Chapter Twenty: File

87.8K 2.1K 285
                                    

Chapter Twenty: File

Eila

"Thinking of something, honey?"

Muntik ko nang mabitawan ang ballpen na hawak ko nang bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Trojan.

Agad ang pagrehistro ng isang ngisi sa labi niya nang makita niya ang pagkagulat at taranta ko sa bigla niyang pagsulpot sa harapan ko. Pinagtatawanan na rin niya siguro ang pagiging tulala ko sa kawalan nang makita niya ako kanina nang hindi ko pa siya napapansin.

"M-may kailangan po ba kayo, S-Sir Trojan?"

"So we're back to business talk again huh?"

Tinitigan ako ni Trojan nang matagal sa mukha ko bago niya binaba 'yung tingin niya sa leeg ko pababa sa paa ko.

"You were so passionate last night, honey. Now you're acting cold huh?"

Agad nag-init ang buong mukha ko doon sa sinabi niya saka wala sa loob na biglang napalingon kay Cassandra na katabi ko lang dito sa labas at kasalukuyang may kinakausap na kliyente sa telepono.

Mabilis kong binalik ang tingin ko kay Trojan saka ko siya pinanlakihan ng mata.

"Pwede ba?"

"Pwede bang ano?" Pa-inosenteng tanong pa niya saka siya biglang ngumisi ulit. "Don't tell me you want to do it inside again, Eila? You know I don't mind attending to your demands right?"

Pakiramdam ko mas namula pa ang buong mukha ko sa sinabi ni Trojan saka biglang rumehistro sa utak ko 'yung "ginawa" namin ni Trojan noong nakaraan doon sa loob ng opisina niya partikular doon sa bago niyang biling sofa.

Matapos nang pangyayari na iyon, ilang beses kong binatukan ang sarili ko dahil sa ginawa ko.

Hindi ko alam kung kailan pa ako naging sunod-sunuran sa mga gusto ni Trojan. Hindi ko alam kung kailan pa ako natutong hindi tumanggi sa gusto niya partikular sa mga gusto nitong gawin pagdating sa kama... o sa sofa.

Sa tuwing makikita ko ang sofa na iyon kapag pumapasok ako sa loob ng opisina, hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha at pagpawisan ng malamig.

His touch on my skin still lingers not only in my mind but also in my body.

His every touch haunts me in my sleep. And it gives me countless times whenever my sexual expedition with this Trojan Mondragon comes to mind.

"Do want to take some break this early, Cassandra?"

"Wag, Cassandra!"

Bigla kong naipatong ibabaw ng isang bakanteng kamay ni Cassandra 'yung kamay ko nang akmang ibababa na nito 'yung hawak nitong telepono sa mesa namin.

Muli kong binalik ang tingin ko kay Trojan at hindi ko maiwasang mainis na mukhang kinakatuwa niya ang pagpapanic ko sa harapan niya at kay Cassandra doon sa mga pasaring niya.

Ayoko mang aminin pero magmula nang maging sunud-sunuran na ako sa mga gusto ni Trojan at hindi na nanlalaban sa mga utos at gusto niya, somehow may nagbago na sa relasyon namin.

Gaya nga nang nasabi ko na noon, his sweet side feels good.

It's just that, hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kakayanin ang lahat ng ginagawa namin kapag kaming dalawa na lang o di kaya kapag nasa kama na kami.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon