9 - He likes me a lot that he think it's love.

586 16 12
                                    

zedxxx: Alam kong mahal niyo si Presbi at mahal ko rin siya. But swear, you're gonna love Kyle like I do. :)  I wish ma-torn din kayong tulad ko. Actually wala sa plan ko si Kyle. Chuchu lang siya noon sa CVM eh, pero nung nagsusulat ako kanina... eto na. LOL. Anyway, comment, vote and share! Lemme know what you think pretty please :3 Oh. And can you see Kyle on your right? :>

9 - He likes me a lot that he think it's love.

 

Kyle is a really nice guy. Actually, sobra sobra ang kabaitan niya sa katawan. Sa sobrang bait niya feeling ko yung salitang nice or bait ay hindi na enough to describe how good of a person he is.

“Drink this.” He said sabay abot ng isang venti cup sakin. “Caramel Machiatto.” He answered kahit na wala pa naman akong tinatanong.

“Thank you.”

 Pinarada ni Kyle yung Bentley niya sa may tapat ng Starbucks, bandang Mercato. Malapit lang ‘to sa W Building kaya less than 5 minutes pa lang nandito na kami. Medyo madilim pa kaya wala pa masyadong tao sa paligid maliban sa iilang nagj-jog dito.

 Buti na lang.  

“Medyo malayo pa kasi UCC dito. I know you prefer their house blend.” He said with a smile. “Second best is better than being cold, right?” Sabi niya na may double meaning pa.

“Wag ka nga.” I said as I looked away.

Alam niya kasing favorite ko ang kape sa UCC, over any other coffee. Well… I used to love UCC. Dun kami madalas noon ni Presbi. Halos araw araw ata kami nagkakape habang nagbabasa ako ng libro at siya naman ay tititig lang sakin.

Pero simula nung nagbreak kami ni Presbi, never na akong nag UCC. Like never. Kahit makita ko lang yung UCC na signage eh nabbwisit na ako. Panay Presbi lang kasi ang naalala ko don.

“Joke lang. ‘To naman ang init ng ulo.” He said, sabay talukbong nung hood ng hoodie niya sa ulo ko. “Wag masyado mainitin ang ulo, wrinkles yan.”

“Kyle naman eh.” Sabi ko sabay hampas sa kamay niya.

Suot ko na ang hoodie na bigay ni Kyle, sa laki nito ay halos matakpan na ang buo kong dress. Nakaupo lang ako dito sa upuan ng sasakyan nya at nakabitin sa may labas ang mga binti. Nang mawala na yung tama ng alcohol sakin ay dun ko lang naramdaman yung ngawit sa legs ko.

Argh.  I’m not going to party ever again.

Nakatitig lang ako sa kape na hawak ko nang maaninag kong lumapit si Kyle na naka wife beater na lang at pajama.

“So… Are you just gonna stare or tell me what happened—” Naputol ang pagtatanong ni Kyle nang marinig namin ang pagvvibrate ng phone ko.

Kanina pa yan vibrate ng vibrate actually, hindi na matigil tigil. Pero hindi ko ‘to sinasagot, alam ko at alam naman natin lahat kung sino yang walang tigil na tumatawag na yan.

“Kanina pa yan ah? Aren’t you gonna answer it?” Tanong ni Kyle.

“Interviewer lang yan.” Palusot ko.

“Doesn’t look like it.” Sagot niya at nakita ko kung pano kumunot yung noo niya.

Lumapit siya sa pwesto ko at nagulat ako nang halos madikit na yung mukha niya sa mukha ko, akala ko kung ano na gagawin niya pero hinablot lang pala niya yung phone ko.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon