Chapter Ten: Trojan's Anger

113K 2.8K 165
                                    

Chapter Ten: Trojan's Anger

Eila

Nagising ako mula sa malalim kong pananaginip ng mga magagandang bagay nang makarinig ako ng isang malakas na katok sa pintuan ng apartment ko na para bang gustong sirain ng kung sino mang nasa labas ang pintuan ko.

Inaantok at humihikab pa akong bumangon sa kama ko saka ako naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ang bisita ko sa umagang ito.

"Hoy Eila!"

Biglang nagising ang diwa ko nang salubungin ako ng boses at pagmumukha ng land lady ng apartment ko.

"Mabuti naman at nagising ka na! Kanina pa ako katok ng katok dito ah? Ano bang gusto mo huh? Away?"

Hindi na ako nakapalag nang bigla na lang ako hawiin ng land lady ko saka siya dere-derechong pumasok sa loob ng apartment ko at walang ano-ano'y ginulo ang mga gamit ko sa loob.

"Ano pong ginagawa niyo?" Gulat na sabi ko sabay mabilis na sumunod sa matandang babae nang bigla na lang niya pasukin ang kwarto ko.

"Lumayas ka na sa pamamahay ko! Punyeta ka!" Malakas na sigaw ng matandang babae nang bigla siyang humarap sa akin.

Mabilis siyang naglakad papunta doon sa tokador ko at walang pakundangang binuksan iyon at pinagtatapon sa sahig ang mga damit ko.

"Manang!" Hindi makapaniwalang tawag ko sa pangalan niya para sana pigilan siya sa mga binabalak niya habang pinupulot ko ang mga damit kong nagkalat sa sahig.

Papatayo na sana ako nang bigla na lang akong napako sa kinaluluhuran ko nang bigla na lang akong batuhin ng malaking bag ko nang matandang land lady.

"Ayan! Ayan na ang bag mo! Lumayas ka na sa pamamahay ko!" Malakas na sigaw niya habang ako ay tulala pa ring nakatitig sa sahig at sa bag na tumama sa ulo ko.

"Ang yaman-yaman ng boyfriend mong mukhang kano pero ni hindi mo man lang magawang makapagbayad ng kahit isang buwan mong utang sa renta? Huh! Ang kapal din naman ng mukha mong magpasok ng lalaki sa bahay mo pero 'yung utang mo sa akin hindi mo mabayad-bayaran!"

Halos mapangiwi na ako sa kahihiyan at sakit nang bigla na lang ipagbabato ng matandang babae na iyon sa direksyon ko ang iba ko pang damit na natira doon sa tokador ko pati 'yung mga pabango at make-up ko na nakapatong sa may dresser ko.

"Mga mamahalin gamit mo pero pangbayad sa renta wala ka!" Sigaw ulit ng matanda sa akin habang patuloy niyang binabato sa sahig 'yung mga gamit ko.

Dinig na dinig ko na ang pagbasag ng mga make up at pabango ko sa sahig pero hindi ko pa rin magawang tumayo at humarap sa galit na galit na matandang babae.

Nanginginig ang buong katawan ko sa ginawa niyang biglang pagsugod sa akin at maging sa pagtama ng maliit na gulong ng malaki kong bag na binato niya sa akin kanina.

Nangingilid na ang luha sa mata ko pero hindi ko pa rin magawang umiyak sa nangyayari sa akin ngayon.

"Sa pagbalik ko at hindi ka pa rin nakakalabas ng pamamahay ko, kakaladkarin na kita habang hila-hilang 'yang buhok mo palabas ng bahay, naiintindihan mo?"

Isang tango na lang ang naisagot ko sa kanya sabay tahimik akong naghintay na umalis siya sa apartment ko.

At sa pagsara niya sa pinto, doon na unti-unting bumagsak ang mga luha sa mata ko.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon