Chapter Twenty Six: Argument

91K 2K 379
                                    

Chapter Twenty Six: Arguments

Eila

"MISS Delos Santos."

Agad akong lumapit sa may accountant na naka-assign sa table na iyon para kunin ang sweldo ko.

Mag-iisang buwan mahigit na rin ako sa kompanya ni Trojan. At ngayon nga ay matatanggap ko na ang pangalawang sahod ko sa buwan na ito.

"Salamat," usal ko matapos kong pirmahan ang binigay niya sa akin papel na nagpapatunay na nabigyan na niya ako ng sahod at sabay abot sa akin ng envelope na may laman ng sweldo ko.

Naglalakad na ako papunta sa floor kung nasaan ang opisina ni Trojan. Pagpasok ko sa elevator, agad kong sinilip ang laman ng sobre kung saan nakalagay ang sahod namin at binilang ang halaga na nakalagay doon.

"Twenty thousand pesos?" hindi ko napigilang mapalakas ang sabi sa pera na nakalagay sa loob no'n.

Nakatanggap ako ng twenty thousand pesos para lang sa pagta-type at paggawa ng annual reports ng kompanya?

Twenty thousand pesos para sa isang baguhang trabahador?

Noong nakaraang kinsenas, ang nasahod ko lang no'n ay saktong halaga lang ng sinasahod ko noon sa dating kompanya sa pinapasukan ko. Minimum wage lang ng mga secretary.

Tapos ngayon nakatanggap ako ng ganitong kalaking halaga para lang sa pag-upo ko sa harapan ng computer at pagtype ng mga trabaho na halos tapos na naman na at kailangan na lang ng kaunting revision.

Nang bumukas na ang pinto ng elevator sa palapag kung nasaan ang opisina ay agad akong lumabas doon at nagmartsa papunta sa kwarto ni Trojan.

Dahil may hinala na ako kung para saan ang sobra-sobrang pera na binigay niya sa akin.

"Trojan!" malakas na tawag ko sa pangalan niya sabay padabog na binuksan ang pinto ng opisina niya.

Kunot-noong napatingin sa direksyon ko ang dalawang lalaki na nasa loob at mukhang nagulat ko yata sila sa ginawa kong basta na lang pagpasok sa kwarto nang walang pasabi.

Maging ako nagulat din. Hindi ko inaasahan na may kasama pala si Trojan sa loob.

"What now, Eila?"

Ilang beses ko nang binabatukan ang sarili ko sa utak ko dahil sa kapangahasan na ginawa ko.

Hindi sa nahihiya ako kay Trojan o kung ano man kundi mas nahihiya ako sa inasal ko sa harapan ng isang bisita at tila isang business investor na rin dahil sa suot nitong suit and tie at hawak na attached case sa gilid nito.

"I-I'm sorry for my intrusion, Sir," hinging paumanhin ko sa kanilang dalawa.

"You should be."

Nagulat ako nang ang lalaking nakaupo sa harapan ng mesa ni Trojan ang nagsalita saka nito nilapag sa katapat na upuan ang dala nito bago tumayo at humarap sa akin.

"Is that the right way to approach the owner of this company, Miss? Aren't you wasting your corporate attire for acting so blunt and rude?"

Mariin akong napayuko sa sahig. "I'm sorry again, Sir."

"'Don't scare her, Eros. She's no stranger to me."

Sabay kaming napatingin ng lalaking tinawag nitong Eros sa mukha ni Trojan bago napatingin ulit sa isa't-isa.

"You know her?" tanong ng lalaki saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa na puno ng agam-agam pa rin sa presensya ko.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon