7 - Maliban sa iniisip kong tunog bading na siya eh para na siyang timang.

678 18 6
                                    

7 – Maliban sa iniisip kong tunog bading na siya eh para na siyang timang.

Flashback…

“What do you want for your eighteenth birthday, babe?” He asked habang hinahawi niya yung buhok ko.

“Hindi ba masyado kang excited dyan, Pres?” Pangiinis ko sa kanya sabay pinch sa ilong niya.

Nandito kami ngayon sa University Field. Nakaupo siya sa grass habang yung ulo ko naman ay nasa lap niya.

“Huh? Few months na lang kaya dapat nagpplan na tayo. Do you want a debut? A party? Grande or intimate? C’mon, tell me.” He said na sobrang halata ang pagkaexcite.

Sino ba ang magbbirthday? Ako ba or ikaw?

“Masyado ka namang excited niyan, Pres.” I teased.

“I just want the best for you.” He said sabay hawak sa pisngi ko. “C’mon Corr. Ano nga? Dapat ko na bang i-contact yung coordinator na kilala ko? May naisip ka na bang theme or something? Design ng gown or preferred na color?”

“Wait. Wait. Wait.” Sabi ko sabay bangon sa pagkakahiga ko.

Agad nagfastforward yung utak ko pagkarinig sa mga pinagsasabi niya. Maliban sa iniisip kong tunog bading na yung pagtatanong niya ng kulay, design ng gown at ano pa. Eh para na siyang timang.

“You’re not going to spend a single cent on my birthday, okay?” Sabi ko sabay taas ng isang kilay. Agad nagbago yung timpla ng mukha niya at sinimangutan ako. “No buts!” I said sabay taas ng aking hintuturo.

“But babe…” Lambing niya sabay yakap sa bewang ko. Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko at naramdaman ko siyang huminga nang malalim at nagsabing “Gusto ko lang na may contribution ako sa birthday mo. Something special for your eighteenth birthday. Syempre, importante yun ‘no, you're my girlfriend. It’s your eighteenth birthday. Isang beses lang yun and besides, wala naman yun sakin—”

“Stop being a brat, Presbi. I know your filthy rich and—”

“Im not rich.” Agad niyang sinabi at nginisihan ako.

“Fine. I know your family is filthy rich. But I don’t need your money okay?”

“’To naman kung magsalita parang kung ano yung ginawa ko.” Pagtatampo niya.

“Oi ha! Wag mo kong dinadaan sa pagbbaby mo at pagddrama!” Sabi ko sabay tawa. “Kilala na kita Presbi. Don’t go banker on me. Alam kong marami kayong pera at hindi nyo na alam kung san ‘to gagamitin. But not my birthday okay? Sobra na yun. At isa pa! Sobrang dami mo na kayang binigay sakin—“

“Anong binigay? Ni-wala pa ngang—”

“Presbi… Punong puno na ng Balenciaga, Mulberry, LV at Chanel yung kwarto ko. Isama mo pa yung mga Tiffany na binigay mo. Alin ang wala don?” Sabi ko’t pinandilataan ko siya. “Sobra sobra na yun. At quota ka na para pa sa mga susunod na dekadang birthday ko.” I smirked.

“Alam mo. Ang cute mo.” Sabi niya sabay kurot sa ilong ko.

“I know.” :P

--

“I really hate going to Cebu.” Sabi niya sakin habang nasa UCC kami. Nakatitig lang siya sa house blend niya habang hinahalo halo ‘to ng wala sa sarili.

“Ang OA mo. 2 days lang naman at para bang hindi ka na sanay.” Sabi ko sabay lipat ng page sa libro na binabasa ko.

Eto ang gusto ko kay Presbi. Yung tipong kahit hindi naman kami sobrang touchy sa isa’t isa, basta magkasama kami, kahit di kami naguusap ay okay na.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon