Chapter Thirty Nine: Caught in the Act

72.9K 1.5K 81
                                    

Chapter Thirty Nine: Caught in the Act

Eila

"BAKIT WALA na si Cassandra sa opisina, Trojan?" biglang tanong ko sa kanya matapos kong ilapag sa mesa 'yung morning coffee niya.

"She's with Ethan," sagot niya sa akin nang hindi inaalis ang tingin sa binabasa niyang business page ng dyaryo.

"Sila na ba?" tanong ko ulit matapos kong maupo sa isa sa upuan na nasa harapan ng table niya. "I mean, girlfriend na ba niya si Cass? Ilang beses ko na rin silang nakita na magkasama. Kahit noong nasa Alta Puebo tayo. Gusto ko lang malaman kung ano na ang estado ng relasyon nila."

"Why are you asking me that?"

Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman ko nang biglang tupuin ni Trojan ang dyaryo na binabasa niya para malipat na sa akin ang atensyon niya.

Ngayon ko lang din naisip na baka hindi pa rin komportable si Trojan na pag-usapan namin si Ethan dahil ito ang numero unong pinagseselosan niya sa lahat.

And Trojan's jealousy towards Ethan is immeasurable sometimes. Hindi mo alam kung kailan siya sasabog sa galit o sisigaw sa inis.

Alam ko na malinaw na sa amin ang relasyon naming dalawa. Na mahal na talaga namin ang isa't-isa at hindi na lang ito simpleng atraksyon na lang.

Pero siguro hindi ko pa rin dapat inuungkat sa usapan namin si Ethan. Ayokong ito na naman ang pagsimulan ng away namin at pagkasira ng maganda naming relasyon ngayon.

"Pasensya ka na sa itinanong ko," biglang bawi ko. "Nagtataka lang kasi ako na wala na si Cassandra sa pwesto niya. Sorry. Hindi ko dapat tinanong sa'yo 'yun."

"And why is that?"

Muli kong sinalubong ang tingin niya at gaya kanina, hindi ko pa rin mabasa kung ano ba ang iniisip niya o makakuha man lang ng ideya kung paano niya ba kinukuha ang ibig kong sabihin.

"Wala. 'Wag na lang natin silang pag-usapan," sabi ko sabay tayo. "Mali 'yung ginawa ko. Ang aga-aga pero ito agad 'yung sinalubong ko sa-"

"Wala akong alam sa estado ng relasyon nila kung iyon ang gusto mong malaman," sabi ni Trojan saka muling bumalik sa pagbabasa nang mapatingin ulit ako sa kanya. "But one thing is for sure. They're fucking one another."

"Trojan Mondragon!" hindi makapaniwalang sabi ko matapos kong mapasinghap.

"What?"

"Hindi mo ba p'wedeng bawasan 'yung pagiging eskandaloso ng bibig mo kahit na sa isang araw lang?"

"But you like every dirty word that comes out from my mouth."

Biglang uminit ang buong mukha ko doon sa narinig ko mula sa kanya saka ko siya pinanood na tumayo mula doon sa kinauupuan niya bago siya lumapit at tumayo sa harapan ko.

"Hindi ba at tama naman ako, Miss Delos Santos? You like my dirty talking with you?"

"W-wala akong sinasabing ganyan!" depensa ko.

"But you didn't say no neither," pang-aasar pa niya sa akin. "C'mon, Eila. Admit it. You like to do dirty stuff with me. You love me right?"

"Kailangan ba lagi mong ginagamit 'yung salitang pagmamahal sa mga masasamang salitang lumalabas d'yan sa bibig mo?"

"But that's what I want to say. That I love you."

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon