Chapter Twenty Five: Breakfast

72.1K 1.9K 132
                                    

Chapter Twenty Five: Breakfast

Eila

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang may maramdaman akong mabigat na bagay sa may dibdib ko. At sa pagdilat ng mga mata ko, unang sumalubong sa akin ang natutulog na mukha ni Trojan Mondragon at ang braso niyang nakadantay sa ibabaw ng dibdib ko.

Halos pigil ko ang aking hininga habang titig na titig ako sa mukha niya. Natatakot din ako gumalaw dahil baka magising ko siya nang wala sa oras.

What happened last night was one of the sweetest night I spent with him.

Bigla na lang nag-init ang magkabila kong pisngi nang maalala ko ang mga ginawa namin kagabi.

His rough hands traveled all over my body sending my boding sweet heat all over.

Bigla akong napakagat sa ibabang labi ko nang bigla na lang humigpit ang yakap sa akin ni Trojan saka niya biglang naisiksik sa leeg ko ang mukha niya.

Alam kong hindi pa siya gising dahil na rin sa paraan ng paghinga niya pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan ngayong halos sa leeg ko na siya humihinga.

The soft curls of his hair are touching my jaw at naamoy ko na rin ngayon ang bango ng buhok niya.

Hindi lang buhok niya ang naaamoy ko. Naamoy ko rin ang matapang na amoy ng katawan niya.

He reeks sex. At sa tingin ko ganoon din ang amoy ko ngayon.

Dahan-dahan kong inangat ang braso niya saka ko marahang itinulak ang ulo niya palayo sa akin.

Nang mukhang hindi ko naman siya nagising, nakahinga ako nang maluwag saka ako marahang tumayo sa kama.

Halos hindi ko pa maramdaman ang mga binti ko dahil sa ginawa namin kagabi hanggang madaling araw pero laking pasalamat ko na lang at nagawa ko pang makatayo.

Trojan always make me numb kapag nagtatalik kami. Walang gabi na hindi ako pagod at wala ring umaga na hindi namamanhid ang mga binti ko lalong-lalo na ang pagkababae ko.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang iba iyon pero habang tumatagal mas lalo yatang nagiging mas...

Mabilis kong iniling ang ulo ko sa naisip ko saka nagsimulang pulutin ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Pero matapos kong makita na hindi ko rin naman masusuot iyon ng maayos ay agad ko ring binitawan ang mga iyon at naglakad papunta sa malaking tokador ng mga damit ni Trojan.

Wala na akong panahon pa na maghanap ng maisusuot ko sa bag ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa ring naayos ang mga damit ko dito sa may malaking walk in closet sa kwarto na ito.

Matapos kong makahanap ng isa sa mga puting polo ni Trojan ay mabilis ko na iyong isinuot at binutones.

Muli kong nilingon si Trojan at mukhang hindi na rin ito nagigising kaya muli akong nakahinga ng maluwag saka maingat na lumabas ng kwarto.

Gusto kong makabawi sa naging kasalanan ko sa kanya at para mas mapatawad pa niya talaga ako.

"Gusto ko siyang gawan ng almusal," usal ko sa sarili ko habang bumababa ako ng hagdan.

Tama. Iyon nga ang magandang gawin.

At isa pa, hindi pa natitikman ni Trojan ang luto ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami na rin nakakapagsabi sa mga kaibigan ko noong nasa College pa lang ako at ilang katrabaho ko sa dati kong pinapasukan na magaling daw ako magluto.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon