19 - Sht! I'm so dead! He called me Pocholo! Shettt!

448 12 4
                                    

Zedxxx: I'm so sorryyyyy super late update :( Grabe work is crazy T~T /deads

Medyo mahaba na yung draft kaya hinati ko :P Lol. Still fixing it at medyo sabog pa. Pero gusto ko na magupdate :( So here it goes!

19 – Shit! I'm so dead! He called me Pocholo! Shettt!

“For the last song, here’s my favorite song as of the moment. 5 Seconds of Summer’s Amnesia. Enjoy and thank you for watching MTV Pinoy! This is your Celebrity VJ of the month, Corr of Cresscendo. See you next week!” I ended with the salute.

“AND CUT!” The director called, kasunod ng pagpalakpak ng mga staff sa set. “Good job, Corr! Good job!” He added, sabay lapit sakin at beso. “Our ratings these past two weeks are really outstanding! All thanks to you!” Patuloy na papuri niya, kasabay ng pagabot sakin ni Kat ng tissue.

“Thanks Kat.” I said, facing my PA slash Makeup artist. “Of course, hindi ko naman po ito magagawa on my own, direk.” I humbly said, kasabay ng pagpunas ko sa ilong ko. “Really… Thank you for this opportunity and your support.” I added and smile – Well, I tried… Sobrang sama lang talaga ng pakiramdam ko.

“Ano ka ba, don’t mention it! At isa pa, matagal na kitang gustong kunin for the Celebrity VJ portion.“ Sabi niya, sabay lapit para bumulong. “Pero, ewan ko ba dyan kay Glenda at nagpapaka maldita siya sakin.” Nguso niya sa manager ko at ng Crescendo na may kausap sa phone sa gilid ng studio. Ngumiti na lang ako sa kaniya habang panay naman ang tawa niya. “Oh siya, sige na. Umuwi ka na’t magpahinga, alam kong nung isang araw pa masama pakiramdam mo. Rest well and water therapy, para next week hindi na puro foundation yung ilong mo sa sobrang pula.” Biro niya, sabay beso sakin at nagpaalam na kami sa isa’t isa.

Hay, sana nga at last schedule ko na ‘to. Pero hindi, meron pang isa.

Nagpasalamat at nagpaalam na ako isa isa sa mga staff na nasa loob ng studio at saka pumunta sa pwesto ni Glenda.

“Ready?” Glenda asked pagkababa niya sa phone.

“Yes. Let’s go.” Sabi ko sabay sunod sa kaniya palabas ng studio.

Tahimik lang ang naging byahe papunta sa studio ng MYX, maliban kay Glena na panay pa rin ang usap sa telepono niyang hindi tumigil sa kaka-ring. Si Glenda, Kat at ang driver lang ng Universal ang nasa van.  Nauna na ang ibang kabanda ko sa studio kasi yun lang naman ang schedule nila ngayon.

Kung ngarag na last week, mas ngarag this week. Puro music channels at TV guestings kasi ang schedule ko ngayon kaya mas stressful. Last week kasi puro interviews lang sa TV, sa radio, sa newspaper and magazines. Kaya uupo lang ako, ngingiti ngiti at sasagot sa mga tanong nila na paulit ulit. At kumpara last week na kasama ko palagi yung mga kabanda ko, ngayon ako lang magisa. Kung baga free day nila Pochi ngayon, habang ako kumakayod na parang manok.

My god. Sobrang stress.

 “Kaya pa ba teh?” Tanong ni Kat sakin, habang inaalalayan niya ako bumaba ng van.

“Yeah.” I answered, or I thought. Parang wala na kasing lumabas na boses galing sakin.

“Baka naman pwede nating irequest kay Madam na re-sched na ito—” Kat added, na may halong pagaalala na habang inabot niya sakin yung pangatlong kahon ng tissue na nagamit ko sa araw na ‘to.

“Kaya pa. Kaya ko ‘to. Let’s go.” Sabi ko ng mahina habang naglalakad papasok ng studio.

Pero sa totoo lang, hindi na talaga.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon