Chapter Nineteen: Kissing Practice

83.7K 2.1K 110
                                    


Chapter Nineteen: Kissing Practice

Eila

Dalawang araw na ang nakakalipas magmula ng payagan ako ni Trojan na magtrabaho ulit sa TME bilang katu-katulong ni Cassandra sa mga trabaho sa kompanya.

At sa loob ng dalawang araw na iyon ay para kaming nasa loob ng isang delubyo dahil sa dami ng mga paper works na binibigay sa amin ni Trojan. Wala ni isa sa mga trabahador sa TME ang nakakahinga dahil sa dami ng trabaho at dahil na rin sa takot na masabugan ng galit ni Trojan oras na magkamali sila.

Dalawang araw na siyang nagiging bugnutin at walang patid sa kakatrabaho. Lagi na rin siyang nag-o-overtime at halos hindi na rin siya nakakakain ng maayos dahil mula umaga hanggang hapon ay nakatutok siya sa laptop niya at tumitipa sa keyboard.

At dalawang araw na rin ang nakakalipas magmula nang hindi ako galawin ni Trojan.

Hindi naman sa hinahanap ko 'yung pagiging mahilig niya sa sex. Natutuwa nga ako na hindi na niya ako ginagalaw kahit na nga sabihin pa natin na magkatabi pa rin kami natutulog sa kama ng kwarto niya sa mansyon.

We sleep beside one another pero hanggang doon na lang iyon. Walang nangyayari sa amin nitong nakalipas na dalawang araw.

Lagi na rin kaming sabay umuuwi magmula nang magtrabaho ulit ako dito dahil ayoko siyang iwan na lang ng mag-isa sa opisina nang hindi man lang nakakakain at hindi nasisiguro na talagang makakauwi siya sa mansyon nang buhay pa.

Trojan is a very work-a-holic man. Sinasamba niya ang trabaho niya at seryoso siya sa mga ginagawa niya sa opisina. At hindi ko maiwasan na hangaan siya dahil doon kaya nga hindi na ako nagrereklamo kahit na mahigpit 'yung mga yakap niya sa akin kapag gabi at kahit na maya-maya niya ako hinahalikan sa kahit anong parte ng katawan ko na gusto niya bago siya tuluyang bumagsak sa tabi ko dahil sa pagod at tulog.

Minsan napapa-isip rin ako na hindi rin pala masama ang pagiging babae niya—as long na sumusunod ako sa gusto niya at hindi ako kumokontra sa sinasabi niya.

True to his words, he's being nice to me nitong nakaraang dalawang araw.

Kahit na sobrang busy niya sa mga tinatrabaho niya, kahit kabi-kabila 'yung meeting na kailangan niyang attend-an, hindi pa rin nawawala sa kanya 'yung maya-maya pagcheck sa akin kung kumain na ba ako o kung napapagod na ba ako sa trabaho na pinapagawa niya sa akin.

Nung isang araw nga minasahe pa niya ang balikat ko sa gulat ko kahit na ako nga dapat ang gumagawa noon sa kanya.

I hate to admit it but somehow, Trojan is pulling something inside me.

His possessiveness is killing me and his brutality when it comes to sex is draining all of me but yet, his care and concern towards me is kind of sweet.

And I hate the feeling that starting to build up inside me.

Like I was starting to fall for him.

Marahas kong iniling ang ulo ko saka marahang tinampal-tampal ang magkabilang pisngi ko bago ko ilang ulit na binukas-sara ang mga mata ko saka muling nagpokus sa doc*ment na ginagawa ko para sa magiging meeting namin mamaya with our foreign clients.

TME is a company that exports local product abroad and import foreign products too. Pero hindi lang iyon ang meron sa kompanya nito dahil kahapon lang nalaman ko na halos pinasok na pala ni Trojan ang lahat ng uri ng negosyo and put it in one company. He even buy and sell machines for factory and construction used at maging mga sasakyan at gadgets.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon