26 - Sentimental Presbi is the sweetest

458 16 12
                                    

zedxxx: Sorry na at medyo sabaw itech. T~T dahil isang linggo na akong sabaw at stress, wala akong masulat na matino. lol.

26 – Sentimental Presbi is the sweetest

“Wala ka bang nakalimutan?” Presbi asked nang isa isa niyang inilapag sa living room yung mga gamit ko from the hospital.

“Hmm…” I murmured while looking around my things. “Mukhang wala naman.” I answered.

“Okay…” Wala sa sariling sabi niya habang umiikot ang paningin niya sa loob ng condo namin. “Nakapasok din ako dito.” He said with that stupid smile on his face, na parang bata na first time makarating ng amusement park at hindi mapakali na sumakay sa mga rides.

Oo nga pala. Wala na kami noon ni Presbi nang makalipat kami dito from our previous house in Pasig. Kaya ayan, todo ang amazement niya sa kakatitig dito sa mumunti naming condo.

“Oo nga ‘no?” Sabi ko naman sa kaniya, habang naaliw sa ngiti niya. “Gusto mo ng tour?” I kidded, kasi para talaga siyang bata na may sariling mundo habang patingin tingin sa paligid.

Agad siyang napalingon sa akin at para bang nagulat pa sa umpisa bago kumislap yung mukha niya dahil sa excitement.

“Ay. Joke lang—” Bawi ko, nang makitang naglalakad na siya palapit sakin.

Oops. Mali yata yung nasabi ko.

“Wala, Corr. Wala ng bawian.” He smirked.

**

So I tour him around our humble condo. Maliit lang naman yung flat namin ni Kuya. Sakto lang para saming dalawa. Pagpasok ng pinto, ay naroon na agad ang living room, katabi ng maliit namin na dining table at ng lutuan. Konting lakad lang ay may maliit na corridor patungo sa magkatapat na kwarto namin ni Kuya. Dalawa lang ang CR dito sa condo namin ni Kuya. Isa sa may corridor at isa naman sa kwarto ko.

Syempre, nasa kwarto ko yung isa at dapat naman talaga ay ako yung may sariling CR because according to my evil twin ay ‘pagkaarte arte at pagkaselan selan ko’.

“Isn’t it too small, Corr?” Tanong ni Presbi ng naglalakad kami patungo sa kwarto.

“Pres… Dalawa lang kami ni Kuya dito. This is enough for us.” Paliwanag ko sa nakasimangot na lalaki sa tabi ko.

“No, babe. It’s really small. Parang dalawang kwarto mo lang ‘to noon sa bahay nyo in Pasig… Mas malaki pa nga yung sala ko dito.” Patuloy na pagsasalita niya habang tinitignan yung mga nakasabit na plaque sa dingding.

Of course, Presbi’s flat in The Fort is freaking huge. Kumpara sa condo namin dito ni Kuya ay walang wala ‘to doon. Hello. Dalawa na nga kami dito, pero sakto na ‘to para samin. Yung kay Presbi kasi ay parang pang dalawang pamilya na may tigatlong anak sa laki.

“Pres…”

“You can stay in my place you know.” Sabi niya ng wala sa sarili habang inilalapit ang mukha sa mga awards ko na nakasabit sa dingding. Isa isa yata niyang binabasa at inuusisa. “I’m sure, my dad and step-mom won’t mind. Kilala ka na nila. What do you think?” Casual na casual pa din na salita niya habang nakatuon ang pansin sa mga awards.

WHAT?! Is he asking me to move in? Isn’t it too soon?! And wait. Legal ba yun? Mage-eighteen pa lang ako in few weeks and still a minor—Wait. What the hell am I even thinking? Bakit parang kinoconsider ko pa?

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon