Chapter Twenty Eight: Being a Mondragon's Woman

84.3K 2K 110
                                    

Chapter Twenty Eight: Being a Mondragon's Woman

Eila

HALOS wala akong tulak-kabigin sa ganda ng isla nila Trojan na sinunod na ang pangalan sa epelyido nila.

Isa pala ito sa mga isla sa Palawan na nabili ng kanunu-nunuan nila at ginawang tirahan at teritoryo ng angkan nila.

Ilang minuto din ang nilakad namin mula sa pampang hanggang sa makarating kami sa matayog na mansyon na una kong nasilayan no'ng nasa himapapawid pa lamang kami.

At gaya ng inaasahan, triple nga ang laki ng mansyon ng mga Mondragon kahit sa labas pa lang at walang masabi ang laki ng bahay ni Trojan sa Quezon. Magmumukha lamang iyong kubo kung ididikit mo sa bahay na nakatayo sa harapan ko ngayon.

"Sigurado ka bang nasa Pilipinas pa rin ako?" hindi ko napigilang itanong ang bagay na ito sa kanya habang naglulula pa rin ang paningin ko sa lawak at laki ng mansyon.

"Of course," walang emosyon na sabi niya. "Why? You don't like it?"

"Don't like it?" ulit ko sa sinabi niya sabay humarap sa direksyon niya. "Trojan, ang tumira sa ganitong kalaking bahay ay isa sa mga pangarap ko no'ng bata pa ako!"

Hindi ko na napigilan ang maipakita ang tuwa ko sa mukha at paghanga ko sa malaking mansyon.

Hindi ako anak mayaman. Ang kinikita ng mga magulang ko noong nabubuhay pa lamang sila ay sapat lamang para makakain kami ng tatlong beses sa isang araw at makapag-enroll ako hanggang high school. College ako nang mamatay sila dahil sa isang aksidente kaya sa murang edad ko, natuto na akong mabuhay ng mag-isa at s'yempre sa tulong na rin ng matalik kong kaibigan na si Ethan.

Bigla akong natigilan sa kinatatayuan ko nang muli na namang pumasok sa isipan ko ang pangalan ni Ethan.

Kung nandito ako ngayon sa isla ng mga Mondragon, may posibilidad din kaya na nandito rin si Ethan ngayon?

May posibilidad ba na magkita kami ngayon? Dito sa mansyon at isla na ito kasama si Trojan?

"Let's go."

Nagulat ako nang bigla na lang kunin ni Trojan ang kamay ko saka niya pinagdaop ang mga palad namin bago niya ako hinila papasok sa loob ng mansyon.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga kamay namin na magkahawak.

Tila ba libo-libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa ugat ko ngayon mula sa init ng palad ni Trojan at may pakiramdam ako na ang init nga nanggagaling sa kamay niya ay nalilipat na rin ngayon sa mukha ko.

"No matter what happens, don't leave my side, Eila."

Napaangat ako ng tingin sa likuran niya sabay napakunot ng noo. "Huh?"

"I said never leave my side," sagot niya matapos niya akong lingunin. "There are so many monster inside this house."

Huh? Halimaw? Anong pinagsasabi niya? sa isip ko.

Bago ko pa man maibuka ang bibig ko para magtanong ay sinalubong na kami ng mayordoma ng mansyon saka kami inakay papunta sa may dinning hall kung saan naroon na raw ang iba pang bisita at kanina pa naghihintay sa amin.

"Teka! Wala kang sinabi na may okasyon pala sa mansyon na 'to, Trojan!"

"I didn't say that?"

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon