Chapter Five [REVISED]

116K 2.8K 192
                                    


Chapter Five

"SIR, SOBRANG salamat po talaga sa paghahatid sa akin." Usal ko matapos maka-labas ng sasakyan at napa-yukod pa rito.

"Don't take this as a sign that you're going to get hired, Miss Delos Santos. You still haven't proved yourself to me."

"Wala hong problema, sir—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapapitlag ako matapos makarinig ng kung anong bumagsak sa may lupa hindi kalayuan sa akin.

Nang lingunin ko kung ano ang bagay na gumawa ng ingay na iyon, gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang pamilyar na maleta at ilang nagkalat na damit at gamit ko doon sa may lupa.

"I will ask my secretary to set another appointment for your interview and—Miss Delos Santos!"

Binale-wala ko ang narinig kong pagtawag sa akin ni Trojan saka dali-daling tumakbo papunta doon sa mga nagkalat kong gamit sa lupa, sabay napa-tingala pa nang may makita pa ako na mga nahuhulog na damit at gamit mula roon sa tapat ng kwarto na inuupahan ko.

Nang mapagtagni-tagni ko ang mga nangyayari, dali-dali akong tumakbo papasok sa apartment building, papunta doon sa kakabukas lang na elevator, at saka pinindot iyong ikatlong palapag kung saan ako nangungupahan kahit hindi pa napipindot iyong close button no'ng elevator.

"Wait!"

Nagulat ako no'ng may makita akong isang kamay at binti na humarang doon sa papasarang pinto ng elevator, saka litong pinanood ang tuluyang pagpasok at pagsakay ni Trojan sa loob bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator sa likod nito.

"What is going on? You seem..."

Hindi na ito nakapag-salita saka tila ito naman ang nagulat habang naka-titig lang sa mukha ko.

Nang ma-realized ko kung ano iyong nagpatigil sa kanya, bigla kong napa-talikod, pinunasan iyong mga nalalaglag na luha sa mga mata ko bago pinakalma ang sarili ko sa pagpa-panic at pagka-torete sa mga nangyayari.

"Are you alright?"

"O-okay lang ako, sir." Nasagot ko na lang saka mabilis na lumabas doon sa elevator nang magbukas na iyon sa palapag ko at naglakad papunta sa unit ko.

At doon nga, nakita ko sa labas ng kwartong inuupahan ko ang iba ko pang gamit na hindi pa natatapon no'ng landlady ko sa labas. Mayroon din akong nakita na lumalabas na mga lalaki, malamang ay kamag-anak no'ng landlady ko, at pinanood sila na nilalabas iyong iba kong mabibigat na gamit.

"Teka lang po sandali, ate!" Nasabi ko roon sa landlady ko sabay napa-hawak pa sa balikat nito para mapa-harap ito sa akin. "A-ano pong ibig sabihin nito? Hindi po ba't nagpaalam naman ako ng maayos na bigyan n'yo pa ako ng palugit?"

"Ay nako! Puro na lang palugit! May nahanap na akong papalit na uupa sa'yo. Iyong maayos magbayad at kayang magbayad sa tamang oras! Kaya, ayan! Tinulungan na kita! Ako na naglabas ng mga gamit mo!"

"May advance at deposit pa ho ako sa inyo, ah!" Pangangatwiran ko pa. "Hindi n'yo po p'wedeng gawin sa akin ito! Isa pa ho, may kontrata tayo!"

"Kontrata-kontrata ka d'yan! Wala nang bisa 'yon! Sa dami ba naman ng kunsumisyon ko sa paniningil sa'yo, aasa ka pang magagamit mo ang advance at deposit mo? Aba'y, hindi ka rin pala sinungaling, ano, Eila? Ang kapal din naman pala ng pagmumukha mo—"

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon