2 - Malungkot kasi... Fucking shit si Presbi.

922 17 5
                                    

2 - Malungkot kasi… Fucking shit si Presbi.

A year ago…

“Kuya. Wala na bang ibibilis yung takbo?” I asked Kyle’s driver for the nth time.

Nanlalamig ako sa loob ng sasakyan ni Kyle – yung guitarist ng banda namin, habang pilit na pinapakalma yung sarili ko.

“Darating din tayo dun Corr.” Sabi ni Kyle sabay hawak sa isang kamay ko ng mahigpit. “Will you please calm down? Nanginginig ka na…” He gently said.  

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sakin at sa mata niya. Kita kong medyo pula pa yun at halatang halata pang tipsy siya.

“I can’t Kyle. Natatakot ako.” I honestly said.

Nagkayayaan maginuman after nung gig namin sa The Gallery. Nagkapirmahan na kasi ng kontrata under Universal Records, kasi nagustuhan nila yung mga performances ng banda namin. Medyo matagal tagal din yung assessment nila samin, mga ilang buwan nilang binantayan yung mga gigs namin sa iba’t ibang bar. Kaya ayun, nagkatuwaan kasi sobrang tagal naming hinintay ‘to.

Medyo napadami pa yung inom ko dahil sa saya at lungkot. Saya kasi eto na. After so many months of waiting in vain, eh eto na talaga. May kontrata na, wala nang bawian.

Malungkot kasi… Fucking shit si Presbi.

“Hindi na dapat ako uminom. Umuwi na lang dapat ako right after nung gig. Kung di sana ay hindi ganito.” I continued.

“Sshh… Don’t blame yourself. Wala kang kasalanan, hindi naman natin ‘to ineexpect mangyari.” Kyle tried to comfort me, but hindi ko mapigilang magsisi.

Shit. Talaga. Shit.

Sana okay na si Daddy.

Nasa CR ako nun when I decided to check my phone, kanina pa kasi hindi tumutunog at ang weird. Knowing Kuya, dapat eh minuminuto niya akong tinatawagan—

Halos mawala yung pagkasabaw ng utak ko dahil sa mga nainom ko at sobrang nagulat nang nakita ko yung 47 missed calls, 23 text messages sa screen ng phone ko. Shit. Patay. Bulong ko nang makitang galing halos lahat kay Kuya. Agad ko siyang tinawagan, nasa unang ring pa lang eh na sagot na niya.

“Lyz!” He called, I immediately sensed his panic. May nangyari. Yun agad ang pumasok sa isip ko.

“Kuya, sorry. Nakasilent pala ‘tong phone ko—”

“Nasan ka ba? Bakit di ka sumasagot? Kanina pa ako tawag ng tawag!-“ He continue panicking, kaya hindi ko na mapigilang magpanic. Please Lord. Don’t let anything— “Pumunta ka na dito sa The Fort. St Lukes. Si Dad…”

Halos mabingi ako at huminto yung mundo ko nang narinig ko yung salitang Dad at St. Lukes.

Dad… St. Lukes… Dad… St Lukes…

Yun lang yung paulit ulit na nagrereplay sa utak ko kasama ng panic na boses ni Kuya.

No…

 

“It’s going to be okay Corr…” Kyle repeatedly said as he try to calm me down by caressing my back. “Sshh… Tahan na Corr. Malapit na tayo.”

Ni hindi ko nga maalala kung pano ako napunta sa sasakyan ni Kyle, basta paglabas ko ng banyo pinuntahan ko agad si Kyle. St. Lukes. Yun lang yung sinabi ko at hinatak na niya ako palabas ng bar.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon