Chapter Forty Seven: Mad Attraction Part 2

71K 1.5K 181
                                    


Chapter Forty Seven: Mad Attraction Part 2

Eila

HALOS PIGIL ko ang aking hininga habang pinapanood ko si Trojan na hilain ang neck tie na ginamit kong pantali sa isa niyang kamay.

Wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig niya nang magpasya ako na alisin na sa kanya 'yung posas at tie na nagtatali sa kanya doon sa love seat na nasa kwarto namin.

Ni hindi nga niya magawang tumingin sa mukha ko at nanatili lang siyang tahimik at walang imik sa ilang minuto kong pagpupumilit na alisin ang posas sa kanya dahil sa umiikot kong paningin.

Hindi na ulit ako iinom, pangako ko sa utak ko.

"Thank you, Miss Delos Santos."

Lihim akong napalunok nang marinig ko ang madalas niyang tinatawag sa akin kapag sobrang seryoso siya o hindi kaya niya gusto niya lang ako pakabahin sa pagtawag-tawag sa akin sa pangalan na iyon.

'Yung nag-iinit kong pakiramdam kanina ay bigla na lang naglaho na para bang binuhusan ako nang maraming balde na umaapaw sa yelo lalo na nang marini ko na siyang magsalita ulit.

At halos huminto ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin sa unang pagkakataon matapos niyang makawala sa pagkakagapos ko sa kanya doon sa upuan.

"I didn't know you like role playing when you're drunk, Miss Delos Santos," sabi niya habang hinihimas ng isang kamay niya 'yung bakas ng posas sa isang palapulsuhan niya. "This is the first time that someone tried to literally tie me down. The first time I feel so helpless and weak over someone especially to a woman."

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ako sa bawat hakbang na ginagawa niya papalapit sa pwesto ko habang sinasabi niya ang mga salita na iyon. Hanggang sa hindi ko namalayan na umaatras na pala ako mula sa kanya at hanggang sa tuluyan nang tumama ang likod ng tuhod ko sa dulo ng kama at wala sa oras na napaupo ako doon habang nakatingala sa mga malalalim at berdeng mata ni Trojan Mondragon.

Malakas akong napasinghap nang hawakan ni Trojan ang baba ko at dahan-dahan iyong itinaas mas papalapit sa mukha niya.

"But I always feel helpless and weak when it comes to you, Miss Delos Santos. And I'm not going to lie when I say I love being this helplessly in love with you."

Pinanood ko si Trojan nang dahan-dahan itong lumuhod sa harapan ko nang hindi man lang inaalala kung may suot man kaming damit o wala saka niya kinuha ang isang kamay ko at hinalikan iyon.

"I'm sorry if I make you feel this way, honey. Wala sa plano ko ang makaramdam ka nang ganito o 'di kaya magselos kay Elisha. And I am sorry for being too dumb to the idea about you getting jealous," sabi niya saka niya muling binalik ang mga tingin niya sa mata ko bago siya ngumisi. "But maybe, making you jealous is also a good idea."

"Natutuwa ka pa na nagseselos ako ganoon ba?!" hindi makapaniwalang sabi ko.

Muli na namang napalitan ang emosyon na nararamdaman ko. Mula sa panghihina sa inis.

Hindi ko alam bakit napakabilis nang baguhin at kontrolin ni Trojan ang emosyon ko.

Ganito na ba ako kahibang sa kanya? sa isip ko.

"Seeing you jealous gives me a sense of security," nagulat ako nang marinig ko ulit siya na magsalita at nang makita na sobrang lapit na naman pala ng mukha niya sa akin. "An assurance that you also wanted to be with me same with what I feel for you."

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon