Chapter Eleven: Acceptance

104K 2.5K 192
                                    


Chapter Eleven: Acceptance

Eila

Halos wala kaming imikan habang nakasakay kami sa sasakyan niya at habang papunta kami sa mansyon niya sa may Quezon.

"You're going to stay with me, Miss Delos Santos."

"Pero Sir—"

"I told you to drop that Sir when you're with me, Eila. Or do you want me to fck your mouth para lang tumigil ka sa kakatawag ng Sir sa akin?"

He's harsh. He's bold. He's too vulgar. He's too authoritative. Pero wala naman akong ibang magawa kundi ang sumunod sa gusto niya.

I need Trojan. I need his job. I need his offer na protektahan ako lalo na ngayong walang-wala na ako.

Ayoko namang lumapit na lang ulit kay Ethan. Nahihiya na ako sa kanya. Halos wala na nga akong mukhang maiharap sa kanya dahil sa dami ng atraso ko sa kanya. Dahil sa patong-patong na utang na loob na meron ako para sa kanya.

At isa pa, hindi ko pa yata magagawang harapin siya ngayon. Lalong-lalo ngayon.

Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin. Masakit isipin na kahit papaano, minsan, umasam ako na mapapansin niya ako hindi lang bilang isang kaibigan kundi isang bilang babae rin.

Nahihiya ako harapin siya dahil minsan inaakala ko na may kahulugan ang mga ginagawa niya para sa akin kahit wala naman.

Ayokong umasa na lang habang-buhay sa kanya kahit na noong una pa lang sinabi na niya sa akin na wala naman sa kanya kung tutulungan niya ako kahit habang-buhay pa.

Isa siyang napabuting kaibigan. At inaabuso ko na siya.

Nasaktan ako sa narinig ko na kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. Alam kong wala siyang kasalanan doon pero hindi ko pa rin talaga kayang humarap at magpakita sa kanya ngayon.

Hindi pa ngayon.

Mabigat akong napabuntong-hininga saka muling huminga nang malaling bago ako nagsalita.

"Sana lang tama ang desisyong napili mo, Eila." Sa isip ko.

"Pumapayag na ako."

Marahang hininto ni Trojan ang sasakyan nang bigla na lang magpula ang stoplight sa unang intersection na dadaanan namin.

"Pumapayag ka na saan?"

Naramdaman ko ang bahagyang paglingon niya sa direksyon ko maging ang pagkunot ng noo niya doon sa biglang sinabi ko.

Muli akong huminga ng malalim saka ako nagpasyang humarap na rin sa kanya.

"Pumapayag na ako sa gusto mo." Sabi ko habang titig na titig ako sa mga mata niya. "Pumapayag na akong maging babae mo."

Ilang sandali kaming nagkatitigan ni Trojan sa mata. Wala ni isa sa aming ang umiwas o nagsalita man lang kahit na binubusinahan na ng mga sasakyan sa likuran namin ang sasakyan namin dahil sa biglang pagkulay berde ng ilaw sa traffic light.

"Are you sure?"

Isang marahang tango na lang ang naging sagot ko sa kanya.

Ilang sandali pa niya akong tinitigan sa mata ko at sa buong mukha ko bago niya inalis ang tingin niya sa akin saka niya muling pinaandar ang sasakyan niya.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon