Chapter Forty Two: Old Friend

67.3K 1.4K 102
                                    

Chapter Forty Two: Old Friend

Eila

MABILIS AKONG napakunot-noo nang maramdaman ko na wala na akong katabi dito sa ibabaw ng kama.

"Trojan?"

Last night was one of our most magical moments. We make love until dawn while saying the word I love you to each other's ears. Hanggang sa sabay kaming mawalan ng malay habang mahigpit na yakap-yakap ang isa't-isa nang may matatamis na ngiti sa labi.

Pero ang pinakamasayang nangyari talaga sa pagitan naming kagabi ay nang mapaunawa k okay Trojan na hindi niya kailangang isisi sa sarili niya ang lahat nang nangyayari ngayon sa kompanya maging ang pagtanggap nito sa tulong na inaalok ko kung may maitutulong man ako sa kanya sa kahit anong paraan.

And the man I made love with last night was the romantic and gentle Trojan Mondragon. He just made me feel so precious to him and very wanted. Like I was the most desirable and lovable woman in the world.

Mabilis kong binuhol sa baywang ko ang tali ng roba ko saka ako dumerecho sa banyo para silipin si Trojan kung naroon ba siya o wala.

Pero maging doon ay hindi ko siya nakita.

"Hindi kaya pumasok na siya sa opisina?"

Pero Linggo ngayon. Wala dapat siya sa opisina at sa halip ay nagpapahinga lang sa mansyon.
Kahit pa nga sabihin na dapat kaming mabahala sa nangyayaring unti-unting pagbagsak ng sales ng kompanya, hindi pa rin tama na pagurin ni Trojan ang sarili niya dahil baka ang katawan naman niya ang bumagsak sa sobrang pagtatrabaho.

Akala ko ba malinaw na sa kanya ang lahat? sa isip ko saka mabilis na kumuha ng malaking damit ni Trojan sa kabinet na magtatakip sa kahubaran ko saka bumababa sa may sala para hanapin si Carlos at itanong kung nasaan si Trojan.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakababa ng hagdan nang may makita akong malaking bulto ng isang lalaki na nagpapalakad-lakad sa may sala habang nakatalikod ito sa direksyon ko at may kinakausap sa telepono.

"That will be great. I'll be expecting you tonight."

Trojan?

Nakumpirma ko 'yung hinala ko nang biglang mapalingon sa akin si Trojan saka ako sinalubong ng ngiti.

"Good morning, honey!"

"Morning..." nalilitong sabi ko habang iniinspeksyon ang itsura niya.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang makita si Trojan Mondragon na naka-normal na pananamit lang. Nakasuot siya ngayon ng puting sando na perpektong yumayakap sa katawan nito at isang Hawaiian blue flower printed short na sumakto lang rin sa hubog ng binti nito. Hindi masyadong hapit pero hindi rin masyadong maluwang.

"What's wrong?"

"Kakaiba ang itsura mo," hindi pa rin makapaniwalang sabi ko habang inuulit ng mata ko ang pag-iinspeksyon sa suot niya. "Hindi ko akalain na babagay sa'yo ang mga damit ng normal na tao."

"Honey, I'm normal. I'm also human. And I wear stuff like this."

"Pero nakakapanibago lang talaga na makita ka na ganyan ng suot. Lagi ka kasing naka-suit o kahit anong formal attire kapag nakikita kita."

"Well I guess you'll be seeing a lot of this if I become a poor man," iritadong sabi nito.
Sandali akong natigilan sa sinabi niya.

"Sandali lang, Trojan. Hindi naman ganoon ang ibig kong-"

"Yes. I know," sabi niya saka marahas na napabuntong-hininga. "I'm sorry. It's just that... this thoughts..."

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na tataggapin pa rin kita kahit na ano pang maging estado mo sa buhay?" sabi ko sa kanya saka ko marahang pinulupot ang mga braso ko sa baywang niya para sa isang yakap. "Ano ba, Trojan? Pagtatalunan na naman ba natin 'to? Akala ko naging malinaw na sa'yo ang lahat."

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon