5 - I'm not gonna break like what you're thinking.

783 12 5
                                    

5 – I’m not gonna break like what you’re thinking.

“Are you okay Lyz?” Kuya asked, while we’re inside his car. Sobrang obvious yung concern sa tono ng boses niya na para bang konting tapik lang sakin eh madudurog ako.

Nasa hi-way na kami pabalik ng condo namin, at wala kaming imikan simula pagsakay sa kotse.

Kinalma at inayos ko muna yung sarili ko bago ko siya balikan kanina, para wala nang tanong tanong. Pero mukhang obvious parin kasi sobrang pula ng mata at ng ilong ko, kahit ilang beses ko pang pinahidan ng powder.

Buti na lang at wala naman siyang sinabi pagkakita sakin.

Nakatulala lang ako sa may bintana, habang tahimik naman sya na nagddrive.

“Yes, Kuya.” I answered softly nang di siya nililingon.

“Are you sure—”

“Yes, Kuya.” Sagot ko nang di pa siya pinapatapos. “Don’t worry, I’m okay. I’m not gonna break like what you’re thinking.” Dagdag ko habang nakatulala pa rin sa daan.

I heard him sigh before saying, “I’m your brother Lyz, your twin even. You don’t have to act strong in front of me…” Mahina nyang sabi, na may halong pagtatampo pa.

“Kuya… Just… Let’s not talk about it please. I’m tired.”

I’m thankful kasi hindi na siya nagsalita pa ‘non. Medyo natraffic kami papasok ng C-5 kaya nagcheck na lang muna ako ng phone ko, na kanina pa naka silent.

157 messages, 37 missed calls.

Kung noon ay nagpapanic ako pag ganito karami yung nakikita kong missed calls at messages, ngayon hindi na masyado.

Konti na lang.

Nandun pa din kasi yung trauma.

Kasabay kasi ng pagsikat ng Crescendo, ay kasabay din ang kaliwa’t kanang pagtawag ng kung sino sino sa number ko. Tawag dito, text dito ganun. Gustuhin ko mang magpalit ng number, eh ayoko nang ma-hassle sa paghagilap pa ng mga contacts ko.

Kahit makukulit ‘tong mga PR rep na ito, ay importante parin sila sa trabaho namin.

Chineck ko muna yung mga missed calls. Nakita kong galing yung iba kay Kitel, yung iba naman kay Kyle, habang halos karamihan ay kay Glenda.

Tatawagan ko na sana siya nang nagring ulit yung phone ko.

Glenda.

Si Glenda ang na-assign samin na manager ng Universal. Isa siya sa unang manager na humawak sa mga sikat ngayon na singers at banda. Bago silanagpalipat sa iba pagkatapos ng kontrata nila.

Okay naman sa okay si Glenda. Magaling siyang manager, obvious naman dahil panay ang gigs namin north to south. Ang ayaw ko lang sa kanya ay masyado siyang…

“Yes, Glenda?” I answered with my Crescendo’s Corr voice. In short, yung stoic.

“Corr!” She exclaimed, kaya napalayo ako sa phone ko. “…Ano ‘tong nakikita ko sa Fashion Pulis na kung anong eksena sa Coffee Bean?!”

Masyado siyang exaggerated at pakielamera.

“It’s just nothing. Masyado lang nilang pinapalaki yung nangyari—”

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon