8 - And I don't know why but he should look like a trash with his messy hair...

713 17 9
                                    

zedxxx: as always lemme know what you think! ;)

8 - And I don’t know why but he should look like a trash with his messy hair… but damn, he looks so hot.

Flashback…

https://www.youtube.com/watch?v=AZHmNcb8Krc

*One more night by Alex Goot & Friends video on the right*

“Oooh… Ooh Ooh…”  We started our soft intro then BAM, Kyle sings verse 1.

“You and I go hard at each other like we're going to war. You and I go rough, we keep throwing things and slamming the door…” And there’s Kyle Elizalde, flirting with the audience.

“You and I get so damn dysfunctional, we stopped keeping score. You and I get sick yeah, and I know that we can't do this no more” I answered, and just like that I’m already lost in the music and loud banging of the beat.

Me and my band Crescendo were asked to perform for today’s Business Management Day. It’s a small school event organized by our organization and course.

Although small event lang ito, big deal pa rin ‘to para sa mga organizers since you know, medyo competitive lang. Haha.

At kahit small event lang ito ay nagprepare kami dito ng sobra sobra. 2 weeks yata kaming dirediretsong nagpractice para sa set namin. Aside kasi na BM din yung course ko, ay nandito rin yung mga naga-assess from Universal. Kinwento kasi ni Kyla na may gig kami dito, kaya sabi nila ay isasama na nila sa assessment ‘tong performance namin sa school para malaman nila yung hatak namin sa iba’t ibang market.

“So I cross my heart and I hope to die, that I'll only stay with you one more night. And I know I said it a million times, But I'll only stay with you one more night!”

Nakangiti sakin sila Kyle at ang iba ko pang makabanda ng magpalakpakan at magcheer yung mga schoolmates ko pagkatapos ng final set namin.

“Thank you! Thank you!” Pagpapasalamat namin pareho ni Kyle sa maraming tao sa school field.

“I LOVE YOU CORR!!!!” Rinig ko na sigaw ng isa kong schoolmate sa dulo ng field.

Ngumiti na lang ako at agad tumingin sa pwesto nila Presbi. Kitang kita ko kung pano kumunot ang noo ni Presbi habang tinatanaw sa kabilang dulo yung sumigaw ng I love you Corr. Habang nasa tabi naman niya yung mga ka-block nya na nagsisipag tawanan, mukhang kinakantyawan na naman siya.

Tss. Seloso kahit kelan.

Nagkatagpo yung tingin namin at agad umaliwalas yung mukha niya, nginitian ko siya ng malaki at kinawayan, kasabay ng malakas na “Yihee!” ng mga kablock niya.

Sumenyas ako ng wait lang para bumaba sa stage. Mineet namin saglit yung mga tiga Universal at si Glenda na head ng assessment na ‘to. Nagbigay sila ng positive feedback at ilang comments sa performance namin. Matapos nito ay agad akong nagpaalam kila Kyle.

“Sige. Una na ko! May class nako in 20 minutes.” Bilin ko. “Saka malayo pa ang Katipunan dito, mattraffic kayo.” Sabi ko at kumaway sa kanilang lahat.

Sa Ateneo kasi nagaaral sila Kyle at Pochi. Habang sila Lem at Francis ay parehong tiga UP.

Kaya ayun, ako lang outcast. HAHAHA. Ako lang tiga Taft.

“Bye!” They chorused.

Nagmadali na akong puntahan si Presbi sa pwesto niya, kasi halos di na kami nakapagbonding dahil sa pagppractice namin for today’s event.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon