27 - Louise

291 16 5
                                    

zedxxx: If you haven't read MMH then masstress kayo sa update na ito...

27 - Louise

“Well… This is soooo awkward.” Mahinang sabi ni Kitel habang pabalik balik ang tingin niya saming tatlo nila Kuya at Presbi na may nakakalokong ngiti.

Nandito kami ngayon at nakupo sa maliit na dining room ng condo namin.

Para kaming mag boyfriend ni Presbi na nahuling may ginagawang milagro ng Daddy ko – a.k.a Si Kuya. Dagdag pa na kasama pa niyang nakakita samin sila Kitel at Sprite na parang laging nakabuntot lang sa kaniya.

Buti nga’t tahimik lang si Sprite at ngumiti lang sakin, kasi etong si Kitel eh konti na lang at matatadyakan ko na. Mas lalo niya kasing pinapa-awkward ang sitwasyon.

“Steve~ Wag ka na kasi mainis~~” Mapanginis na tono ng boses niya habang tinutusok tusok ang braso ng kakambal kong kanina pa masama ang tingin saming dalawa ni Presbi. “Big girl na yang si Corr and besides maingat naman si Presbi, alam na niya yun.” She continued teasing na ikinali ng mga mata ni Kuya.

“KRISTELLE!!” Sita ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin, pero bigla akong napaupo ng maayos ng nagsalita si Kuya.

“What the hell is this, Lyz?” Mababa pero madiin na boses ni Kuya ang nagpatigil sakin. Yung tipong, alam kong deds na deds ako sa kaniya mamaya.

“I told you. Hinatid lang ako ni Presbi—”

“And what the hell is he doing inside your room?” Pagputol agad sakin ni Kuya.

“I’m just touring him around—” Pero hindi niya pa din ako pinapatapos.

“Bakit? Ano ba ‘tong condo natin? Tourist spot?” Sarcastic na sagot naman niya sabay lipat ng tingin kay Presbi na kanina pa tahimik sa tabi ko. “At ikaw, I told you a hundred times to stay away from my sister.”

“Yes, I know.” Tamad na tamad na sagot ni Presbi. “And I told you a thousand times that I won’t.” Agad ko naman siyang siniko nang sagutin niya ng ganun si Kuya.

God. What is he thinking? He can’t be like that to Kuya! Lalo na’t mainit ang ulo ni Kuya ngayon.

“Wag mo nga akong sikuhin, Corr.” Balewalang sabi ni Presbi kaya mas lalo ko siyang tinignan ng masama.

He’s being his ass-self right now! My gosh! Ano ba Presbitero! This isn’t the right time for that!

“This is stupid. No offense, pare.” Sabi niya ng nakatingin kay Kuya. Pero parang mas lalo pang nainis si Kuya ng sabihin niya yun.

“But I already explained my side. Magiisang taon na tayong ganito at Ilang beses na akong nag reach out sayo at nagpaliwanag. I don’t think I have to repeat myself over and over again. Nagpaliwanag na ako sayo at okay na kami ni Corr. Oo kapatid ka niya, kakambal… Pero Steve naman, pinaliwanag ko na di ba? Ano pa bang gusto mong marinig sakin? Na lalayuan ko siya? Sinubukan ko naman di ba? Pero ba’t ako lalayo? I only did those things for her. Para sakin ba yung ginawa ko? Hindi, Steve. Para yun sa kapatid mo.” Mahabang paliwanag niya bago siya huminga ng malalim.

Medyo naguluhan ako at nawala sa mga sinabi niya. Pinaliwanag? Ang alin? Para sakin? Ang alin?

“Oo. Sabihin na nating may mga pagkukulang ako and I’ll be forever sorry for that… nahirapan at nasaktan kami pareho, nabugbog mo na ako at lahat. Pinatawad na ako ng kapatid mo, tapos ikaw ang sama pa din ng loob mo? Pare, hindi k aba nagsasawa? hindi ko na alam kung saan ako lulugar sa logic na yan.”

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon