4 - Imperfect

701 16 3
                                    

zedxxx: Nasa momentum ako. lol. 2nd update for today! :) Let me know what you think. ;)

4 – Imperfect

Note: This is a flashback

Presbi is right. Our relationship before wasn’t perfect, aminado din naman ako dun. Kahit isipin natin na para samin ay perfect iyon at perfect ito sa mata ng maraming tao. Aminado akong hindi naman talaga.

Tulad ng normal na couples, ang dami ring misunderstanding sa relasyon namin ni Presbi noon. Dagdagan mo pa ng pagka immature at saksakan ng pride namin pareho.

“Do you really have to do this?!” Ayan, tumataas na naman yung boses niya.

Hindi naman niya kailangan magtaas ng boses at nasa loob lang kami ng sasakyan nya!

“Presbi… Napagusapan na natin ‘to. Paulit ulit na naman tayo.” I sighed.

Ayoko na ng away. I’m so exhausted at gusto ko na lang matulog. Sobrang dami kong hinahabol sa school ngayon at sumasabay pa sa puyatan yung mga assessment gigs namin for Universal Records.

“Nakita mo na ba itsura mo sa salamin Corr? You’re so tired and sleepy! Natutulog ka pa ba?!” My god! Ayaw pa din niyang tumigil sa kakasigaw!

“Pres… Can you calm down? You don’t have to shout. Naririnig kita ng maayos—”

Calm down?! Are you seriously asking me to calm down?!” Ayan. Sige Corr. Push mo pa. Inisin mo pa lalo. Hindi ka pa nadala. Kilala mo naman yan. “I told you so many times na tigilan mo na ‘to. You don’t have to do this band thing. Hindi na ‘to healthy para sayo pati na rin sa studies mo.” He started lecturing me again. “Tignan mo yung sarili mo. Puyat na puyat ka na sa kaka-gig nyo and now you’re telling me na meron na naman mamaya? Ano ba ‘tong assessment na ‘to? Patayan?! Iintayin nilang mamatay kayo sa pagod at puyat bago kayo kunin?!...”

Tuloy tuloy pa din siya sa paglelecture niya sakin at rinding rindi na yung ulo ko sa kanya.

I get that he’s just concerned, pero pwede bang konting consideration na din at alam naman niyang pagod ako? Hindi ba niya ako makakausap ng maayos?

“Do you want me to tell tita and tito about this?! Ayaw na din ‘to ni Steve but alam niyang gusto mo ‘to. But seriously, dapat matagal ko nang sinabi!--”

“CAN YOU PLEASE STOP SHOUTING?!” I screamed kasi iritang irita na ako. “Kung eto lang ang paguusapan natin ay aalis na ko. I’m not in the mood to fight, Presbi.” I said as I opened the door at lumabas agad.

“Corr! I’m still talking to—” Pero hindi ko na siya pinatapos at binagsakan ko na siya ng pinto.

ARGH!!! KAINIS!

--

“Hey…” Rinig ko, pero hindi ko pa rin dinilat yung mga mata ko.

Badtrip! Sino ba ‘to!

“Stop. I’m sleeping.” I murmured.

“I know… But you can’t sleep here Corr.” Sagot nung pilit na gumigising sakin.

I’m trying my best to sleep at pumwesto sa pinaka kumportableng paraan pero ayaw tumigil kakatapik nung gumigising sakin.

“Argh! Ano ba!—” I glared, na agad naputol nang tinakpan nya yung bibig ko.

“Ssshh.” Bulong ni Nathan sabay turo dun sa nakasilip na librarian sa dulo ng shelves. Itinaas niya yung libro na hawak niya para bang ipakita na may binabasa kami at walang ginagawang kalokohan.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon