22 - CAPITAL F. FINALLY.

457 16 12
                                    

Zedxxx: The title says it all ;) 

As always, vote, comment and lemme know what you think <3

22 - CAPITAL F. FINALLY.

Flashback…

“Mimi! Mimi!” I shouted as I call the obviously grown woman who’s running like a kid. “Tama na takbo, Mimi!” I added, trying my best to catch my breath.

Pero wala at nagtatakbo parin siya paikot ikot dito sa garden ng hospital dala dala yung pagkadungis dungis na manika niya.

Hindi ko inakala na darating ang panahon na mararanasan ko ‘to. Na patakbo takbo na parang tanga habang habol habol ang mommy ng babaeng mahal ko.

“Mimi! Kakain na! Tama na laro!” Patuloy na saway ko sabay takbo ng pagkabilis bilis para pahintuin na siya.

“Ay naku si Mimi. Ang kulit.” Saway ko sa kaniya ng hawakan ko siya sa wrist.

“Daya naman eh!” Sagot ni Tita, batang bata talaga magisip at kumilos.

Halos magiisang buwan na rin akong dumadalaw dito at ayun awa ng Diyos eh after almost a month ay hindi na nagwawala si Tita tuwing bumibisita ako. Patience lang talaga ng kailangan. Halos inaraw araw ko ‘tong ospital na ‘to, para lang mapalagay ang loob sakin ng mommy ni Corr.

Yun kasi ang sabi ni Tita Cecile – yung doktora dito at mommy ni Migs. Basta masanay lang daw sakin yung patient, na nakikita niya ako palagi at nakikipagusap ako sa kaniya ng madalas.

At halos isang buwan din bago ako nasanay na tawaging Mimi ang Mommy ni Corr. Mimi kasi, yun daw yung tawag sa kaniya nung lalaking madalas pumunta dito – si Steve. Ang di niya naintindihan ay Mommy yun hindi Mimi.

Nung una talaga hindi ako sanay at palagi ko syang natatawa na Tita or di naman Mrs. Benitez – na mas lalong ipinagwawala at itinatantrum niya. She used to scream like mad everytime nadudulas ako sa pagtawag sa kanya ng Mrs. Benitez. “Sinong Mrs. Benitez! Sino bang Mrs. Benitez!” Yun ang sinisigaw niya every time madulas ako sa pangalan niya. I’m not really sure about the reason why, pero ang sabi ni Tita Cecile, dahil nga daw siguro sa pagkamatay ng daddy ni Corr ay parang naging taboo word na ang “Benitez” para kay Tita. Most likely daw ay baka nagkakaron siya ng flashbacks or something about sa mga nangyaring masasakit sa kaniya noon.

“Mamaya maglalaro tayo ulit, Mimi. Pinky promise!” Sabi ko sa kaniya sabay taas ng pinky finger ko.

Agad naman niya yun tinanggap at ngumiti ng malaki, sabay takbo patungo dun sa nurse na nagaabang sa kaniya, hawak hawak yung pagkain na pinahanda ko.

Natawa na lang ako… In moments like this, naalala ko ang childhood namin ni Corr. Corr na Corr lang talaga si Tita kung umasta ngayon. Kung pano ko naalala si Corr noong mga bata pa kami, ay ganun na ganun si Tita ngayon.

Pareho silang matakaw, makulit at takbo ng takbo kahit na panay naman ang dapa.

And they both believe in pinky promises… 

“Mimi. Naalala mo ba yung pinky promise mo kay Presbi?” I asked playfully – na parang nakikipaglaro lang sa bata.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga bench ng garden ng hospital at sa wakas! After almost an hour of playing with her ay kumain na din siya. Ang tagal niya naglaro at ayaw pa paawat, ayan tuloy at magt-two na ng hapon ay kakain pa lang siya ng lunch niya.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon