29 - Presbi Corpuz

347 17 4
                                    

zedxxx: Magppromote lang. May new story po ako (Na naman?! I know teh!) Hahaha. "Made in China" Story ni Sprite and Kitel :D Sana visit niyo din hihi. Thanks <3

29 – Presbi Corpuz

Step-sister…

Step-sister…

-___-

O____o

O____O

Nakakahiya!

Sobrang nakakahiya!

Maalala ko lang yung mga iniisip ko kanina, gusto ko ng lamunin ako ng lupa sa hiya.

Gosh! Ano ka ba naman kasi, Corr! Kung ano ano pinagiisip mo! My god!

Dagdagan niyo pa ang mga pigil na ngiti ni Presbi kanina habang ine-explain niya samin… or most likely sakin kung pano nangyari ang lahat.

Bwisit! Bwisit!

Gusto ko siyang sakalin at sabunutan pero hindi ko magawa! Alam niyo yun? Gusto niyong isisi sa iba yung kapalpakan niyo para hindi ka mahiya but damn, wala naman syang masamang ginawa!

Kainis!

Kinwento niya samin sa kotse kung pano nangyari na meron siyang ibang kapatid. According to him, si Tita Lea – yung second wife ng Dad ni Presbi at step-mom niya ngayon ay meron naging anak sa ex-boyfriend nito noon – Si Louise or Joey kasi yun yung gusto niyang itawag namin sa kaniya.

Lately lang daw siya nahanap ni Tita Lea kaya ngayon lang siya lumitaw na parang kabute – which explains kung bakit hindi ko talaga siya kilala.

“So… Step-sister ko siya, Corr. Kapatid ko siya sa labas…” Presbi repeated for the third… or maybe fourth time.

“Kailangan paulit ulit?” Sabat naman ni Joey sa likod. YES! Sa likod na siya umupo. At nanatili akong nasa front seat. Kaya ayun siksikan sila nila Sprite, Kitel at Kuya don.

“Wag ka ngang epal, Louise. Kulit mo—”

“Eh ikaw kaya makulit. Ilang beses mo ng sinabing step-sister mo ko at anak ako sa labas. Ipagdiinan ba? Kailangan ipangalandakan?” She sarcastically remarked. “At isa pa. Joey nga! Joey! Louise ka ng Louise dyan! Kainis.” She hissed at napaharap siya kila Kuya. “Teka. Ganyan lang talaga kayo? Walang imikan? Galit galit? Hindi ba kayo friends?” Sabi pa niya habang tinuturo kami ni Presbi.

Hindi tuloy mapigilan ni Kuya yung tawa niya, kasi siya yung katabi ni Joey. Napansin din niya siguro yung walang tigil na daldal ni Joey.

“Oo na. Gets ko na. Wala ka ng babae.” Tawa ni Kuya habang nakatingin kay Presbi. “Okay. I give up! Sige na. Okay na.”

Dahil don napatili na agad si Kitel at wala ng tigil sa kakapalakpak. “Finally! Finally!” Tuwang tuwa na sabi niya.

Si Sprite naman ay pinapat yung shoulder ni Kuya habang si Presbi ay napa fist pump pa at bumulong ng ‘yes’.

“Huh? Ano meron?” Wala sa sariling tanong ni Joey.

**

“Damn! Kung napaaga sana ang pagbabati niyo eh nakapag Zoukout pa sana tayo!” Hinayang na hinayang na sabi ni Kitel habang umiinom sa shake niya. “Kainis. Kakainggit tuloy!”

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon