ganda ng view at halos tanaw na tanaw ko ang buong syudad from where I’m standing. The view and the manor itself are both magnificent. Hindi mo aakalain na sa likod ng naglalakihang puno at mataas na mala-bundok na daan ay may nagtatago na malaking manor.

Hindi ko rin mapigilan maintimidate sa laki ng manor nila dito sa Cebu. Ang tanging napuntahan ko lang noon ay ang bahay nila sa Greenhills – na ubod din naman sa laki. Pero kung may mas ilalaki pa doon, ito na siguro yon. Itong bahay—este manor nilang nakatayo sa Cebu.

My gosh!! It’s freaking huge!!

Naisip ko nga na hindi ba masyadong isolated ang lugar na ito at parang mahirap makahingi ng tulong in case of emergency. Inasar ko pa nga si Presbi na baka kahit sumigaw ako dito ay walang sasaklolo sakin.

But according to him 'hahayaan ko ba ‘yun? I got my eyes on you.'

Baliw lang.

“Hey.” I replied, ipinatong ko ang mga kamay ko sa mga brasong nakayakap sakin at nilingon siya.

“Pasensya na ha. Medyo may kakulitan silang lahat.” He shyly said before kissing my nose.

“Ano ka ba. Wala yun. Okay nga eh kasi ang saya saya natin at ang gulo lang natin kanina.” I laughed.

“God.” He said, blusing at agad sinubsob ang kanyang ulo sa gilid ng leeg ko. “Pag naalala ko lang yung mga ginawa nila talaga… Nakakahiya.” He said, now laughing.

**

Pagdating kasi namin kaninang umaga dito sa manor nila ay mistulang fiesta sa dami ng pagkain na ipinapahanda ng step-mom ni Presbi. Nagulat na lang ako nang pagkababa namin sa sasakyan (after matulala sa ganda ng entrance ng bahay nila) ay napakaraming kasambahay na nagaayos ng kung ano ano. May naghahain, may nagseset-up ng table, may naglilinis, may naglalabas ng mga pagkain, may nagpapatong ng mga naglalakihang vase na may mga bulaklak at marami pang iba.

Kulang na nga lang ay ang royal guards pati ang mga sword-thingy nila.

Sa sobrang pagkatulala ko ay hindi ko na napansin na kanina pa pala nakatayo sa harapan namin ang daddy at step-mom ni Presbi. Kung hindi dahil kay Ate Raffy – Presbi’s older sister, na nagtatatakbo papunta sakin ay hindi ko na maiaalis ang pagkamangha ko sa bahay nila.

“Oh my gosh!!! Corr!!” Ate Raffy – Cerafica for long, screamed na parang teenager at nagtatatalon papunta sakin bago ako yakapin ng napaka higpit. “You’re prettier the last time we met! Grabe ang tagal tagal na nating hindi nagkita! My god! Ang ganda ganda mo! Dalagang dalaga ka na talaga!” She exclaimed na para bang long lost sister ko siya habang sinuklay suklay ang mahaba kong buhok.

Well she’s been like that ever since. Magkakilala na din kami talaga simula pa noon, pero naging close lang kami bandang freshman high school nang magkaron ako ng ‘secret crush’ kay Presbi… And not to mention isa siya sa mga gumera kay Moniq nang nagcheat si Presbi noon. Anywaaaaaay~

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon