25 - My vulnerable Presbi...

352 15 8
                                    

25 – My vulnerable Presbi…

“Can you stop texting?” I heard Presbi say. Iritable na ang tono ng boses niya, na para bang asar na asar siya sakin.

“Huh?” Tanong ko ng wala sa lugar, nakatuon ang atensyon ko sa cellphone – tulala sa text ni Kyle.

“Sino bang ka-text mo? Si Kyle ba?” He asked accusingly, na para bang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya.

“Huh? Hindi ah!” I defensively said, medyo tumaas pa boses ko dahil sa gulat ng dali dali siyang nagswerve pa-kaliwa sa Forbes.

Sa di malamang dahilan, napapindot ako kagad sa lock button ng phone ko at dali daling ibinaba yun.

What the hell, Corr? What is wrong with me.

“Nag—nagbabasa lang ako ng mga missed texts—” Paliwanag ko na medyo nauutal utal pa, na agad naman niyang pinutol.

“Oh really?” He sarcastically asked, sabay iling na para bang alam niyang nagsisinungaling ako.

“Presbi, are you for real?” Medyo sarcastic ko na sabi dahil naiinis na din ako sa mga tingin at salita niyang ‘to.

Seryoso ba siya? Are we really gonna fight now?

“Yes.” Sagot niya at pinandilatan pa ako. Jerk! “Hindi ba pwedeng tantanan mo muna ang pagte-text mo? And give me your full attention?!!”

Ayan! Ayan na naman siya sa pagtaas ng boses niya!

Ba’t ba ang hilig niya manigaw in close space?

“Eleven months, Corr! Eleven months! He had you for almost a fucking year. Tama na! Ako naman!” Sigaw niya habang humihinga ng mabilis. Kita ko kung pano dumiin yung pagkakahawak niya sa steering wheel na para bang mababali na niya ‘to.

Nanlaki ng sobra ang mata ko sa mga sinabi niya. I felt like someone punched me in the face when I heard that.

Bakit ganito? Bakit ganito siya maka-react?!

Actually, hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kaniya or mat-touch muna.

Maiinis kasi eto na naman siya sa init ng ulo niya at pagsisigaw niya.

Or mata-touch at kikiligin kasi… Gosh. He’s counting? Nabilang niya kung gano kami katagal nagbreak?

Matalim padin ang tingin niya sakin ng buksan ko yung bibig ko para magsalita. “I’m not having this fight right now, Presbi.” I muttered with a blank face. Hasang hasa na ako dito. To give my reaction without even flinching, kahit na naiinis ako, kahit na nabbwisit ako. I mustered it already.

We’ve come this far… and this fight is too petty para pagawayan pa. It’s not worth it.

Kakaayos lang namin, tapos magaaway lang kami just because of texting?

My God. Ano kami, high school?

**

Tahimik ang naging byahe namin. Nakarating na kami sa Tuscany at lahat ay hindi parin kami nagiimikan. I know him. Hindi siya magso-sorry agad. Hindi siya ang unang susuyo.

Presbi and his damn pride!

“You can just drop me at the lobby.” I coldly said, sabay tanggal ng seatbelt ko – preparing myself to leave.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon