30 - For a second I panicked

359 18 10
                                    

zedxxx: Malapit na yata matapos 'to...

*troll laugh*

Joke lang. Gawa na lang tayo Season 2? Ayos ba? :P

30 – For a second I panicked

“Presbi Corpuz.”

Pagkasabi niya non ay halos magdugo na yung labi ko sa pagkakagat ko.

Damn! What the hell Presbi?! Anong ginagawa mo?!

“Well Well Well… Nice to meet you, Presbi Corpuz.” Maarteng pagkasabi ni Tito Johnny nang tanggapin niya ang kamay ni Presbi.

Nung una nga, kala ko hindi niya na bibitiwan kasi ang higpit at ang lagkit ng pagkakahawak niya. Pero nadaan yata siya sa tingin at binitawan naman niya. Pinasadahan pa niya ng tingin ang buong table at nginitian ako sa huli. “Oh siya pano Corr, mauna na ako. Ayaw ko namang makaistorbo pa sa inyo. Bye!” He said at bumeso ulit sakin. Kumaway na lang siya sa mga kasama ko at kay Presbi, subukan lang niya bumeso kay Presbi ‘no!

Nang tuluyan na siyang makalayo ay umupo na ako kagad – pagkaupong pagkaupo ko ay narinig ko na ang madidiin na pagsesermon ni Kitel. “What the hell was that, Pres?! Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?! Pinapahamak mo ba talaga si Corr?!” Alam kong gusto ng magtatalak ni Kitel sa pwesto namin, pero pilit niyang hinihinaan ang boses niya at para bang pinapakalma pa niya yung sarili niya sa lagay na yun – kahit obvious naman ang pagkainis niya. “Alam na alam mo namang mainit ang mga mata sa inyo ng publiko, but what the hell?! Anong ginawa mo—”

“Kits. Calm down, will you?” Rinig kong bulong ni Sprite habang pinapat ang balikat ni Kitel, para pakalmahin ito.

But no use.

“No. I won’t calm down! Alam ko at alam kong alam na alam niyo na hindi ‘to pwede. You’re being reckless, Presbi. Hindi ‘to pwede—”

“Oo na, Kitel! Oo na! I’m being careless!” May kalakasan na sagot ni Presbi. Bigla niyang iniusad yung upuan niya at kita kong nanginginig na yung mga braso niya.

Damn it. Damn it. What is going on?! Parang kanina lang ay okay na okay kami. What the hell is happening?

“Kitel… Tama na.” Mahinahon kong sabi. Alam kong hindi aatras si Kitel. I know her and she’s tough but I also know Presbi and his temper… Mahirap pagtalunin ‘tong dalawang ‘to.

Alam niyang delikado yung ginawa ni Presbi kahit simpleng bagay lang yun. Hindi rin naman kasi lihim sa lahat na mahirap talaga pagnagka blind item na naman tungkol sa akin or kahit sabihin nating simpleng balita o chismis. Hindi lang ako ang maaapektuhan, kung hindi ang buong Crescendo.

Nakasalalay sakin ang lahat… Actually, saming dalawa ni Kyle.

“No, Corr. Hindi niya naiintindihan—” Kitel added. Sasagot na sana ako nang makita kong tuluyan ng tumayo si Presbi sa upuan niya.

“Oo na, Kitel. Hindi ko na naiintindihan. I’m being reckless and all! Say what you want! Fine!” He snapped at tuluyan ng umalis.

Wala na akong nagawa kundi ang panuorin siya lumabas ng resto.

“Pres…”

**

“Kelan ka pa natutong mag smoke?” I asked nang sumunod ako sa kaniya sa labas.

Sinigurado ko kasi muna na hindi mapapansin ni Tito Johnny ang pagsunod ko kay Presbi. Tyumempo pa ako. Mahirap, pero dapat magingat. Nagintay ako ng chance at baka kasi makita kami ng eagle eyes ni Tito Johnny.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon