Chapter Thirty Four: Talk

73.1K 1.7K 130
                                    

Chapter Thirty Four: Talk

Eila

"I'M SORRY for doing this cruel thing to you, honey," mahinang sabi niya habang hawak ang isang kamay ko at nakatingin sa palapulsuhan kong may bakas pa rin ng marka ng pagkakagapos niya sa akin kagabi. "I fucked up. I'm sorry."

Isa sa mga hindi ko maitatangging magandang katangian ng isang Trojan Mondragon ay ang pagpapakumbaba nito sa kabila ng pagiging arogante at maawtoridad ng dating nito.

"I'm sorry for hurting you, Eila."

Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakadantay ng ulo ko sa balikat niya habang pareho kaming nakahiga sa gitna ng kama sa kwarto niya dito sa mansyon ng Mondragon sa Alta Puebo.

Naging agaw-pansin ang sabay na pagbalik namin ni Trojan sa mansyon. Lahat sila sinalubong kami ng tanong at pag-aalala para sa basang itsura namin at sa mga galos sa tuhod at binti ko mula sa pagkakadapa ko sa ilalim ng malakas na ulanan.

Pero hindi sila binigyan ni Trojan ng pagkakataon na marinig ang paghingi ko ng pasensya at magpaliwanag dahil mabilis niya akong hinila paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon, sa loob ng kanyang kwarto, at doon niya ako personal na binigyan ng paunang lunas sa mga galos sa balat ko. Bukas pa raw kasi makakarating 'yung doktor na pinatawag niya dahil malakas ang ulan at hindi makakarating sa mansyon sa ganitong lagay ng panahon.

Noong una, halos itulak ko na siya palayo para lang mahinto siya sa ginagawa niya dahil alam kong nakakahiya at hindi iyon tama dahil kahit papaano ay amo ko pa rin siya at empleyado niya lang ako.

Pero hindi rin naman tumalab sa kanya ang mga pagtanggi ko kaya sa bandang huli, hinayaan ko na lang sya na gawin ang gusto niya.

"Kasalanan ko 'to. Kaya 'wag kang magsorry sa akin."

"No!" madiing sabi niya sabay bangon kaya napasunod na rin ako sa kanya. "This is my fault! At muntik ka nang mamatay nang dahil lang sa kagaguhan ko!"

"Pero Trojan—"

"Stop being too easy on me, Miss Delos Santos!" madiin na sabi niya. "I promise not to touch you ever again. I won't tie you down nor blindfold you and other bullshits I did last night. I won't touch you again, Eila."

Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yung pagkadismaya na nararamdaman ko ngayon para doon sa mga sinasabi niya.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango na lang bilang tugon at mapayuko at tumingin sa kama at laylayan ng bagong damit na binigay sa akin ni Trojan.

"Unless..."

Bigla akong napatingin sa mukha at mga mata niya nang pwersahan niyang iangat ang baba ko sa kanya saka niya dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin.

Mabilis at mariin kong naipikit ang mga mata ko sa pag-aakala kong hahalikan niya ako pero hindi pala.

"Unless you provoke me. I won't touch you unless you asked me to touch you," mahinang bulong niya sa tainga ko.

Agad na nag-init ang buong mukha ko sa narinig ko mula sa kanya.

Muli ko na namang nakita na bumababa ang mukha at labi ni Trojan sa akin.

Pero bago pa man sumayad ang labi niya sa labi ko ay isang malakas na tikhim na ang umagaw sa atensyon naming dalawa.

"Excuse me, love birds pero pinapatawag kayong dalawa nila abuelo at abuela. Nasa may sala sila. At ngayon na nila kayo kailangan. Kaya mamaya n'yo na lang ituloy 'yan."

Bigla akong nakaramdam ng hiya nang maabutan kami ni Kesha sa ganoong kalagayan ni Trojan. Mabilis akong umalis sa ibabaw ng kama niya at umarte na hindi naapektuhan sa mga nangyayari mula pa sa may gubat kahit na hanggang sa ngayon ay nanlalambot pa rin ang tuhod ko sa malalaim na titig ni Trojan na tumatagos buong pagkatao ko.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon